Watch Now

Vice Ganda changes mind about having a child; reveals inquiring about surrogacy in the U.S.

by Bernie V. Franco
Jan 24, 2023
vice ganda surrogacy
Vice Ganda on decision to finally wanting a child: “Tapos sabi ko gusto ko na siyang buuin talaga, tapos bigla na lang, instantly, ‘Ay, gusto ko na ring magka-baby na.’ Wala na akong pakialam kung anong sasabihin nila."
PHOTO/S: YouTube (Isko Moreno Domagoso)

Nag-iba na ang ihip ng hangin para kay Vice Ganda.

Vocal ang It’s Showtime host dati sa pagsasabing ayaw niyang magkaroon ng sariling anak.

Read: Vice Ganda does not want kids: “Ayoko kasi talagang i-expose yung magiging anak ko sa cruelty ng mundo."

Pero nagbago raw ang kanyang isip mula nang tumagal ang relasyon nila ng partner niyang si Ion Perez.

Sa katunayan, nagplano na si Vice na mag-inquire ukol sa surrogacy nang pumunta siya sa Amerika kamakailan.

Ang surrogacy ay isang legal agreement kung saan pumapayag ang isang babae na maging surrogate mother sa donor/s na magiging magulang ng sanggol matapos ipanganak.

“Surprisingly, gusto ko nang magkaanak. Dati, as in no. No ako diyan,” kuwento ni Vice sa interview ni former Manila Mayor Isko Moreno sa YouTube vlog nitong Iskovery Night, noong January 20, 2023.

Paliwanag ni Vice, biological child ang gusto niya sa pamamagitan ng surrogacy.

“I was planning to do it. Parang nagpunta ako ng Amerika, tapos alam ko na kung saan pupuntang doktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero I didn’t have the luxury of time to pursue kasi andami kong ginagawa.”

Kinailangan daw niyang bumalik sa Pilipinas para sa mga trabaho, tulad ng Kapamilya daily noontime show na It's Showtime.

Napagtanto raw ng host-comedian, “Kailangan ko mag-allot ng oras at mag-devote ng oras, at tanggapin yung kailangan kong i-set aside itong showbiz, itong Showtime, para matutukan ko yun.”

Tinanong ni Isko kung excited na siyang magkaanak.

“Yeah,” sagot ni Vice.

Ibinahagi rin ni Vice na gusto niya ng anak na babae, pero pinag-iisipan din niya ang magkaroon ng kambal na maaaring magawa via surrogacy.

Hindi nabanggit sa interview kung kailan itutuloy ni Vice ang plano niyang sumailalim sa surrogacy.

WHY VICE HAD A CHANGE OF HEART ON HAVING KIDS

Tinalakay rin sa interview kung bakit nagbago ang isip ni Vice pagdating sa pag-aanak.

Ang katuwiran kasi dati ni Vice: “Ayoko kasing i-subject yung magiging anak ko sa social injustices, sa discrimination.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Di ba, kahit ano yung gawin natin, iba yung tingin ng mga tao pag yung tatay niya bakla. Naawa ako sa bata.

“Ayoko siyang ilagay sa sitwasyon na kailangan niyang magpaliwanag kung bakit ganun yung tatay niya.”

Patuloy ni Vice, “Until I met Ion. Tapos na-build yung relationship namin.

“Sabi ko, kayang-kaya naming magka-baby.

“Tapos sabi ko, gusto ko na siyang buuin talaga, tapos bigla na lang, instantly, ‘Ay, gusto ko na ring magka-baby na.’

“Wala na akong pakialam kung anong sasabihin nila.

“Ang mahalaga na lang, ibi-build ko yung personality ng magiging anak ko, yung character niya.”

Ang plano raw ni Vice ay bigyan ng magandang foundation pagdating sa personalidad ang kanyang magiging supling.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda on decision to finally wanting a child: “Tapos sabi ko gusto ko na siyang buuin talaga, tapos bigla na lang, instantly, ‘Ay, gusto ko na ring magka-baby na.’ Wala na akong pakialam kung anong sasabihin nila."
PHOTO/S: YouTube (Isko Moreno Domagoso)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results