Tila nanumbalik na ang dating pagmamahalan ng mag-asawang Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero.
Sa Instagram ngayong araw, February 2, 2023, nag-post si Heart ng holding-hands photo nila ni Senator Chiz habang nasa labas ng Hotel Lutetia sa Paris.
Caption lang niya rito ay two heart emojis.
View this post on Instagram
Kinagiliwan naman ng ilang personalities ang post na ito ni Heart kabilang na ang broadcaster na si Karen Davila.
Komento niya, “Awww [heart emoji] love wins!”
Kahapon, February 1, 2023, sa Senate Session 45, nagkaroon ng maikli ngunit masayang biruan ang mga senador sa pagsisimula ng session.
Naghayag ng kanyang kunyari'y maiksing manifestation si Senator Grace Poe tungkol sa kasamahang si Senator Chiz.
Ayon kay Senator Poe, ngayon lamang ulit nila nakita ang magandang ngiti ni Senator Escudero sa mahabang panahon.
At talagang ang pag-ibig daw ay nararapat talagang ipaglaban.
Read: Fellow senators rib Chiz Escudero on reconciliation with Heart Evangelista
Sa Instagram din ngayong araw, nag-post si Senate President Migz Zubiri ng kanyang pagbati kina Chiz at Heart.
Saad niya, “Syempre naniniwala ako sa second chances lalo na sa pag-ibig kaya tuwang tuwa kami para sa kaibigan ko na si Chiz Escudero na napakaganda ng aura niya kahapon sa plenary session.
"Congrats Kapatid and God bless you and Heart always [heart emojis] Chiz [smiling emoji]”
View this post on Instagram
August ng 2022, kumalat ang balitang on-the-rocks umano ng relasyon nina Chiz at Heart.
Read: Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero, may tampuhan?
December 26, 2022, tinuldukan ni Heart ang mga haka-hakang may problema ang kanilang pagsasama ni Chiz.
Sa kanyang post kasi sa Instagram bago siya umuwi ng Pilipinas galing Paris, sinabi niyang: "Ps See you soon @escuderochiz”
Read: Heart Evangelista posts message for husband Chiz Escudero; netizens react, "Pinagalaw na ang baso!"
Magkasama ring nagdiwang ng Bagong Taon ang mag-asawa.
Read: Heart Evangelista posts photo with husband Chiz Escudero on New Year's Eve
At nitong nakaraang buwan, magkasama rin silang nagbakasyon sa Japan at Paris.
Read: Heart Evangelista, Chiz Escudero cozy up in cold Japan