Watch Now

Carla Abellana posts cryptic message: “A day I’ll never forget”

by Arniel C. Serato
Jan 25, 2023
Carla Abella cryptic post about January 25
Exactly a year ago today, January 25, 2023, news about the breakup of newlyweds Carla Abellana (above) and husband Tom Rodriguez (not in photo) made headlines.
PHOTO/S: Courtesy: @carlaangeline on Instagram

Puring-puri ng netizens ang kagandahan ng aktres na si Carla Abellana sa bagong short video na ibinahagi niya sa Instagram ngayong Miyerkules, January 25, 2023.

Matalinhaga ang caption ni Carla sa kanyang post: “A day i’ll never forget [heart emoji]”

Hindi malinaw kung bakit hindi makakalimutan ni Carla ang araw na ito sa tanang buhay niya.

Hindi naman kaarawan ng 36-year-old actress dahil ang birthday niya ay sa June 12 pa.

Pero eksaktong isang taon na ang nakalilipas (January 25, 2022) nang iulat sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng PEP Troika ang balitang hiwalay na sila ng asawang si Tom Rodriguez tatlong buwan lamang makalipas silang ikasal.

Read: Tom Rodriguez at Carla Abellana, hiwalay na tatlong buwan lamang pagkatapos ikasal?

Marami ang lumabas na espekulasyon tungkol sa dahilan ng breakup ng dalawa, at isyung third party umano sa partido ni Tom ang isa sa lumabas na kadahilanan.

Lalo iyong umugong nang i-like ni Carla ang ilang comments ng netizens na inaakusahang "cheater" si Tom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong March 11, 2022, ang ama mismo ni Carla na si Rey "PJ" Abellana ang nagsiwalat na kusa raw umamin sa kanya si Tom na nagkaroon ito ng "one-night stand."

Pero binawi rin iyon ni Rey.

June 16, 2022, binasag ni Carla ang pananahimik sa isyu nang atakehin siya ng bashers.

Mabigat ang mga salitang binitiwan niya para ilarawan ang aniya'y "pambabastos, panloloko, pandudurog, paninira, panggagamit at pagtataksil" sa kanya ni Tom.

Lalo raw siyang nasaktan dahil pati pamilya niya ay nadamay sa isyu.

Kinabukasan, June 17, 2022, naglabas ng opisyal na pahayag si Tom tungkol sa breakup nila ni Carla.

Nilinaw niyang walang katotohanan ang espekulasyong pinagbuhatan niya ng kamay si Carla.

Pero liban sa pag-aming nagkulang siya bilang partner nang maubos ang pera dahil sa isang scam, tumanggi siyang idetalye pa kung bakit sila naghiwalay ni Carla.

Sinabi rin ni Tom noon ang desisyon niyang umuwi sa Amerika nang mapagtantong wala na siyang magagawa para maayos ang relasyon nila ng asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bilang siya ay U.S. citizen, doon na rin daw siya nag-file ng divorce nila ni Carla.

Sa mga sumunod na buwan, hiwalay na ipinagpatuloy nina Carla at Tom ang kani-kanilang buhay.

Ikinasal sina Carla at Tom noong October 23, 2021 matapos ang pitong taong relasyon.

Samantala, mukhang nag-deactivate ng kanyang Instagram account si Tom na @akosimangtomas.

Carla Abellana cryptic message

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Exactly a year ago today, January 25, 2023, news about the breakup of newlyweds Carla Abellana (above) and husband Tom Rodriguez (not in photo) made headlines.
PHOTO/S: Courtesy: @carlaangeline on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results