Masayang-masaya si Bb. Pilipinas Grand International 2019 Samantha Lo dahil hindi niya akalaing positibo ang naging pagtanggap ng publiko sa pakikipagrelasyon niya sa kapwa-babae.
Nitong nakaraang January 18, 2023, ipinakilala ni Samantha sa publiko, sa pamamagitan ng Instagram, ang kanyang partner na si Jannica Rubin.
Sa kanyang Instagram kagabi, January 22, nagpahayag ng pasasalamat si Samantha sa publiko sa pamamagitan ng open letter.
Ayon kay Samantha, araw-araw niyang pinapasaya si Jannica dahil maligaya siya kapag nakikita niya itong masaya.
Hindi raw nila intensiyong pag-usapan ng publiko ang desisyon nilang gawing Instagram official ang kanilang relasyon.
Sabi ni Samantha, “This is our life, all day, every day. Just me always wanting to make @jaaaanniiii smile because I love seeing her happy. We just want to thank you all so much for your overwhelming support.
“Our relationship going viral definitely wasn't what we had planned. I'm always bursting with love and joy, and it's always difficult to contain.”
Marami raw silang natatanggap na tanong mula sa netizens patungkol sa kanilang relasyon at sasagutin nila ito sa pamamagitan ng isang vlog.
Aniya, “We get a lot of questions from people about the ins and outs of our relationship so we are excited to announce that we will be answering those questions in our upcoming vlog series ‘The cucharita.’ (The little spoon). Sending love always,
Sam and Jan”
View this post on Instagram
Komento ni Jannica sa post ni Samantha: “I love this photo of us! I love you baby [heart emoji]”
Tugon ng beauty queen: “omgad it's you. you commented on my post.”
Ikinagulat ng beauty pageant fans ang anunsiyo ni Samantha tungkol sa pakikipagrelasyon niya sa kapwa-babae.
Pero nakatanggap naman sila ng suporta mula sa netizens sa kanilang pag-amin.
View this post on Instagram
Naging mainit noon ang pangalan ni Samantha dahil sa kinasangkutang kontrobersiya sa pagsali niya sa Miss Grand International 2019 sa Venezuela.
Na-deport pabalik ng Pilipinas si Samantha nang madiskubre ng mga awtoridad sa Charles de Gaulle Airport sa Paris, France—para sana sa kanyang connecting flight patungong Caracas, Venezuela—na peke ang Philippine passport na hawak niya.
Natuloy si Samantha sa pagsali niya sa Miss Grand International 2019 sa Venezuela ngunit hindi siya nakapasok sa semifinals.