Olivia Culpo pokes fun at her "low energy" prior to hosting Miss Universe anew

by Khryzztine Joy Baylon
Jan 9, 2023
Olivia Culpo
Miss Universe Olivia Culpo made a meme of herself as she is once again set to host Miss Universe 2022 grand coronation on January 14, 2023 (January 15, 2023, Philippine time).

Laugh trip ang muling hatid ni Miss Universe 2012 Olivia Culpo sa kanyang Instagram followers.

Ito'y matapos niyang patulan ang isang komento ng netizen na nagsabing kailangan niya ng "more energy" para sa muling pagho-host sa papalapit na Miss Universe 2022 grand coronation.

Isa si Olivia sa main host ng 71st edition ng Miss Universe na gaganapin sa Ernest N. Morial Convention Center, New Orleans, Louisiana, USA, sa January 14, 2023 (January 1, 2023 sa Pilipinas).

Makakasama niyang main host si Jeannie Mai Jenkins, habang backstage commentator naman sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at American Ninja Warrior co-host at Access Hollywood correspondent Zuri Hall.

Read: Miss Universe 2012 Olivia Culpo returns as co-host of Miss Universe 2022

Sa Instagram post ni Olivia noong Sabado, January 7, sinagot niya ang netizen na humirit sa estilo ng kanyang paghu-host.

Sa video, makikitang nakasakay si Olivia sa bangka habang nag-aayos.

Mababasa sa taas ng kanyang video, "On my way to get Red Bull before hosting Miss Universe because user 26263747482 said I need more energy this year."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinundan pa ito ng kuwela niyang caption na (published as is), "Been practicing screaming all week and not squinting when I read !!!!!! See you next week @missuniverse I can’t wait."

Naging trending topic si Olivia nang mag-host siya sa 69th Miss Universe.

Ito'y matapos mag-viral sa social media ang "low energy" pati na ang facial reaction niya habang ina-announce nila ng co-host na si Mario Lopez ang winners ng Miss Universe 2020.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nabahiran pa ito ng ilang intriga galing sa pageant fans.

Ayon sa kanila, pati raw si Olivia ay nagulat kaya ganoon na lang ang kanyang facial reaction nang si Andrea Meza ng Mexico ang itinanghal na Miss Universe 2020 laban kay Julia Gama ng Brazil.

Agad naman itong nilinaw ni Olivia noong May 19, 2022 na walang malisya ang pagkunot niya ng noo habang inaanunsiyo ang resulta ng kumpetisyon.

Read: Olivia Culpo breaks silence on viral memes about her "surprised" reaction to Miss Universe 2020 results

Paliwanag niya, dala lang ng kaba kaya ganoon na lamang ang kanyang reaksiyon.

Natatakot daw kasi siyang magkamali ng anunsiyo sa placing ng Top 5 finalists.

Paliwanag niya, "I don't think I have ever concentrated so hard on reading in my life than when announcing the winner of Miss Universe this weekend [laughing with tears emoji].

"I was sooo terrified of reading the wrong country [crying with tears emoji].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Apparently I need to work on my reading face and I'm sorry if this was misinterpreted in any way.

"I swear I'm just concentrating on the words. Every girl was beautiful and most importantly so sweet and kind [heart emoji]."

NETIZENS REACT

Samantala, umani ng iba't ibang reaksiyon mula sa Filipino pageant fans ang "need more energy" post ni Olivia.

Sa comments section ng kanyang post ay bumuhos ang mga nakakatawang komento ng fans.

Hirit ng isang netizen, "Drink Milo everyday madam to help beat energy, energy gap."

Saad ng isa, "Yes please, announce the countries with energy [laugh emoji]."

Komento naman ng isa, "Mag enervon ka mare, more energy mas happy [laugh emoji]."

Sabi pa ng isa, "I'm excited to see you more energy, Olivia."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe Olivia Culpo made a meme of herself as she is once again set to host Miss Universe 2022 grand coronation on January 14, 2023 (January 15, 2023, Philippine time).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results