Hindi napigilang maiyak at maging emosyonal ni Karylle nang magbigay ng mensahe sa pagbabalik ng co-host na si Vhong Navarro sa It’s Showtime.
Nitong Lunes, January 16, 2023, nagbalik si Vhong matapos ang ilang buwang pagliban nito sa Kapamilya daily noontime show.
Read: Vhong Navarro makes emotional return to It's Showtime
Apat na buwang hindi napanood si Vhong sa It’s Showtime buhat nang makulong siya sa NBI Facility noong September 19, 2022 at ilipat sa Taguig City Jail dahil sa kasong rape na isinampa laban sa kanya ni Deniece Cornejo noong January 2014.
Read: Deniece Cornejo throws shade at Vhong Navarro’s return to It’s Showtime
Isa si Karylle sa mga co-host ni Vhong na napahagulgol sa iyak nang isa-isa silang magbigay ng mensahe sa pagbabalik ng TV host-comedian.
Ayon kay Karylle, hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman dahil muli nilang makakasama si Vhong.
Humingi rin siya ng tawad sa aktor dahil dumating daw sa puntong nawalan na siya ng pag-asang makakalaya pa ito.
Madamdaming mensahe ni Karylle kay Vhong: “Damang-dama ko yung pagbabalik mo.
“Hindi ko alam kung ano yung nararamdaman ko kasi nawalan ako ng pag-asa talaga.
“Sorry, dahil naubos yung pag-asa ko.
“Pero minsan may dumarating na madlang people, sasabihin nila na one day, mangyayari to.
“At nandito ka ngayon. I’m just so grateful.”
Dahil dito, hindi rin napigilang maluha ni Vhong, kaya’t napayakap na lang siya kay Karylle sabay sambit ng “thank you.”
Read: Vhong Navarro "ang bigat ng loob" matapos magpiyansa
Agad na sinang-ayunan ni Vice Ganda ang sinabi ni Karylle.
Aniya, normal lang na minsan ay makaramdam ng kawalan ng pag-asa.
Saad ni Vice, “Sobrang sincere lang nun, na nawalan siya ng pag-asa kasi it happens.
“Darating ang panahon na mawawalan tayo ng pag-asa, and okay lang yun.
“Ang mahalaga mabawi natin yung pag-asang nawawala.
“Hindi naman tayo puwedeng magpaka... yung sinasabing toxic positivity.
“Normal iyon, e, na parang walang pag-asa. Normal na mararamdaman yun.
“Ang mahalaga ay mabawi natin yung pag-asa, katulad ngayon. Nababawi ang pag-asa.
“Akala mo lang nawala, pero lumabo lang, [pero] nandiyan pa rin.”
MESSAGES for vhong
Bukod kay Karylle, hindi rin napigilang maging emosyonal nina Anne Curtis, Ogie Alcasid, Kim Chiu, Ryan Bang, Amy Perez, Jackie Gonzaga, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, at Ion Perez.
Mensahe ni Anne kay Vhong, “Alam mo lagi ngang sinasabi ko in our chat room, I know you had to take a time as well to be with the people who really, really miss you.
“Isa na diyan ang wonder woman mong si Tanya. Saludo talaga ako kay Tanya.
“But, I just wanna say we’re so happy to have you back and welcome home.”
Ang "Tanya" na tinutukoy ni Anne ay ang misis ni Vhong, ang screenwriter na si Tanya Winona Bautista.
Read: Vhong Navarro's wife testifies in TV host-comedian's motion for reconsideration
Kalakip naman ng mensahe ni Ogie ang pasasalamat sa Diyos sa milagro raw nitong ibinigay kay Vhong.
Sabi ni Ogie, “Nakakatuwa kasi alam mo noong wala ka, nagdarasal kami ng milagro na sana bumalik ka na. Ayun pala, ikaw yung milagro.
“You’re a miracle, bro.
"Gusto ko lang sabihin sa iyo na, salamat. Salamat at bumalik ka.
“Salamat sa Panginoon. God is good. God is really good.”
Read: Taguig court orders arrest of Vhong Navarro for rape; no bail recommended
May halong kuwela naman ang mensahe ni Amy kay Vhong.
Saad niya, “Our God is the God of many chances. So praise God na nandito ka, buo, healthy.
“Kasama mo yung pamilya mo, kasama mo kami.
“[Dahil diyan] maligaya akong mag-o-order ng sinigang na bangus mamaya.”
Dagdag pa ni Amy, “Vhong, welcome back. Na-miss ka namin sobra.”
Maging si Jackie ay hindi makapaniwala na sa wakas ay dininig na ng Diyos ang matagal na niyang dasal.
Mensahe niya, “Kuya Vhong, ang masasabi ko lang, super grateful ako and happy.
“Ito na yung pinagdarasal nating lahat, nandito ka na ulit.”
Read: Vhong Navarro voluntarily surrenders, posts bail for acts of lasciviousness case
Masayang-masaya rin si Kim sa pagbabalik ni Vhong. Kalakip ng mensahe niya ang pangakong mananatili siyang nasa likod ng kaibigan ano pa man ang mga pagdaanan nito.
Aniya, “Kuys, sobrang saya ko na nandito ka na. Ito yung hinihintay nating panahon na sobra tayong magtatawanan at kung anu-ano mang kalokohan ang gagawin natin dito.
“Confident tayo na maging masaya kapag nandito tayo sa stage. Sabi nga nung kanta, ‘when you call me, I’ll be there,’ alam mo yan, lagi akong nandiyan para sa iyo.
“Lahat kami dito pamilya mo, through ups and downs, sa masaya o sa malungkot na panahon, hindi ka namin iiwan.
“Lagi kaming nakaalalay sa iyo.”
Sabi naman ni Ryan, “Alam ko sa sarili ko na mahal na mahal kita, Kuya Vhong.
“Alam mo, nagpe-pray talaga ako. First time kong mag-pray na halos araw-araw.
“Pagkagising ko at bago ako matulog, sobrang pray ko kay God.
“Kahit mga kaibigan at pamilya ko humingi ako ng pabor na ipag-pray ka.
“Kaya thanks God, kasi noong nawala ka, ang bigat sa dibdib.
“I love you, Kuya Vhong, and thanks God.”
Read: Vhong Navarro celebrates Christmas with family weeks after posting one-million-peso bail
Punung-puno rin ng dasal at pasasalamat sa Panginoon ang mensahe ni Teddy at Ion.
Saad ni Teddy, “Kuys, sa maniwala ka’t hindi, sobrang linaw sa akin na noong time na nagpe-pray ako kay Meme [Vice] na mahanap niya yung the one niya. Sobra linaw sa utak ko na mahahanap niya yun, at yun nga si Ion.
“Noong pinagpe-pray namin na makasama ka ulit namin, sobrang linaw din sa akin na makakasama ka na namin ulit.
“Ayun yung binigay sa akin na vision, sobrang natutuwa ako at forever akong magpe-praise kay Lord dahil binalik ka Niya sa amin dito.”
Mensahe naman ni Ion, “Wala kaming ibang hinahangad kundi makasama ka.
“Yun nga yung wish ko noong birthday ko, dalawa lang yung wish ko—para sa ate ko at ikaw na makasama ka namin.”
Read: CA orders Taguig Prosecutors to file rape, acts of lasciviousness charges vs Vhong Navarro
Humingi naman ng tawad si Jugs kay Vhong at sa pamilya nito dahil hindi raw siya nakapunta sa mga oras na kailangan ng kaibigan ni Vhong.
“Sir, humihingi lang ako ng sorry sa yo at sa pamilya mo dahil hindi ako nakabisita sa yo sa pinakakailangan mo kami… ako.
“Hindi ako nakapunta para sa iyo.
“Pero kung mapapatawad mo ako, babawi ako sa iyo. Tatawagin kitang gwapo araw-araw hanggang sa maasar si Anne.”
Sagot naman ni Vhong, hindi kailangang humingi ng tawad ni Jugs dahil naiintindihan niya kung ano man ang rason ni Jugs.
Read: A timeline: Vhong Navarro vs Cedric Lee, Deniece Cornejo legal battle