
Sa kabila ng pagiging kontrobersiyal noon ng alitan nina Darren Espanto at JK Labajo, aminado si Cassy Legaspi na wala siyang alam tungkol dito.
Kaya't gano'n na lamang ang gulat ng mga kaharap niyang entertainment press nang tanungin siya ng mga ito kung napapag-usapan ba nila ni JK ang tungkol nga sa alitan nito kay Darren.
Si JK ay kasama ni Cassy sa pelikulang Ako Si Ninoy habang si Darren naman ay ang natsitsismis na boyfriend umano ng young Kapuso actress.
Paliwanag ng entertainment press kay Cassy, nagkaroon ng matinding alitan sina Darren at JK noon.
Takang-taka nga raw ang press people na habang nagaganap ang presscon ng Ako Si Ninoy, nakikita nilang very close sina Cassy at JK.
Alam daw ba ni Darren na magkasama sa isang pelikula sina JK at Cassy? Napapag-usapan nga ba nina Cassy at JK si Darren? Si Cassy na ba ang daan para magkaroon ng "closure" o magkabati sina JK at Darren?
Panoorin ang sagot ni Cassy.
#cassylegaspi #akosininoy #jklabajo #darrenespanto
Video: Rommel Gonzales
Edit: Ann Margarette Santiago
Text: Rommel Llanes
Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox
Know the latest in showbiz at http://www.pep.ph
Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts
Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts
Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber
Watch us on Kumu: pep.ph