Richard Juan says “patriotic” video of Derek Ramsay, Ellen Adarna “unwelcoming action” to Tsinoys

by Bernie V. Franco
Jan 31, 2023
richard juan, derek ramsay, ellen adarna
Filipino-Chinese Richard Juan (left) reacts to a video taken by showbiz couple Ellen Adarna and Derek Ramsay (inset) showing the actor hanging a Philippine flag on his balcony that directly faces the Chinese banners of the house across. Parte ng mensahe sa banners: “May good luck arrive at these doors each year."
PHOTO/S: @maria.elena.adarna and @richardjuan on Instagram

Nag-react ang Chinese-Filipino model at host na si Richard Juan kaugnay ng kumalat na video ng showbiz couple na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna.

Sa Instagram Story, ipinost ni Ellen ang kuha niyang video ng asawang si Derek na nagsabit ng Philippine flag sa balcony ng kanilang bahay.

Makikita ring ang katapat nilang bahay ay may mga nakasabit na red banners na may Chinese characters.

Caption ni Ellen sa video: “I like the view #proudpinoy Patriotic”

Sa background ay maririnig si Ellen na natatawa.

Marahil ang caption niya ay biro para sa asawang si Derek, na isang Filipino-British, sa ginawa nitong pagsabit sa watawat ng Pilipinas.

May isang netizen ang sumagot at isinalin ang Chinese characters na nakasabit sa kapitbahay nina Ellen at Derek: “May good luck arrive at these doors each year. And may all things be gradually fulfilled to your heart’s desires.”

Tila may kinalaman ito sa pagdiriwang ng Chinese New Year noong January 22, 2023.

May netizens na nagkomentong hindi masama ang magsabit ng watawat, pero kinuwestiyon din nila ang motibo ni Derek.

May nag-tweet na irespeto ng celebrity couple ang kanilang kapitbahay kung wala namang ginagawang masama.

Interpretasyon ng iba, may kahulugan ang ginawa ni Derek, base na rin sa caption ni Ellen at pag-focus niya ng camera sa katapat na bahay na may Chinese banners.

May mga nakapag-record ng video na ito ni Ellen kahit hindi na ito makikita sa Instagram account ng aktres.

derek ramsay philippine flag

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RICHARD JUAN REACTS

Sunud-sunod ang tweets ni Richard Juan kaugnay ng video nina Derek at Ellen.

Pinuna ng former Pinoy Big Brother housemate ang video ng celebrity couple.

Sabi ni Richard, nakakaramdam pa rin ang mga kagaya niyang “Chinoys” na hindi sila welcome sa bansa dahil sa ganitong kilos.

“The sad truth is, despite HUNDREDS OF YEARS of history in the Philippines, it’s the unwelcoming actions like this that makes us Chinoys feel like we STILL don’t belong here [crying emoji]”

derek ramsay philippine flag

Pero hindi lahat ay pumabor kay Richard.

Komento ng isa, “xenophobic” ang ginawa ni Derek, pero hindi nito sinang-ayunan ang katuwiran ni Richard.

Ang xenophobia ay ang prejudice sa mga tao dahil sa kanilang lahi.

Sabi ng netizen: “Chinese and Filipino-Chinese are favored sa bansa na ito. they even hold government positions”

Banat naman ng isa pa, “second class” citizens nga ang mga Pilipino at pinapaboran ang Chinese."

May mga nangatuwiran na si Ellen ay mayroon ding Chinese blood at hindi rin pure Filipino si Derek.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

richard juan comment

richard juan tsinoy comment

Pagkontra naman ng isa pa kay Richard: “I don't think that Chinoys experience "unwelcoming actions" in the Philippines.

“Most Chinoys have BETTER privileges than Pinoys. Are they oppressed here?

“Certainly not. In reality, Filipinos are being treated like a second class citizen.”

richard juan tsinoy comment

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasunod ng katuwiran ng netizens, naghunus-dili si Richard.

“I hear yall and I'm sorry for using the wrong words,” tweet niya at sinabing isa siya sa mga “few privileged.”

Pero paninindigan pa rin niya: “But its a fact that many Chinoys who spent most their lives here sometimes feel that they dont truly belong. Eg my WWII vet grandpa who til this day still gets called intsik beho.”

Nilinaw rin ni Richard na bagamat marami ang dumepensang privileged ang Chinoys na mayaman, hindi sila dapat ikumpara sa mas maraming Chinoy na hindi mayaman.

Ikinasiya pa rin daw ni Richard ang magandang talakayang ito.

Panghuli niyang mensahe: “Just because some Chinoys may not have Filipino blood does not mean we are not Pinoy; Chinoys are Pinoys.”

richard juan tweets

Si Richard ay isinilang sa Pilipinas ngunit lumaki sa Hong Kong. Bumalik siya sa Pilipinas para mag-aral sa University of the Philippines.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Filipino-Chinese Richard Juan (left) reacts to a video taken by showbiz couple Ellen Adarna and Derek Ramsay (inset) showing the actor hanging a Philippine flag on his balcony that directly faces the Chinese banners of the house across. Parte ng mensahe sa banners: “May good luck arrive at these doors each year."
PHOTO/S: @maria.elena.adarna and @richardjuan on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results