Sa pagpasok ng bagong taon, naintriga ang buhay pag-ibig nina Sofia Andres at Elisse Joson.
Ayon sa mapanuring netizens, hiwalay na sa kani-kanilang partners ang dalawang Kapamilya actress.
Nobyo ni Sofia ang international race car driver na si Daniel Miranda; mayroon silang anak na si Zoe.
Si McCoy de Leon naman ang partner ni Elisse, at anak nila si Felize.
Sa Instagram stories ni Sofia ngayong Miyerkules, January 4, 2023, spotted na kasama niya si Elisse at ang isa pa nilang kaibigan na si Michelle Vito.
Makikita sa in-upload na video ni Sofia na tila ipinagdiriwang nilang magkakasama ang papalapit na ika-27 kaarawan ni Elisse sa January 6, 2023.
Simpleng "HBD [Happy Birthday]" ang mababasa sa post ni Sofia.
Wala mang nabanggit na iba pang detalye tungkol sa kanilang naging girls hangout, hinala ng netizens na baka "bonding over heartbreak" ang dahilan ng madalas na paglabas nila.
Hindi kasi ito ang unang pagkakataong naispatan ang paglabas ng dalawang celebrity moms.
Noong January 2, 2023, laman din ng kani-kanilang Instagram stories ang naging bonding ng kanilang mga chikiting.
Tweet ng isang netizen, "Ang mag-BFF (best friend) na si Sofia and Elisse parehong hindi ok sa partner nila. Lalo na dun kay Elisse na bali-balita na may other girl si McCoy."
Saad naman ng isa, "If true ang chismis about hiwalayan ng Mclisse at DanSof grabe imagine that ang gaganda at perfect na nilang mga young mom pero nakuha pa din silang iwan. Tapos mag bff pa si Elisse at Sofia."
Komento pa ng isa, "Sofia and daniel tas ngayon naman mccoy and elisse [cry emoji]. Friends nila na sina michelle vito & claire ruiz nalang ang going strong ang relationship with their jowa."
SOFIA-DANIEL BREAKUP RUMORS
Nagsimula ang haka-hakang may pinagdaraanan ang dalawa nang i-unfollow ni Sofia si Daniel sa Instagram.
December 25, 2022, kapansin-pansin ding magkahiwalay nilang ipinagdiwang ang Pasko kasama ang kanilang anak na si Zoe.
Read: ON THE ROCKS? Sofia Andres unfollows, then follows again Daniel Miranda on Instagram
Nasundan pa ito noong January 1, 2023, nang muling hindi masilayan si Daniel sa New Year's eve celebration ng kanyang mag-ina.
Read: Sofia Andres celebrates holiday anew without boyfriend Daniel Miranda
ELISSE-MCCOY THIRD PARTY RUMORS
Matagal nang napapansin ng netizens ang hindi na pagpo-post ng family picture nina Elisse at McCoy.
Mas lalo pa silang naintriga nang mag-post si McCoy ng litrato nila ng kanyang anak na may makahulugang caption.
Sa naunang caption sa larawan nila ng anak na si Felize, ang maikling mensahe lang ni McCoy ay “Lagi mong tatandaan na mahal kita”
Nasundan pa ito ng isang cryptic post ni Elisse na mula sa quote ni C. S. Lewis.
Mababasa sa quote, "Imagine yourself as a living house. God comes in to rebuild that house. At first, perhaps, you can understand what He is doing.
"He is getting the drains right and stopping the leaks in the roof and so on; you knew that those jobs needed doing and so you are not surprised.
"But presently He starts knocking the house about in a way that hurts abominably and does not seem to make any sense. What on earth is He up to?
"The explanation is that He is building quite a different house from the one you thought of – throwing out a new wing here, putting on an extra floor there, running up towers, making courtyards.
"You thought you were being made into a decent little cottage: but He is building a palace. He intends to come and live in it Himself.”
Hanggang nitong January 3, 2023, nag-trending sa TikTok ang video na makikitang may kasamang ibang babae si McCoy.
Read: McCoy de Leon's photo with non-showbiz girl goes viral; is he cheating on Elisse Joson?
"Cheating" ang nakikitang dahilan ng netizens sa napapabalitang hiwalayan ng dalawa.
Sa litrato kasi ay tila sweet si McCoy at ang non-showbiz girl na si Mary Joy Santiago.
Wala mang direktang kumpirmasyon kung ito nga ba ang babaeng ipinalit ni McCoy kay Elisse, mas nagliwanag ang espekulasyon ng mga netizen sa cryptic post na ibinahagi ni Mary Joy sa kanyang Instagram Story kagabi.
Nagtutugma kasi ito sa kontrobersiya na kinakasangkutan nila ni McCoy.
Mababasang nakasulat dito: "Instead of making assumptions about me and what I do how about you just ask.
"So quick to believe things about a person without even knowing them or even simply having a conversation with them.
"You guys are on some childish type of sh*t and I'm not here for it."
Dahil dito, inakusahan ng netizens si McCoy ng pagiging “cheater.”
Read: Did McCoy de Leon confirm breakup with Elisse Joson via open letter to daughter?