Mo Twister lambasts former Juicy! co-host Alex Gonzaga over her viral video; Mikee Morada posts message of support for Alex

by Arniel C. Serato
Jan 17, 2023
Mo Twister, other personalities reactions to Alex Gonzaga viral video
DJ Mo Twister (left), former co-host of Alex Gonzaga (right) in the now-defunct TV5 showbiz-oriented talk show Juicy (inset), did not mince his words in criticizing the TV host/actress/vlogger over her viral video.
PHOTO/S: Courtesy: Facebook / Instagram

“Foul” para sa maraming netizens, pati na sa ilang kilalang personalidad, ang ginawang biro ni Alex Gonzaga sa isang waiter/server sa birthday asalto ng TV host/actress/vlogger nitong nakaraang January 15, 2023.

Nagdiwang ang Tropang LOL host ng kanyang ika-35 kaarawan kahapon, January 16, 2023.

Sa viral short video na kuha sa bisperas ng kanyang kaarawan, makikitang pinahiran ni Alex ang waiter ng chocolate icing sa noo matapos hipan ng birthday celebrator ang kandila ng cake.

Read: Ika-35 kaarawan ni Alex Gonzaga, nabahiran ng isyu dahil sa pagpahid niya ng cake sa noo ng waiter

Pinagpasa-pasahan kaagad ang video sa social media.

Gaya ng inaasahan, hindi pinalampas ng netizens ang diumano'y “insensitive” na ginawa ni Alex sa waiter/server.

Isa sa nagbigay ng reaksiyon tungkol sa isyu ay si DJ Mo Twister, dating co-host ni Alex sa defunct showbiz-oriented talk show ng TV5 na Juicy.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Mo na halata umanong lasing si Alex sa nasabing video pero idinugtong niya ang mga salitang "stupid" at "narcissist."

Buong tweet ng U.S.-based radio host: “Come on guys. She was drunk. …and stupid. Drunk and stupid. And a narcissist. Drunk and stupid and a narcissist.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinadismaya rin ni Miss Universe Philippines 2021 semifinalist Ayn Bernos ang video na kumalat.

Sabi niya, “Paalala na yung mga jokes dapat nakakatuwa for all parties involved.”

Itinuturing namang “emotional labor” ng film director na si Gino Santos ang kanyang napanood.

Sana raw ay huwag nang idamay ang ibang tao, lalo na yung mga nagtatrabaho lamang, sa mga ganitong klaseng biro.

Buong tweet n Gino: “Umm.. when you try to make joke, wag na mag damay ng iba.. esp yung mga nagtratrabaho. This is whatcha call ‘emotional labor’ [sad face emoji]”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang "emotional labor" ay inilarawan ng sociologist na si Arlie Hochschild sa kanyang 1983 book na The Managed Heart: Commercialization of Human Feeling bilang "a situation where the way a person manages his or her emotions is regulated by a work-related entity in order to shape the state of mind of another individual, such as a customer."

MIKEE MORADA DEFENDS ALEX

Wala pang pahayag si Alex ukol sa nilikha niyang kontrobersiya.

Pero ang mister niyang si Lipa City Councilor Mikee Morada ay may mensahe ng suporta para sa kanya.

Saad ni Mikee sa Facebook kahapon din: "Happy birthday sa pinakamamahal kong asawa Alex Gonzaga Official!!!

"Yan yung mga iba't-ibang picture na nasa cellphone ko kapag sinasabi mong 'kuhanan mo ako ng picture dito' madalas maraming take yan!

"Will always be here to support you and will always be behind you! Thank you for always taking care of me and making our home a home. Love you mamamel!!!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
DJ Mo Twister (left), former co-host of Alex Gonzaga (right) in the now-defunct TV5 showbiz-oriented talk show Juicy (inset), did not mince his words in criticizing the TV host/actress/vlogger over her viral video.
PHOTO/S: Courtesy: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results