Hindi na itinago ni Zanjoe Marudo, 40, ang totoong estado ng relasyon nila ng napapabalitang malapit sa kanyang puso ngayong si Ria Atayde, 30.
Ayon sa aktor, hayag na sa publiko ang sightings nila kaya diretso na niyang inaming girlfriend nga niya si Ria.
Sa programang Headstart ni Karen Davila sa ANC ngayong araw, January 17, 2023—kung saan panauhin sila pareho ni Janine Gutierrez para sa promo ng Dirty Linen—inamin na ni Zanjoe na sila na ni Ria.
Tanong ni Karen, “I heard you were in a relationship right now. Kay Zanjoe muna tayo, you’re in a relationship right now?”
Tugon ng aktor na medyo kinikilig: “Yes. Parang it’s out in the open naman na, so yes.”
Natatawa naman si Zanjoe sa tanong kung mag-aasawa na ba siya sa lalong madaling panahon.
Sabi niya, “Sobra lang akong nag-e-enjoy ngayon sa sitwasyon ng buhay ko, sa career ko, sa personal life, pero yung mga ganyang bagay [pag-aasawa], masyado pang maaga.”
Matagal nang usap-usapan ang pagkaka-link ng dalawa, pero walang direktang pag-amin mula sa kanila.
Pero si Ria ay nagpapahiwatig na mayroong namamagitang espesyal sa kanila ni Zanjoe.
Katulad na lamang sa kanyang yearender Instagram post kung saan ipinasilip ng aktres ang ilang sweet moments nila ni Zanjoe.
Magkasama silang nagbakasyon sa El Nido at Japan, kasama ang iba pang mga barkada, hanggang sa get-together ng pamilya Atayde.
Magkasama silang nanood ng Eraserheads concert noong December 22, 2022, at may kuha silang nakaakbay si Zanjoe kay Ria.
Read: Ria Atayde posts sweet moments with Zanjoe Marudo
Noong October 2022, ang ina mismo ni Ria na si Sylvia Sanchez ang nagsapubliko na "dating" ang relationship status nina Ria at Zanjoe.
Bukas si Sylvia sa pagsasabing boto siya kay Zanjoe para kay Ria dahil nakikita niyang mabait ang aktor.
RELATED STORIES:
- Sylvia Sanchez on Zanjoe Marudo: "Mabait si Z, gustong-gusto ko siya"
- Zanjoe Marudo, Ria Atayde spotted getting cozy in Japan
- Joshua Garcia shows photo of Zanjoe Marudo, Ria Atayde in Japan
- Zanjoe Marudo and Ria Atayde are dating, Sylvia Sanchez reveals