Watch Now

Alden Richards speaks up on ridiculous rumors about him and Maine Mendoza

by Erwin Santiago
Jan 25, 2023
alden richards maine mendoza aldub
Alden Richards on former loveteam partner Maine Mendoza: "Kami po ni Maine ngayon, we’re at a point na we’re not getting any younger. We’ve already made our, of course, personal choices."
PHOTO/S: GMA Network / YES! Magazine

Walang dudang phenomenal ang nilikhang ingay ng pagtatambal nina Alden Richards at Maine Mendoza, o mas kilala sa uniname na AlDub, noong 2015.

Hanggang ngayon ay may mga masugid pa rin silang tagahanga sa kabila ng katotohanang magkaibang landas na ang tinatahak nila ngayon.

Pero sa kabila nito, may ilang avid AlDub fans ang naniniwalang may totoong namagitan kina Alden at Maine higit pa sa pagiging magka-love team.

May iba pa ngang paniwalang-paniwala na kasal sina Alden at Maine, ay may anak pa umano sila.

Upang tapusin na ang mga ganitong usapin, nagsalita si Alden tungkol dito sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa January 25, 2023 episode ng Fast Talk With Boy Abunda.

Reard: Alden Richards finally reveals what happened between him and Julie Anne San Jose

Ayon kay Alden, "self-explanatory" o hindi na niya kailangang magpaliwanag tungkol sa mga nangyari sa kanila ni Maine, bagamat malaki ang pasasalamat nila sa lahat ng mga sumuporta sa AlDub.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ng Kapuso star, "I think everything po is self-explanatory.

"Uulitin ko po, during the AlDub era, nagpapasalamat po kami sa lahat po ng suportang ibinigay ninyo sa amin, sa lahat po ng pagmamahal. You know, masaya po kami na napasaya namin kayo.

"But right now po kasi, kami po ni Maine ngayon, we’re at a point na we’re not getting any younger. We’ve already made our, of course, personal choices."

Ang tinutukoy rito ni Alden ay ang pagiging engaged ni Maine sa Kapamilya actor at Quezon City congressman na si Arjo Atayde.

Si Alden naman ay nananatiling single at wala raw idini-date sa kasalukuyan.

Paniniguro pa ni Alden tungkol sa kanila ni Maine: "And we’re very good friends up to this point, we talk."

THE BREAKUP OF ALDUB

Nilinaw rin ni Boy ang naging pahayag ng Kapuso actor sa kasagsagan noon ng AlDub issue, kung saan maraming masugid na tagahanga ang nagpahayag ng pagkadismaya na hindi nagkatuluyan sina Alden at Maine sa tunay na buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: The breakup of AlDub: A timeline

Sa panayam ni Alden sa isang media conference sa Cebu City noong November 2022 ay nagpakawala ng tila maaanghang na salita tungkol sa pagkabuwag ng AlDub loveteam.

Bahagi ng pahayag noon ng aktor: “We’re grateful but I make a stand to not let people control my life.

"Ito ang prinsipyo ko sa buhay. Hindi ako property ng kahit sino. I have my own choices, I have my own decisions so I stick to that.

“Minsan very unfair sa industry natin because of the team-up that has happened. It puts a pressure on both of the individuals.

"Siyempre, hindi naman natin mapi-please ang mga taong gusto natin i-please."

Sa panayam ni Boy kay Alden sa Fast Talk With Boy Abunda, ngayong Miyerkules, tinanong ng host kung galit ba ang aktor nang binitiwan niya ang mga salitang ito.

Ayon kay Alden, "Since I started being a public figure, when I started in the industry po… as I grow older, may nakikita po akong cycle. Like, pag celebrity ka, you always cater to what people want.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Parang, of course, especially to... lahat ng feedbacks sa yo pinakikinggan mo to appease them, ibigay mo ang gusto nila.

"And at a certain point, medyo nakakapagod din pala siya.

"Parang dumating po ako sa point na, when I was really burned out with all these demands and things people want from me, parang when I stepped out and looked at the bigger picture, wala na po akong identity.

"Parang, ‘Nasaan na yung pagkatao ko? Lagi na lang ba akong susunod sa sinasabi ng ibang tao, of course, sa mga gusto ng mga tao makita sa akin.'"

Paglilinaw pa niya, "Napagod lang po ako sa point na yun, Tito Boy. And parang I wanted to be firm…

"Hindi po ako galit when I said that. I just wanted to be firm with the current state of mind that I have now."

Sinubukan niya bang iparating ito sa fans?

Sagot ni Alden, "I think, yung mga supporters ko ngayon is the best supporters I can have in this lifetime, in my career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi, no matter what I do or kung anuman po yung gusto kong gawin, they always support me 100 percent.

"Because I’m coming from… yung intention ko dun is always pure po."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards on former loveteam partner Maine Mendoza: "Kami po ni Maine ngayon, we’re at a point na we’re not getting any younger. We’ve already made our, of course, personal choices."
PHOTO/S: GMA Network / YES! Magazine
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results