"Dream come true" para sa celebrity vlogger na si Zeinab Harake na makita sa personal ang Kapuso actress na si Marian Rivera.
Sa Instagram nitong Linggo January 22, 2023, ibinahagi ni Zeinab ang kanyang saya nang makapag-picture kay Marian at sa asawa nitong si Dingdong Dantes.
Mababasa sa caption ng kanyang post (published as is): "My forever lodi, My marimar i love you so much @marianrivera [heart emoji].
"Finally my dongyan heart [cry and heart emoji]."
Ang tinutukoy na "Marimar" ni Zeinab ay ang titulo ng teleseryeng pinagbidahan ni Marian noong 2007 sa GMA-7.
Agad naman itong nireplayan ni Marian ng kiss at heart emoji.
Reply pa ni Zeinab, "[Marian] salamat sa pag buo ng araw ko mahal kong reyna."
Tampok din sa Instagram Story ni Marian ang litrato nila ni Zeinab.
Halos hindi naman makapaniwala si Zeinab at agad din niya itong ni-repost sa kanyang Instagram Story.
"Dream come true [cry, pray, and heart emoji]," saad ni Zeinab.
THE MEET UP
Nakuhanan pa ng video ang pagpa-fangirl ni Zeinab kay Marian.
Nangyari ang kanilang pagkikita sa opening ng bagong gusali ng isang skincare brand na parehas nilang inieendorso.
Sa TikTok account ng supporters nina Marian at Dingdong na Dongyan Warriors, makikita kung paano kiligin at maging emosyonal si Zeinab nang makita at mayakap sa unang pagkakataon ang kanyang ultimate idol.
Sa una ay tila nahihiya pa siyang lumapit kay Marian ngunit sa tulong ng kapwa vlogger na si Jelai Andres ay naipakilala siya sa Kapuso actress.
Read: Jelai Andres calls out netizen who defended Zeinab Harake over "pinakasabaw" comment
"Naiiyak na ako. Ang cute, I love you talaga. Sobrang ganda mo," sabi ni Zeinab kay Marian.
Samantala, sa comments section ng post ni Zeinab ay bumuhos ang komento ng kanyang fans na humihirit na sana raw ay maka-collab nito si Marian sa kanyang YouTube vlog.
Saad ng isang netizen, "Hindi ako papayag, kailangan mag-collab kayo."
Komento pa ng isa, "Sabihin niyo na may collab kaming aabangan."
READ MORE:
- Zeinab Harake reveals Skusta Clee’s “kabit” caused falling-out with Wilbert Tolentino
- Toni Fowler forgives Zeinab Harake: "Lahat ay may kapatawaran."
- Whamos Cruz to Zeinab Harake: "Napatawad na kita, hindi naman big deal sa akin."
- Zeinab Harake apologizes to Ivana Alawi, Sanya Lopez, Alex Gonzaga, Jelai Andres, other celeb vloggers
- Robi Domingo takes a swipe at Zeinab Harake for "walang market" comment; Zeinab apologizes
- Wilbert Tolentino calls Zeinab Harake "user, pa-victim, bait-baitan"; accuses her of badmouthing other celebrity vloggers
- Ivana Alawi, Alex Gonzaga post message of support for Zeinab Harake amid vloggers' word war