Watch Now

Sophie Albert and Vin Abrenica finally tie the knot

by Arniel C. Serato
Jan 25, 2023
Sophie Albert, Vin Abrenica are now married
Sophie Albert and Vin Abrenica finally tie the knot after eight years of being a couple.
PHOTO/S: Courtesy: @itssophiealbert / @niceprintphoto on Instagram

Ikinasal na sa wakas ang Kapuso stars na sina Sophie Albert at Vin Abrenica.

Ipinaalam ni Sophie sa kanyang Instagram followers ngayong araw, January 25, 2023, na “Finally a Mrs.” na siya.

Sophie Albert, Vin Abrenica wedding

Hindi nagbigay ng detalye si Sophie kung saan ginanap ang kanilang pag-iisang dibdib.

Makikita sa pictures na ibinahagi nina Sophie at Vin ang masasayang eksena sa kanilang kasalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama rin sa seremonya ang one-year-old daughter nilang si Avianna Celeste Abrenica.

Caption ni Sophie sa post, "I have found the one whom my soul loves -Songs of Solomon 3:4 #SoVinloveForever"

Sa comments sectrion, nagpaabot ng mensahe ng pagbati ang mga kasabayan nila sa Artista Academy ng TV5 noon na sina Shaira Diaz, Ritz Azul, at Chanel Morales.

Sophie Albert, Vin Abrenica wedding

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sophie Albert, Vin Abrenica wedding

February 2021, halos sabay na inanunsiyo nina Sophie at Vin sa Instagram na engaged na sila noon pang December 2020 matapos ang halos walong taong relasyon.

Read: Sophie Albert and Vin Abrenica have been engaged since December 12, 2020

Sa post ni Sophie, ibinahagi niya ang dalawang pictures.

Ang una ay ang litrato nila ni Vin na magkasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pangalawang photo, makikitang magkahawak-kamay ang magkasintahan habang ipinakikita ang engagement ring na suot ni Sophie.

Sa caption, sinabi ni Sophie na nag-propose sa kanya si Vin bago matapos ang 2020.

Pinili raw nilang salubungin ang 2021 “with so much hope and love” dahil “amazing surprises happened in our lives.”

Sabi ni Sophie: “We've been savoring our precious moments and we are ready to share our joy and excitement!

“WE ARE ENGAGED! [ring emoji]”

Mensahe ni Sophie sa fiancé niyang si Vin: “Thank you @vinabrenica for everything.

“Thank you for being you and for making everything special.

“I am blessed to have you as my best friend for life.”

Sa Instagram post ni Vin, sinabi niyang December 12, 2020 nang sagutin ni Sophie ng “yes” ang kanyang wedding proposal.

Kalakip ng post ni Vin ang litrato ng engagement ring na suot ni Sophie, gayundin ang underwater kiss photo nila ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa caption, ganito ang mensahe ni Vin para kay Sophie: “You'll never know when you are truly ready until you realize who you're living and breathing for.

“It's you @itssophiealbert.

“We've grown up together and I look forward to growing old together.

“Good luck @itssophiealbert, you are stuck with me for life.

“We're engaged!! 12.12.20”

View this post on Instagram

A post shared by Vin Abrenica (@vinabrenica)

March 15, 2021 naman ipinanganak ni Sophie ang kanilang supling.

Read: Sophie Albert, Vin Abrenica welcome their "little princess"

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sophie Albert and Vin Abrenica finally tie the knot after eight years of being a couple.
PHOTO/S: Courtesy: @itssophiealbert / @niceprintphoto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results