Watch Now

Sunshine Cruz and Kath Angeles continue to forge friendship; strengthen blended family setup

by Arniel C. Serato
Jan 25, 2023
Kath Angeles, Sunshine Cruz friendship
Kath Angeles (left) poses for a selfie with Sunshine Cruz (right), ex-wife of Kath's current partner Cesar Montano (not in photo).
PHOTO/S: Courtesy: @maarriiaaa05 on Instagram

Patuloy na pinapanday nina Sunshine Cruz at Kath Angeles ang kanilang pagkakaibigan mula nang umusbong ang kanilang “blended family” noong nakaraang taon, 2022.

Katunayan, bukas sa publiko ang pagpapalitan nila ng magagandang mensahe sa isa’t isa sa social media.

Read: Sunshine Cruz thanks everyone for appreciating her “blended” family: “Oras na kalimutan ang past.”

Si Kath ang kasalukuyang partner ni Cesar Montano, na ex-husband naman ni Sunshine.

Sina Sunshine at Cesar ay may tatlong anak na dalaga: sina Angelina Cruz, Sam Cruz, at Chesca Montano.

Sina Kath at Cesar naman ay may tatlo na ring anak: sina Samuel, Liam, at Kristen.

Sa Instagram nitong nakaraang January 20, 2023, nag-late post si Kath ng mga larawan ng selebrasyon nila ng Bagong Taon.

Sa unang larawan kung saan kasama niya sina Sunshine, Cesar, at ang mga anak nila, nilagyan niya ito ng caption na “Peaceful and Healthy 2023!!!”

Kath Angeles, Sunshine Cruz, Cesar Montano blended family

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makikita rin sa isang larawan ang selfie nilang dalawa ni Sunshine.

Kath Angeles, Sunshine Cruz, Cesar Montano blended family

Buong caption ni Kath, “[dizzy emojis] #holidaysdump #latepost #holidaze #boholdump #2022-2023”

Kath Angeles, Sunshine Cruz, Cesar Montano blended family

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkomento naman dito si Sunshine.

Aniya, “Thanks for everything Kath. God bless you always. [heart emojis]”

Pati na ang tatlong anak ng aktres na sina Sam, Angelina, at Chesca.

Kath Angeles, Sunshine Cruz, Cesar Montano blended family

Nitong nakaraang January 1, 2023, sinabi ni Sunshine kung gaano ka-memorable sa kanya ang taong 2022.

Nitong nagdaang taon kasi ay nagkaroon ng katuparan ang hiling ng kanyang tatlong anak na sina Angelina, Sam, at Chesca na muling madugtungan ang tulay na nag-uugnay sa kanila ng amang si Cesar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya naman tinapos nila ang taong 2022 na magkasama sa isang party sa hometown province ng actor-director, ang Bohol.

Dahil dito, puring-puri ng netizens ang pagkakaayos nilang lahat.

Ayon pa kay Sunshine, masaya raw siya sa mga positibong mensahe na kanyang natatanggap mula sa netizens.

Mas pinili raw kasi ng kanyang pamilya ang magpatawad kaysa magtanim ng poot sa puso.

Read: Sunshine Cruz chooses forgiveness; celebrates New Year with ex-husband Cesar Montano and his current partner

RELATED ARTICLES:

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kath Angeles (left) poses for a selfie with Sunshine Cruz (right), ex-wife of Kath's current partner Cesar Montano (not in photo).
PHOTO/S: Courtesy: @maarriiaaa05 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results