Kinumpirma ni Sunshine Cruz na maayos ang relasyon niya sa ex-husband na si Cesar Montano at partner ng aktor na si Kath Angeles.
Bilang blended family, sama-sama pa sila at mga anak nila na nagdiwang ng Bagong Taon sa Bohol.
Malayung-malayo ito sa sitwasyon noon na umabot pa sa legal battle ang custody para sa mga anak nina Sunshine at Cesar na sina Angelina, Samantha at Francheska Montano.
Paano nga ba naging posible ang magandang relasyon nila ngayon ng kanyang ex-husband?
Sagot ni Sunshine, "Siguro because it’s been almost ten years ng separation namin. At kahit na anong lalim naman yan, kapag nasugatan ka, naghi-heal, di ba?
"So I think, in God’s perfect time, nag-heal kami pareho, and nakita namin na naging maligaya ang mga anak namin nong magkaroon ng relationship."
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sunshine sa presscon ng Underage, ang bagong Kapuso Afternoon Prime series na umere noong January 16, 2023.
- Sunshine Cruz, daughters in Bohol with Cesar Montano and family
- Teresa Loyzaga raves about bonding of Cesar Montano, Diego Loyzaga in Hawaii
- Sunshine Cruz chooses forgiveness; celebrates New Year with ex-husband Cesar Montano and his current partner
SUNSHINE ON CO-PARENTING WITH CESAR
Ipinagpapasalamat ni Sunshine na maayos na ang relasyon ng tatlong anak sa ama ng mga ito.
Paliwanag niya: "It just started last year, 2022 na nagkaroon ng forgiveness and mismong ang mga anak ko nga, sa interview, sinasabi nila na yung peace sa puso nila, nabuo nong nagkaroon sila ng relationship with their dad.
"And bilang mom, who am I not to be happy sa nangyari?"
Sabay tukoy ni Sunshine kay Kath, "And nakakatuwa lang talaga, even yung partner ni Cesar ngayon, napakabait. Minahal niya ang mga anak ko at tinanggap niya ang mga anak ko."
Maganda raw ang co-parenting status nina Sunshine at Cesar.
"They now have a beautiful relationship with their father, so, hindi na lang ako ngayon ang nakakakapag-advice.
"Nariyan na rin si Cesar at nandiyan na rin ang kanilang Tita Kath para suportahan at mag-advice sa kanila."
Natuwa rin si Sunshine na magkasundo ang mga anak nila ni Cesar at mga anak nina Cesar at Kath.
Sina Sunshine raw talaga ang nakaplanong mag-New Year sa Bohol, at sumama lang sina Cesar at Kath.
Kuwento pa ni Sunshine: "Nagkaroon ng relationship bigla yung mga anak nila ni Cesar sa mga anak namin, so ang sarap sa pakiramdam.
"And itong New Year, nong malaman nila na nakapag-schedule kami at nakapagpa-book sa Bohol, biglang nagdesisyon sila na sasama raw sila sa amin.
"So sabi ko, why not, di ba? Kasama si Diego [Loyzaga] and it was fun, it was fun.
"Ang sarap-sarap sa pakiramdam. Nagkaroon ng forgiveness and magkakaibigan lahat."
MORE HOT STORIES ON PEP.PH
- Handwritten letter ng waiter na pinahiran ni Alex Gonzaga, ipinagtaka ng netizens
- Janine Gutierrez hints at relationship with Paulo Avelino
- Ellowe Alviso: biktima ng botched cosmetic surgery, umaasa pa ring bumalik sa dati ang hitsura