Nagkaroon ng kontrobersiya ang kabutihang ipinakita at ipinadama ni Bea Alonzo at ng pamilya nito sa mga kababayan nating Aeta na naninirahan sa tabi ng Bea Firma farm ng Kapuso actress sa Zambales.
Ang mga Aeta ang mga kapitbahay na inimbitahan, pinatuloy, ipinagluto at pinakain ni Bea at ng kanyang pamilya sa Bea Firma.
Read: Bea Alonzo treats Aeta neighbors to sumptuous dinner at her Zambales farm
Pero isang netizen, na gumamit ng Twitter account na @ALOyoutoo, ang nagpakawala ng mabigat na paratang na inagaw o kinamkam nila ang lupa na pag-aari ng mga katutubo.
“That’s nice, now how about giving their land back,” komento ng netizen.
Topic of discussion sa Twitter ngayong Huwebes ng gabi, January 19, ang walang katotohanan at malisyosong paratang laban kay Bea.
Kaugnay nito, naglabas ng opisyal na pahayag ang legal counsel ng aktres na si Atty. Joey V. Garcia ng GERA law firm upang pabulaanan ang ikinakalat na paninira.
Nakasaad dito: “It is unfortunate that a certain 'aloveyoutoo' made a very irresponsible & highly outrageous statement on Twitter asserting that Ms. Bea Alonzo should give 'their - (referring to Aetas) land back.'
“For the record, our client vehemently opposes that baseless and very unfair accusation. She and her family are the absolute and registered owners of the parcels of land in Zambales, acquired through legal and valid means.
“Let this message serve as a stern & final warning to that fellow who made the disparaging remarks against Ms. Bea Alonzo on social media to retract his/her unfounded accusation and to cease from further making defamatory statements that bring disrepute to our client.
“Otherwise, we shall be constrained to initiate all the appropriate legal actions against him/her in no time.”
Handa si Atty. Garcia na sagutin ang lahat ng mga katanungan tungkol sa mali at mabigat na akusasyon laban kay Bea.
Handa rin ang legal counsel ni Bea na magsampa ng kaukulang reklamo kapag hindi binawi ng taong nag-umpisa ng paninira ang kasinungalingang ikinalat niya sa social media.