Watch Now

Vivamax star Andrea Garcia defends brother Jet Delgado against singer Ryssi Avila: "Don't act like a victim."

by Khryzztine Joy Baylon
Jan 25, 2023
Andrea Garcia, Jet Delgado, Ryssi Avila
Newbie sexy star Andrea Garcia (left) defends brother Jet Delgado (center) against social media personality Ryssi Avila (right): "Don't act like a victim." Jet is the fathe of Ryssi's five-month-old baby.
PHOTO/S: Andrea Garcia/Jet Delgado/Ryssi Avila Instagram

Kumpirmadong ang Pornstar 2 star na si Jet Delgado ang ama ng anak ng social media personality at Idol Philippines Season 2 runner-up na si Ryssi Avila.

Wala mang pangalang nabanggit si Ryssi sa kanyang vlog sa YouTube at latest interview sa vlogger-rapper na si Mr. Phoebus, ayon sa netizens ay malinaw na kumpirmasyon ang pagkokomento rng kapatid ni Jet, ang Vivamax star Andrea Garcia kay Ryssi.

Sina Andrea at Jet ay anak ng former actor na si Kevin Delgado, at apo ng veteran actress na si Marissa Delgado.

Matapos ang pagsasapubliko ni Ryssi na may five-month-old baby boy na siya, usap-usapan din ngayon ang maanghang na pagpapalitan nila ng komento ni Andrea sa social media.

Read: Social media personality Ryssi Avila reveals she's now a mother; netizens ask: "Who's the father?"

Sa vlog ni Mr. Phoebus noong January 23, 2023, unang inamin ni Ryssi na isa na siyang ina. Dito rin niya sinabing hindi maayos ang relasyon ng tatay ng kanyang anak na si Anghel kaya naman minabuti niyang hindi na lang ito pangalanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa dami ng mga nagkomento, isa sa kapansin-pansin ang comment ni Andrea.

Mababasa sa comment ng sexy star (published as is): "Ryssi Avila put your facts straight.. paano naman makikita ng ama kung nilalayo mo yung bata duh."

Agad naman itong sinagot ni Ryssi.

Buwelta niya: "Andrea Garcia nilalayo ko ba o sadyang di lang pinagtutuunan ng oras ng kapatid mo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kung gusto ginagawa, pag hindi daming dinadahilan.

"Buti pa sa gimik at babae, napupuntahan eh. Limang buwa n na anak ko, wala pa sa limang beses niya binisitan yan.

"[K]onting hiya naman [di]yan, kung talagang maayos ka edi sana pinagsasabihan mo yung kapatid mo, hindi yung kinukunsinti mo pa."

Dagdag pa ni Ryssi, "Pakisabi rin sa kanya, put his priorities straight."

Hindi pa rito nagtapos ang kanilang pagbabatuhan ng komento dahil muling sumagot si Andrea.

Ayon sa Lovely Ladies Dormitory star, ilang beses nang humingi ng pagkakataon ang kapatid niyang si Jet na makita ang anak nila ni Ryssi ngunit hindi umano pumayag ang huli.

Saad ni Andrea: "Ryssi Avila He asks you SO many times to see his child yet YOU are the one who pushes him away.

"That's not his fault, it's yours."

Sambit pa niya, "Don't act like a victim."

Hindi rin nakatiis na maglabas ng reaksiyon si Mr. Phoebus, na ayon sa kanya ay walang ginawang paraan si Jet nang manganak si Ryssi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya, "Andrea Garcia with all due respect sa comment mo maam. Dapat po kasi nung nanganak yan si Ryssi nagbigay ng Pang pa anak yung Kapatid mo. Ako po kasi yung nagbigay kay Ryssi. Kahit naman po siguro sinong nanay Hindi matutuwa."

Samantala, sa latest Instagram post ni Jet ay makikita ang father-and-son bonding nila ni Anghel.

Simpleng caption niya: "Not a secret, just not your business.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukas ang Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) sa anumang pahayag ng mga nabanggit na personalidad sa artikulong ito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Newbie sexy star Andrea Garcia (left) defends brother Jet Delgado (center) against social media personality Ryssi Avila (right): "Don't act like a victim." Jet is the fathe of Ryssi's five-month-old baby.
PHOTO/S: Andrea Garcia/Jet Delgado/Ryssi Avila Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results