Mga waiters, nagbigay ng saloobin ukol sa icing-smearing issue ni Alex Gonzaga

by Bernie V. Franco
Jan 20, 2023
alex gonzaga waiter
Kaliwa't kanan ang reaksiyon ng netizens pati celebrities sa isyu ng pagpahid ni Alex Gonzaga ng icing sa waiter. Pero ano naman kaya ang saloobin ng waiters at dating waiters sa pangyayari? Basahin ang kanilang mga pahayag at mga karanasan tungkol sa customers.
PHOTO/S: Jessie McCall via Unsplash / Instagram

Hati ang reaksiyon ng netizens tungkol sa pagpahid ni Alex Gonzaga ng icing sa mukha ng waiter na si Allan Crisostomo.

Nangyari ito noong January 15, 2023, sa birthday salubong ni Alex na dinaluhan ng kanyang pamilya at celebrity friends.

Matapos kantahan ng birthday song, kinamay ni Alex ang kanyang birthday cake at ipinahid ang icing sa noo ng waiter na humahawak ng cake.

Pinagpiyestahan ang isyu online at kanya-kanyang labas ng saloobin ang ordinaryong netizens, personalities, celebrities, at social media influencers.

Ang mga kampi kay Alex, sinabing OA (over-reacting) daw ang reaksiyon ng iba. Di na raw ito dapat ginawang big deal.

Ang mga kontra, sinabing indikasyon ito ng kawalan ng respeto sa propesyon ng mga waiters.

Humingi na ng kapatawaran ang aktres, at sinabi ng kanyang kampo na "laging kabiruan" ng pamilya Gonzaga ang waiter.

Naglabas na rin ng maikling signed statement si Allan.

Nag-post din ang asawa ni Alex na si Mikee Morada at inaming nagkamali ang kanyang asawa.

At sa mga nangyari, ang isa sa takeaways ay iba-iba ang pagtanggap ng tao sa isang biro. Depende ito minsan sa mood, sa okasyon, at sa tao.

Ano naman kaya ang saloobin ng waiters, naging waiters, at nakapagtrabaho sa service industry?

Narito ang nakalap na sentimyento ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ukol sa isyu:

“NATURAL” LANG DAW ANG inasal NI ALEX sa party

Ang sabi ng netizen na dating waiter, “normal lang” ang magpahiran ng icing sa isang birthday party, magkakilala man o hindi.

Sabi ng netizen (published as is): “Bday party yan, so ung ginawa ni Alex Gonzaga natural lang, kakilala mo mn yn o ND.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Masyado lng kasi talga minamasama NG iba.

“Naging waiter din nman ako before, Kung sken mngyare yan, Mas mararamdamn ko n part ako NG party na un kahit waiter lng ako.”

netizen icing

Sang-ayon din sa ginawa ni Alex ang isang female netizen na naging waitress noon. Icing lamang daw iyon at madaling tanggalin.

Komento niya (published as is): “As a waitress dati for me ha opinion ko lng its not a big deal for ako kahit hnd pa yan artista or normal na tao lng tas pahiran ako ng cake its ok cake lng yan wipe out mo lng tissue mag hilamos tangal na.”

Patuloy nito: “Maka pag react mga tao akala mo naman sila ung pinahiran”

Sabi niya, kung makapag-react daw ang ibang tao ay mas galit pa sila kesa sa waiter na pinahiran ng icing ni Alex.

Sundot niya (published as is): “Mas Malala pa nga ung iba customers ung mga feeling elite na tao maka mura mura sa mga waitress and waiter un ang nakaka humiliate nakaka baba ng pag katao.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

waiter comment

baka I-NORMALIZE ANG GANITONG ASAL

Ang TikTok content creator na si Marvin “Kuya Marvin” Curbot, nagsalita sa isyu sa pamamagitan ng isang video.

Ani Marvin, dati siyang nagtrabaho bilang isang waiter sa restaurant.

“It’s not bad to have fun with service crew, waiter… Hindi masamang biru-biruin sila, hindi masamang makipagkulitan sa kanila,” punto niya.

“Pero yung ginawa ni Alex Gonzaga is too much, actually it’s too much na.”

Aware si Marvin na siguradong may kokontra sa kanya at sasabihing OA ang reaksiyon niya. Baka ikatuwiran ng iba na maaaring nabigyan naman ng malaking tip yung waiter na pinahiran ng icing sa mukha.

“You see, that’s the problem,” sabi ni Marvin.

“Maraming customer na akala mo normal na lang sa kanila na i-humiliate ka, na porke't nabayaran ka, na porke't customer sila, puwede nilang gawin lahat ng gusto nilang gawin sa iyo.”

Binanggit niya ang kasabihang “the customer is always right” kaya ang ibang waiters, “pangiti-ngiti” na lang kahit na “binalasubas” na ng customer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Banat ni Marvin, “Paano kung halimbawang buhusan ka ng drinks ng customer dahil wala lang, trip niya lang?

“Paano kung yung sauce na kinakain niya ipinahid niya sa uniporme mong kulay puti?

“Hindi ka puwedeng mag-react. Bawal mag-react. Bawal kang magalit kasi crew ka, e.

“Hindi ka puwedeng magalit. Hindi ka puwedeng gumanti kasi anumang mangyari, baka posible matanggal ka pa sa trabaho."

Ano raw ang mapupulot ng viewers sa video ni Alex Gonzaga at sa ginawa niya sa waiter?

“May possibility na i-normalize na lang yung ganon pag kumain din sila sa resto, kasi walang palag yung crew.

“Walang palag yung staff. Walang palag yung waiter, which is mali.

“Kahit man lang bilang tao, respetuhin natin sila. Igalang pa rin natin yung ginagawa nila.”

TRATONG IKAKALUNGKOT, IKAKABABA MO

Si "Wally" (hindi tunay na pangalan) ay guest relation specialist at part-time property associate na nagbigay ng pahayag nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ukol sa isyu.

Naging part-time waiter siya sa isang Chinese restaurant noon sa loob ng higit tatlong taon.

Aniya ukol sa isyu: “Being a waiter is hard, you always need to make sure na satisfied si customer sa part mo.

“In my experience as a part-time waiter, very minimal ang chance na di ka maka-encounter ng mga ganoong customers.

“One time I had a customer na humihingi ng soup. Hindi ko lang naibigay sa kanya ng ilang minuto dahil sa dami ng tao.

“Inirapan ako, tinaasan ng boses, at hindi na tinanggap yung sabaw na binibigay ko.

“May times na gusto mo sila kausapin at i-explain yung sarili mo, pero mas pipiliin mo na lang manahimik at intindihin sila para di na lang lumaki.”

Ano ang naramdaman niya sa isyu ni Alex at ng waiter?

“Nalulungkot kasi madami sa atin ang nagsisikap at nagkakanda-kuba-kuba sa pagtatrabaho para lang may pantutustos sa sarili at sa pamilya natin.

“Tapos may mga unexpected na tao ang tatrato sa atin na ikalulungkot at ikakababa ng araw mo.”

DEPENDE SA RELASYON NG WAITER-CUSTOMER

May pahayag din sa PEP.ph si "Royce," isang media editor na dating nagtrabaho bilang food delivery boy sa isang restaurant.

Nagbahagi siya ng isang karanasan, pero inaming may pagkakamali siya sa insidente dahil late niyang naihatid ang order ng customer, na hiniya siya.

“Napahiya ako kasi inismiran ako at sinabihan sa [harap ng] maraming tao.

“Inintindi ko na lang din. Stressful trabaho niya sa bank.

“Naririnig ko nga mga milyones ang usapan nila ng kausap niya sa phone.

“Tapos parang di siya tumatayo sa upuan niya. Tapos darating yung food niya na-late at malamig.”

Ano naman ang point of view (POV) niya sa isyu ni Alex at ng waiter?

“Yung ginawa ni Alex, kung kakilala naman niya yung waiter o kabiruan, ok lang siguro.

“Pero kung di mo naman kakilala o di kayo close, bad yun.

“May experience din naman kami ng mga kasama ko noon na may kabiruan kaming customers. Nagkakabardagulan kami. Nagkakagawaan din ng small favors.

“Depende rin kasi sa relationship niyo.”

Read: Alex Gonzaga camp breaks silence on viral video; says waiter is close to Gonzaga family

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KAHIT BIRO, dapat may respeto

Tweet ng isa pang netizen na dating waiter, alamin ang boundaries ng customer.

Tweet nito (published as is): “I worked as a server/waiter before and kahit sabihin na serbidor lang kami di po biro at madali to cater all the guests needs and wants for them to experience the service that the[y] paid…

“but it doesn’t mean that if you’re the customer ay gagwin mo na mga gusto mo na sa tingin mo ay nakakatawa kahit di nman.

“Tao rin po mga nagwowork sa mga resto or mall or wherever napapagod at ginagawa ng matino trabaho nila to earn money…

“kaya if you’re a customer ibahin mo mentality mo na porke ikaw ay customer always right ka.

“Respeto pa din dapat yun lang isabuhay ang pagiging Christian please lang.”

chef comment

chef comment

May payo ang isang netizen na nagtatrabaho bilang chef sa restaurant.

Sabi nito (published as is): “as a chef sa isang hotel at resto.. mis alex gonzaga pwede ka mag celebrate sa ni rent nyong function hall pero hndi mo binayarana ang pag papahiya ng isang staff (waiter) sa party mo.. kahit biro yun.”

chef comment

A CUSTOMER’S ACTIONs could be A LEGAL VIOLATION

Samantala, nagbahagi ng legal advice ang Filipino lawyer, educator, at human rights advocate na si Attorney Chel Diokno sa isang TikTok video noong January 18, 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binigyang diin niya ang kasabihang “The customer is always right” pagdating sa business industry.

Pero ang pambabastos ng isang customer sa isang empleyadong nagtatrabaho ay puwedeng ituring na paglabag sa batas.

Anang abogado, “Ang pagpapahiya ng tao ay puwedeng ituring na krimen na unjust vexation, which is any human contact that causes annoyance, irritation, torment, distress, at disturbance kahit walang physical o material harm na ginawa.”

Dagdag niya, “Maaari rin itong maging sanhi ng civil case for damages sa ilalim ng human relations provisions ng Civil Code.”

Nakasaad sa Civil Code Chapter 2, sa ilalim ng Human Relations:

ARTICLE 19. Every person must, in the exercise of his rights and in the performance of his duties, act with justice, give everyone his due, and observe honesty and good faith.

ARTICLE 20. Every person who, contrary to law, wilfully or negligently causes damage to another, shall indemnify the latter for the same.

ARTICLE 21. Any person who wilfully causes loss or injury to another in a manner that is contrary to morals, good customs or public policy shall compensate the latter for the damage.

Pagdidiin ni Atty. Diokno: “Sa madaling salita respeto. Always treat others with respect at wag i-expose ang iba sa unnecessary ridicule, shame, at indignity.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kaliwa't kanan ang reaksiyon ng netizens pati celebrities sa isyu ng pagpahid ni Alex Gonzaga ng icing sa waiter. Pero ano naman kaya ang saloobin ng waiters at dating waiters sa pangyayari? Basahin ang kanilang mga pahayag at mga karanasan tungkol sa customers.
PHOTO/S: Jessie McCall via Unsplash / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results