Watch Now

Alden Richards finally reveals what happened between him and Julie Anne San Jose

by Jojo Gabinete
Jan 25, 2023
alden richards julie anne san jose
Alden Richards on Julie Anne San Jose: "I decided to mag-focus na lang po talaga sa work. Yun po yung inihingi ko ng sorry sa kanya. It’s a long time… a long time of… parang naiwan ko po siya..."
PHOTO/S: Instagram / GMA Network

Sa lahat ng mga artistang napabalitang may kaugnayan kay Alden Richards, sina Winwyn Marquez at Julie Anne San Jose ang muntik nang maging girlfriend ng aktor.

Read: Alden Richards at Winwyn Marquez, kapansin-pansin ang closeness

Read: Julie Anne San Jose nilinaw na walang tensiyon sa pagitan nila ni Alden Richards

Hindi nakaiwas si Alden na sagutin ang mga tanong ni Boy Abunda sa guesting ng "Asia's Multimedia Star" sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda ngayong Miyerkules ng hapon, January 25, 2023.

Sa unang pagkakataon, nagsalita si Alden tungkol sa mga babaeng naugnay sa kanya.

alden richards boy abunda fast talk

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"For some reason, because of work," ang sinabing Alden na dahilan kaya hindi humantong sa relasyon ang pagiging magkaibigan nila ni Winwyn.

Inamin naman ng Kapuso star na siya ang may kasalanan kaya hindi natuloy ang pagkakamabutihan nila ni Julie Anne.

Saad niya, “I decided to mag-focus na lang po talaga sa work. Yun po yung inihingi ko ng sorry sa kanya.

"It’s a long time… a long time of… parang naiwan ko po siya and I’m sure, if she’s watching right now…"

Nagdesisyon si Alden na sabihin sa publiko, sa pamamagitan ng bagong show ni Boy sa GMA-7, ang tunay na nangyari noon sa pagitan nila ni Julie Anne.

“Sasabihin ko na po… I never told anyone this.

"Yung part po kasi kay Julie Anne, yun po yung parang mabigat.

“When we were doing Sunday Pinasaya, the time that we separated, ang tagal po naming hindi nag-usap. Seven years almost, ganoon po katagal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Naniniwala po kasi ako na time heals everything and mahirap po kasing ipilit na gusto mong magkaayos kayo. Pero yung panahon, hindi pa tama, kasi sariwa pa po yung sugat.

“And hindi po natin madidikta sa puso natin kung kailan gagaling yun. It really depends upon the person."

Nang magkaroon daw ng pagkakataon, kinausap ni Alden si Julie Anne sa isang kuwarto upang humingi ng kapatawaran.

Lahad ni Alden, “So Sunday Pinasaya, rehearsal, may green room po tayo sa Studio 7.

"Nung kami pong dalawa na lang sa green room, ni-lock ko po yung pinto.

"And then I talked to her na, ‘I’m really sorry for all what happened. Iniwan kita and there’s no one to blame but me. I was...'

"May term po ako na ginamit… 'And I am very sorry. Sana mapatawad mo na ako.'

“Okay po siyang kausap, and then, pagkatapos ng usapan, parang may relief po sa kalooban. Na parang for the longest time, iniiwasan ko rin po siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero noong nangyari yung moment na yun, may dala pala rin ako.

“Now, we’re very much good friends.”

Iginiit ni Alden na wala siyang idini-date ngayon, habang si Julie Anne ay masaya na sa piling ng boyfriend niyang si Rayver Cruz.

Base sa mga muntik na niya maging kasintahan mula sa showbiz, lumalabas na mas preferred ni Alden ang mga morena kesa sa mga mestiza.

Sa "Fast Talk" segment kasi ay pinapili siya ng "tisay o morena," at ang sagot ng tisoy na aktor ay "morena."

Read: Julie Anne San Jose not closing doors on renewing friendship with Alden Richards

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards on Julie Anne San Jose: "I decided to mag-focus na lang po talaga sa work. Yun po yung inihingi ko ng sorry sa kanya. It’s a long time… a long time of… parang naiwan ko po siya..."
PHOTO/S: Instagram / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results