Watch Now

Social media personality Ryssi Avila reveals she's now a mother; netizens ask: "Who's the father?"

by Khryzztine Joy Baylon
Jan 25, 2023
Ryssi Avila is now a mother
Social media personality and Idol Philippines Season 2 runner-up Ryssi Avila takes to social media to announce that she is now a mother to a five-month-old baby boy.
PHOTO/S: Screengrab @Ryssi Avila YouTube

Ibinunyag ng social media personality at Idol Philippines Season 2 runner-up na si Rosarely Avila, o mas kilala bilang Ryssi, na isa na siyang ina.

Si Ryssi ay nagsimulang makilala bilang social media artist na nagko-cover ng mga awitin kasama ang kanyang dating kasintahang si Concon Felix, na naging finalist noon sa "That's My Tomboy" ng It's Showtime.

Dahil sa kanilang cover songs na mabenta sa social media ay nakilala sila bilang RyCon.

Taong 2020 nang pumutok ang isyung hiwalayang RyCon. Dito rin nagsimulang madawit ang pangalan ni Ryssi sa kontrobersiyal na gusot ng dating magkasintahang Zeinab Harake at Skusta Clee.

Read: Zeinab Harake recalls darkest moment after breakup with Skusta Clee

Sa YouTube vlog ni Ryssi nitong Lunes, January 23, 2023, inanunsiyo niya ang bagong yugto ng kanyang buhay at ang "pinakamagandang regalong natanggap" niya.

Saad ni Ryssi sa simula ng kanyang vlog, "Hi po sa inyong lahat, ako po si Ryssi. Alam ko na medyo matagal na rin kayo noong last kayong nakarinig kung ano na po ang balita sa akin after kong sumali sa TV."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Social media personality Ryssi Avila auditions for Idol PH, earns platinum ticket

Ayon kay Ryssi, hindi niya itinago ang kanyang pagbubuntis, minabuti lamang niyang maging pribado ang kanyang buhay kung kaya ngayon lang siya lumantad at nagsalita.

Sabi niya, "Hinanda ko yung sarili ko para i-share sa inyo yung pinakamagandang regalong natanggap ko.

"Actually, hindi ko naman siya itinago, may mga nakakita naman sa akin [na buntis], siniguro ko lang na yung pinagdaraanan ko ito kung sino lang talaga yung malalapit at pinagkakatiwalaan ko nang sobra.

"Lahat ng mga tumulong sa akin para malagpasan ko yung phase ng buhay ko na yun, at yun po yung pagbubuntis."

Noon pa man daw nagsisimula siya sa ABS-CBN singing competition na Idol Philippines ay marami na ang nakakapansin sa biglaang pagdagdag ng kanyang timbang.

Kuwento ni Ryssi, "Marami kasi ang nagtatanong sa akin, 'Bakit sa Idol Philippines ang taba-taba mo, tapos nung nakita ka naman namin ngayon ang payat-payat mo na?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi niyo lang po talaga alam na noong nag-live shows ako, kakapanganak ko lang noon. Sinikap ko na tapusin yun, sinikap ko na ilaban yung pangarap ko para sa sarili ko at siyempre para sa anak ko.

"Kasi kung hindi niyo pa po alam hanggang ngayon, may anak na po ako.

"Five months na po yung anak ko. Sobrang excited po ako na maipakilala siya sa inyo, kasi gusto ko rin kayo na maging part sa kung ano yung mga ganap ko sa buhay."

"Anghel" ang napiling pangalan ni Ryssi dahil tila anghel daw ito na nagpabago sa kanyang buhay.

Aniya, "Ang name niya ay Anghel kasi noong una ko po siyang nakita ay undecided pa po ako sa ipapangalan ko sa kanya.

"Pero siya talaga ang anghel ng buhay ko, siya talaga ang nagbigay sa akin ng lakas.

"Sa tuwing napanghihinaan ako ng loob ay tinitingnan ko lang siya kahit tulog siya. Kahit umuuwi ako galing trabaho, titingnan ko lang ang anak ko, talagang tanggal na ang pagod ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"LAHAT NG BISYO KO NOONG KADALAGAHAN KO TINANGGAL KO"

Aminado si Ryssi na bago dumating si Anghel sa buhay niya ay mabisyo siya at hindi alam kung saan patungo ang kanyang buhay.

Malaki raw ang pasasalamat niya sa Diyos na binigyan siya ng anak na naging instrumento upang magbago siya at maging mas mabuting tao.

Saad niya, "Ngayong nanay na ako, sobrang laking ipinagbago sa sarili ko kasi alam mo ba nung dumating ka [Anghel], hindi na ako masyado nag-iinom.

"Lahat ng bisyo ko noong kadalagahan ko ay tinanggal ko kasi gusto ko healthy siya, gusto ko okay siya. Gusto ko maalagaan ko siya nang tama.

"Sobrang pasalamat ko sa Panginoon na binigyan ako ng anak at siya na ngayon ang nagbigay ng direksiyon sa buhay ko, siya na ang purpose ko.

"At alam ko na nandito ako ngayon sa mundo para maging isang mabuting ina sa kanya, na mabigay ko ang lahat ng pangangailangan niya, na mapalaki ko siya nang maayos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Maraming-maraming salamat kasi dumating ka sa buhay ko [Anghel]. Sobrang binago niya ako, inayos niya ang buhay ko.

"Dati, lahat ng pagmamahal hinahanap ko sa kaibigan, hinahanap ko sa kung saan. Pero kung ano pala yung kulang sa buhay ko, e, sa iyo ko nahanap."

Sambit pa niya, "Sobrang sarap pala sa pakiramdam ang magkaanak."

Kalakip ng kanyang vlog ang ilang kuhang video clips sa ginanap na binyag ng anak kung saan present ang kapwa niya singers na sina Bugoy Drilon at Michael Pangilinan.

Sa huli, nagpasalamat si Ryssi sa mga taong patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan.

Aniya, "Maraming-maraming salamat po sa mga sumusuporta sa akin lalo na sa team Ryssi ko.

"Sobrang saya ko, sobrang gaan na ng pakiramdam ko na alam niyo na may anghel ako sa buhay, dahil nakilala niyo na siya, alam niyo na kung bakit iba na yung Ryssi noon sa ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Si Anghel talaga yung naging sagot sa lahat ng tanong ko at siya yung bumuo sa akin."

WHO IS RYSSI'S BOYFRIEND

Dahil sa biglaang pagsasapubliko ni Ryssi, ilan sa kanyang mga tagahanga ang nagulat at ngayon ay nagtatanong kung sino ang ama ng kanyang anak.

Kanya-kanya tuloy ng hinala ang mga netizens kung sino ang naging karelasyon noon ni Ryssi matapos nilang maghiwalay ni Concon.

Wari ng netizens, ang Pornstar 2 star na si Jet Delgado ang ama ng kanyang anak.

Ryssi Avila is now a mother

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ryssi Avila is now a mother

Ryssi Avila is now a mother

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala pang kumpirmasyon kung si Jet nga ito dahil hanggang sa ngayon ay nananatiling tikom ang bibig ni Ryssi sa pagkakakilanlan ng tatay ng kanyang anak.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Social media personality and Idol Philippines Season 2 runner-up Ryssi Avila takes to social media to announce that she is now a mother to a five-month-old baby boy.
PHOTO/S: Screengrab @Ryssi Avila YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results