Vilma Santos pens sweet message for first grandchild Baby Rosie: "Proud of you!!!"

by Khryzztine Joy Baylon
Feb 2, 2023
Vilma Santos pens sweet message to her first grandchild Baby Rosie
Multi-awarded actress Vilma Santos is a proud first-time grandmother to grandchild Isabella Rose: "Momsie Vi loves you so much. Proud of you!!! Sooooo adorable. God bless you always my baby Peanut."
PHOTO/S: Vilma Santos Recto Instagram

Proud lola ang Star for All Seasons na si Vilma Santos sa unang apo na si Isabella Rose Tawille Manzano, ang panganay na anak nina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Si Luis ay anak ni Vilma sa dati nitong asawa na si Edu Manzano.

Sa Instagram nitong Huwebes, February 2, 2023, ibinahagi ni Vilma sa Instagram ang larawan ng kanyang unang apo, kalakip ang mensahe niya para kay Baby Rosie (palayaw ni Isabella).

Mababasang caption sa kanyang post (published as is): "Welcome to the world baby Rosie!

"Momsie Vi loves you so much. Proud of you!!!

"Sooooo adorable. God bless you always my baby Peanut [pray emoji]."

Dagdag pa niya, "I love you! [kiss emojis]."

Matatandaan noong August 26, 2022, sa exclusive interview ng Cabinet Files, unang beses na ihayag ng multi-awarded actress ang kanyang kaligayahan na sa wakas ay magiging lola na siya.

Ayon kay Vilma, matagal na panahon siyang naghihintay ng apo at itinuturing niyang blessing ang pagbubuntis noon ng manugang na si Jessy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mas lalo pa raw siyang naging masaya nang malamang babae ang unang magiging apo niya.

Read: Vilma Santos, excited nang maging "Momsie" sa first baby nina Luis Manzano at Jessy Mendiola

Sabi ni Ate Vi, "Heaven ang pakiramdam... Dalawang boys ang anak ko [Luis and Ryan Christian], barako ang pakiramdam, pero ngayon may girl na!

"Sarap sigurong ayusan."

Read: Vilma Santos reveals how son Luis Manzano told her about Jessy Mendiola's pregnancy

Noong December 29, 2022 pa isinilang ni Jessy ang unang supling nila ni Luis, pero nitong January 7, 2023 lamang nila ipinaaalam sa publiko na sila ay ganap nang mga magulang.

Read: Jessy Mendiola and Luis Manzano welcome their first baby, Isabella Rose

Pagkatapos nilang isapubliko na may anak na sila, nakatanggap ng kaliwa't kanang batikos sina Luis at Jessy.

Napagdesisyunan kasi noon ng mag-asawa na hindi muna ipakita ang buong mukha ng kanilang anak.

Dahil dito, ilang mga mapanulang netizens ang umusisa sa dahilan ng mag-asawa kung bakit hindi pa nila ipinapakita ang buong mukha ng kanilang supling.

Read: Luis Manzano’s sarcastic response to basher of his baby

Nagkalat ang espekulasyon na baka raw may kakaiba sa mukha ng kanilang baby kaya't tinakpan ni Luis ng rose emoji ang mukha ni Baby Rosie nang maglabas siya ng litrato nila habang karga-karga niya ito.

Read: ROUND 2: Luis Manzano burns basher for comparing him and Jessy Mendiola to “walang arte” couple

May isa pang bastos na netizen na nagsabing baka raw "pisot" ang baby kaya half- face lamang ang picture nito noong muling nag-upload si Luis ng litrato ni Baby Rosie noong January 11, 2023.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Jessy Mendiola politely replies to “may something ba” question of netizen about baby Rosie's half-face reveal

Ang "pisot" ay salitang Cebuano na ang ibig sabihin at "hindi tuli," ngunit ginagamit din ito bilang pang-insulto sa hitsura ng isang tao.

Read: ROUND 3: Luis Manzano hits back at netizen over “masyado kayong ewan” comment: "Kayo po ba magpapadede?"

Nitong January 29, 2023, napagdesisyunan nina Luis at Jessy na ipakita na ang buong mukha ng kanilang baby.

Nangyari ang face reveal kasabay ng pagdiriwang ng ika-one month old ni Baby Rosie.

Read: Luis Manzano and Jessy Mendiola finally reveal Baby Rosie's face

Ngunit may ilan pa ring hindi matahimik dahil kahit nakita na nila ang hitsura ng anak nina Luis at Jessy ay patuloy pa rin sila sa pamba-bash.

Kabilang na nga rito ang pagbuwelta ni Luis sa isang basher na tinawag silang "paarte" ni Jessy dahil daw pinaabot pa nila ng isang buwan ang face reveal ng kanilang anak.

Read: Luis Manzano burns basher after “Ni reveal din Dami png paarte” comment about Baby Rosie

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Multi-awarded actress Vilma Santos is a proud first-time grandmother to grandchild Isabella Rose: "Momsie Vi loves you so much. Proud of you!!! Sooooo adorable. God bless you always my baby Peanut."
PHOTO/S: Vilma Santos Recto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results