Watch Now

Cassy Legaspi admits Darren Espanto is boyfriend material

by Melba R. Llanera
Jan 25, 2023
Cassy Legaspi and Darren Espanto
Cassy Legaspi's "legit" answer when asked if Darren Espanto has a chance to become her boyfriend: "I wanna build myself first before mag-level up sa ganun. We're just enjoying each other's company so much na we don't wanna think about anything else."
PHOTO/S: @cassy Instagram

Hinihinala ng fans na higit sa pagiging magkaibigan ang relasyon nina Cassy Legaspi at Darren Espanto, o kilala bilang CassRen.

Hindi nila itinatagong madalas silang magkasama, at may mga random pang pagbisita si Darren kay Cassy kahit abala sila sa kani-kanilang trabaho.

Pero mailap pa rin si Cassy nang tanungin kung sila na ba ni Darren. Si Darren ay 21 years old habang si Cassy ay 22.

"Hindi ko ma-explain, e, it's hard to explain din, e. Pero alam namin ni D na we're super, super close, we're very special to each other.

"Parang he's my best friend, I'm his best friend..."

Hindi na raw para isipin pa nila kung anuman ang opinyon ng iba tungkol sa pagiging malapit nila ni Darren.

Darren Espanto and Cassy Legaspi

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cassy sa mediacon ng musical film na Ako Si Ninoy, na ginanap sa PSF Blackbox Theater, noong January 22, 2023.

Dahil consistent na "best friend" ang sinasabi ni Cassy na relasyon nila ni Darren, bukas ba siya na maaaring mauwi ito sa totohanang relasyon at maging sila sa huli?

Paliwanag ni Cassy, "I guess, as of now kasi—legit answer ito as in—I'm very focused sa career ko kasi I feel lang I'm just starting it.

"Ito yung first movie ko, first musical and all of that, so I want to focus sa career ko.

"I wanna build myself first before mag-level up sa ganun. We're just enjoying each other's company so much na we don't wanna think about anything else."

Aminado naman si Cassy na boyfriend material si Darren.

"I can say yes. Very, very selfless, very caring siya. And he really puts others before himself. That's what I really like about him.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And he's a gentleman too," paglalarawan ni Cassy sa Kapamilya singer.

Dahil wala pa silang pormal na relasyon, paano kung manligaw si Darren sa iba?

Sagot ni Cassy, "Siguro it's not really my place to decide kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay niya. Gusto ko kung masaya siya, masaya din ako."

Tila kampante naman si Cassy sa kung anumang meron sila ni Darren.

Wala ring problema pagdating sa kani-kanilang pamilya dahil suportado ng mga ito ang closeness nila.

Bukas ang mga magulang ni Cassy, sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi, na welcome si Darren sa tuwing bumibisita ang binata sa bahay ng pamilya Legaspi.

Malinaw na pasado si Darren sa mga magulang ni Cassy, bagay na ipinagpapasalamat ng dalaga.

"Oh, thanks. My parents know me and they also trust him. So ako, pag okay sa parents ko, okay din sa akin.

"They trust him. It's a good sign that I'm trusting that person. Okay ako dun," nakangiting sabi ni Cassy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cassy Legaspi's "legit" answer when asked if Darren Espanto has a chance to become her boyfriend: "I wanna build myself first before mag-level up sa ganun. We're just enjoying each other's company so much na we don't wanna think about anything else."
PHOTO/S: @cassy Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results