Mukhang alam din ng mga kasamahan ni Senator Chiz Escudero sa Senado ang problemang pinagdaanan ng relasyon nito sa asawang actress-influencer na si Heart Evangelista.
Sa pagsisimula ng Senate Session 45 ngayong araw, February 1, 2023, nagkaroon ng maikli ngunit masayang biruan ang mga senador.
Bigla na lang kasing tumayo si Senator Grace Poe sa floor at naghayag ng kanyang kunyari'y maiksing manifestation.
Wala itong kinalaman sa mga batas na tatalakayin nila sa session, pero may kaugnayan ito sa kasamahang si Senator Escudero.
Ayon kay Senator Poe, ngayon lamang ulit nila nakita ang magandang ngiti ni Senator Escudero sa mahabang panahon.
At talagang ang pag-ibig daw ay nararapat talagang ipaglaban.
Buong mensahe ni Senator Grace: “Mr. President, together with each and every member of this body, I would like to warmly welcome our colleague and my seatmate, Senator Chiz.
“First time in a long time we’ve seen that smile on his face, with a wonderful aura. And I think if there’s anything we learn from this is love is worth fighting for.”
Biro naman ni Senate President Migz Zubiri, ito ang dahilan kaya sandaling sinuspende ang kanilang talakayan.
Aniya, “That’s the reason why we suspended the session because I want to go down and give a big hug to our dear friend and classmate in Congress, our idol. We believe in second chances.”
Biro naman ni Senator Joel Villanueva, “And Mr. President, we Heart, Chiz.”
Sinegundahan naman ni Senate President Pro-Tempore Loren Legarda ang kunyari'y manifestation ni Senator Poe.
Saad niya, “I just want to signify my support to the statement made by Senator Poe. And we see a different aura of our good friend from Bicol, Governor, Senator Escudero.”
Sabat pa ni Zubiri: “We are all happy for you. Let’s put that on record. This whole session floor is happy for our dear colleague.”
Dito na natapos ang biruan ng mga mambabatas sa Upper Chamber.
Unang linggo ng Agosto 2022, marami ang nakapansing tinanggal ni Heart sa Instagram handle niya ang apelyidong Escudero.
May isang post din siya sa kanyang IG story noong August 8, 2022, na wala siyang suot na wedding ring.
Naipon ang mga ganoong obserbasyon kaya naintriga ang karamihan kung okay ba ang mag-asawa.
Read: Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero, may tampuhan?
December 26, 2022, tinuldukan ni Heart ang mga haka-haka na on-the-rocks na ang kanilang pagsasama ni Chiz.
Sa kanyang post kasi sa Instagram bago siya umuwi ng Pilipinas galing Paris, sinabi niyang: "Ps See you soon @escuderochiz”
Read: Heart Evangelista posts message for husband Chiz Escudero; netizens react, "Pinagalaw na ang baso!"
Magkasama rin nagdiwang ng Bagong Taon ang mag-asawa.
Read: Heart Evangelista posts photo with husband Chiz Escudero on New Year's Eve
At nitong nakaraang buwan, magkasama rin silang nagbakasyon sa Japan at Paris.
Read: Heart Evangelista, Chiz Escudero cozy up in cold Japan