Watch Now

Impersonator AC Soriano explains why he stopped being a Toni Gonzaga fan

by Jojo Gabinete
Jan 24, 2023
ac soriano i am otin
Impersonator AC Soriano admits that he used to be an avid fan of Toni Gonzaga (not in photo): "Sobrang fan kasi ako ni Toni mula nung Eat Bulaga! days niya. Lahat ng projects niya, pinatos ko. At alam naman natin na yung wisdom ni Toni, kapag nagsasalita siya tungkol sa Diyos. Pero nang iendorso niya ang isang pulitiko, na obvious naman na taliwas sa mga wisdom na pinagsasasabi niya, dun po ako napaurong nang husto."
PHOTO/S: @itsaclife on Instagram

Tahasang inamin ni Allan "AC" Soriano na pulitika ang dahilan kaya naisakatuparan niya ang impersonation kay Toni Gonzaga sa online concert na “I Am Otin.”

Si AC ang 28-year-old filmmaker at digital content creator na gumawa ng ingay noong nakaraang taon dahil sa paggaya niya sa karakter ni Jodi Sta. Maria sa The Broken Marriage Vow.

Read: Jodi Sta. Maria reacts to TikToker's spoof of her line: “Papunta pa lang tayo sa exciting part.”

Pero higit siyang nakilala bilang Otin Gonzaga-Soriano, ang impersonator ni Toni.

Dalawang araw nag-trending si AC, aka Otin — noong Biyernes, January 20, at Sabado, January 21, 2023 — dahil sinabayan ng kanyang free online concert na "I Am Otin" ang I Am Toni, ang birthday at anniversary concert ni Toni sa Smart Araneta Coliseum.

Read: Otin Gonzaga-Soriano, "sinabotahe" ang concert ni Toni Gonzaga

Marami ang nanood at natuwa sa "I Am Otin" dahil naaliw sila sa mga paandar ni AC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Labis na ikinagulat ni AC ang mainit na pagtanggap ng mga tao sa kanyang "Dogshow" na naisip lamang niyang gawin isang buwan bago magdaos si Toni ng concert.

i am otin poster

Lahad ni AC sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), “Nung nag-announce sila, may nagsabi sa akin na sabayan ko raw, at ako ay naudyukan naman na mang-dogshow.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang "dogshow," ayon sa Urban Dictionary, ay "satirically mocking a celebrity or any other famous person through memes or jokes. Dogshows are usually done by the fanbase of the celebrity that is being poked fun at."

Hindi masabi ni AC kung magkano ang nagastos sa kanyang online show dahil hindi raw niya binilang.

Pagpapatuloy niya, “Sobrang surprising din po kasi madalas po na nagla-live lang ako sa Instagram. Ngayon, tumawid po ako sa TikTok kasi may issues sa copyrighted music sa Instagram, so medyo nangangapa po ako.

“Pinasok ko naman po siya na prepared pero hindi ko inihanda lahat dahil mas havey kapag spontaneous lang. Happy accidents, kumbaga. Dogshow lang!"

Pagtatapat ni AC: “Malaking parte po ang pulitika sa 'I Am Otin.'

"Sobrang fan kasi ako ni Toni mula nung Eat Bulaga! days niya. Lahat ng projects niya, pinatos ko.

“At alam naman natin na yung wisdom ni Toni, kapag nagsasalita siya tungkol sa Diyos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero nang iendorso niya ang isang pulitiko, na obvious naman na taliwas sa mga wisdom na pinagsasasabi niya, dun po ako napaurong nang husto."

Ang tinutukoy ni AC ay ang all-out support ni Toni sa kandidatura ni ngayo'y Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong 2022 elections.

Read: Toni Gonzaga posts message about standing for what she believes in even if she's "alone"

Nagkaroon ba ng pagkakataong nakilala niya si Toni nang personal? Kung hindi pa, ano ang sasabihin ni AC kapag nagkaharap sila?

“Nagkita na po kami ng isang beses sa ABS-CBN noong 2014 pero hindi po kami nagkakakilala personally.

“Kung sakali na magkita kami, siguro ang itatanong ko po ay ano ang ibig sabihin ng salitang 'contentment' para sa kanya?” saad ng gay impersonator.

Read: Toni Gonzaga: unbothered by controversies, uncowed by critics

AC ON "OTIN"

Ano ang reaksiyon ni AC sa mga paratang na "bastos" ang pangalan na ginamit niya sa kanyang panggagaya kay Toni?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya, “Ang mga tao po talaga ang nagpangalan sa akin ng Otin, binaligtad na Toni.”

Ano ang unforgettable at inspiring comments na natanggap niya tungkol sa "I Am Otin"?

Ayon kay AC, “Matagal ko na po kasi itong ginagawa, pero ngayon lang po talaga ako humingi ng tulong sa mga drag queen at may handa namang tumulong.

"Kaya nang malaman kong may halaga pala na pera ang gifts, naisip ko na doblehin at i-donate sa mga nauna na drag queens sa Home for the Golden Gays.”

Hanggang kailan niya balak isabuhay ang karakter ni Otin?

“Hangga't may kailangan akong ipaglaban, politically speaking,” sagot ni AC.

Ano ang mga nagbago sa buhay ni AC mula nang pasikatin niya si Otin?

“Na hindi tama ang blind following," sambit niya.

"Ito yung tipo ng sinasabi ng mga nanay natin na ‘Ano, porke’t kaibigan mo yan kapag sinabi niyang tatalon kayo sa building, tatalon ka?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Parang ganun. Na hindi porket iniidolo mo, hahayaan mo lang na mukha kang tanga sa kakapakinig sa kanya.”

Ano naman ang mensahe ni AC sa mga taong masyadong sineseryoso at nagpapaapekto sa impersonation niya kay Toni?

“E, di seryosohin nila! Tama lamang po na naaapektuhan kayo dahil political po ang lahat nang ito.

"Drag has been, and will always be, political.”

Tanggap ni AC ang katotohanang hindi siya makatatanggap ng mga alok na guesting sa kabila ng tagumpay ng "I Am Otin" dahil isang political move ito.

Wala rin sa plano ni AC na magkaroon ng repeat ang "I Am Otin" maliban na lang siguro kung muling magkaroon si Toni ng concert.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Impersonator AC Soriano admits that he used to be an avid fan of Toni Gonzaga (not in photo): "Sobrang fan kasi ako ni Toni mula nung Eat Bulaga! days niya. Lahat ng projects niya, pinatos ko. At alam naman natin na yung wisdom ni Toni, kapag nagsasalita siya tungkol sa Diyos. Pero nang iendorso niya ang isang pulitiko, na obvious naman na taliwas sa mga wisdom na pinagsasasabi niya, dun po ako napaurong nang husto."
PHOTO/S: @itsaclife on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results