Jeffrey Hidalgo clarifies real score with Geneva Cruz

by Melba R. Llanera
Feb 3, 2023
Jeffrey Hidalgo and Geneva Cruz
Jeffrey Hidalgo on close friend Geneva Cruz: "Talagang best friends kami. Pero nanligaw ako sa kanya dati nung high school after ng Smokey Mountain... Binasted niya ako."
PHOTO/S: @jepoyhidalgo Instagram

May mga naghinalang nagde-date sina Jeffrey Hidalgo, 45, at Geneva Cruz, 46, dahil sa madalas nilang pagbabakasyon nang magkasama.

Parehong single sina Jeffrey at Geneva kaya kung tutuusin ay walang masama kung maging sila man.

Si Jeffrey ay binata pa rin hanggang ngayon, habang si Geneva ay may dalawang anak sa dating mga karelasyon.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ikinuwento ni Jeffrey na totoong nanligaw siya kay Geneva, pero bata pa raw sila noon.

Ngayon ay matalik na magkaibigan lang daw talaga sila.

Pareho silang original members ng defunct OPM grupo na Smokey Montain, na naging aktibo mula 1989 hanggang 1995.

"Talagang best friends kami. Pero nanligaw ako sa kanya dati nung high school after ng Smokey Mountain.

"Inaya ko siya na maging grand ball date ko. Binasted niya ako.

"Ngayon napagtatawanan na lang namin," napapangiting balik-tanaw ni Jeffrey.

Ayon pa sa singer-director, na-link lang sila ni Geneva dahil natutuwa ang followers nila sa social media sa sweet photos nila nang magbakasyon sila sa Boracay

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Madalas din silang magkasama sa TikTok dance videos at kahit sa mga raket nilang gigs.

Bukas ba sila sa posibilidad na magkahulugan ng loob?

"Wala, e. Wala kaming napi-feel," sagot ni Jeffrey.

Paglilinaw pa niya, "Open naman kami, but as of now, talagang magkaibigan lang kami."

Ayon kay Jeffrey, matagal na nung huli siyang nakipagrelasyon.

"The last na medyo serious, it was before pandemic. Dine-date lang pero di naging commitment.

"I don't wanna force it. Parang if I find the right one, I don't wanna settle...

"I wanna settle down, but I don't wanna settle."

Si Geneva naman ay single mom sa mga anak na sina Heaven at London.

Si Heaven, 26, ay anak ni Geneva sa dating Introvoys guitarist na si Paco Arespacochaga; habang si London, 8, ay anak ni Geneva sa ex-boyfriend na Filipino-Australian, si Lee Paulsen.

Huling nakarelasyon ni Geneva ang American concert producer na si Nikolaus Booth.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JEFFREY HIDALGO ON DELETER'S SUCCESS

Nakapanayam ng PEP.ph si Jeffrey sa victory party ng Deleter noong January 11, 2023.

Kabilang si Jeffrey sa cast ng Deleter, ang Metro Manila Film Festival 2022 entry na humakot ng pitong awards at top-grosser sa December film festival.

Sabi ni Jeffrey tungkol sa tagumpay ng pelikula: "Sobrang surreal. Sobrang hindi ko siya ine-expect. Di ko ine-expect na magiging artista ako last year.

"I'm just really happy and proud that I'm part of something this big, na hindi namin ine-expect [na magkaka-awards] which is even better.

"We're all proud and love the outcome of the project. Yung awards and everything, bonus na lang siya. Sobrang unexpected talaga."

Ayon pa kay Jeffrey, posibleng may acting projects din siya ngayong 2023 pero mas prayoridad pa rin daw niya ang trabaho bilang direktor.

"Pagiging director talaga ang gusto ko. Directing, singing, then acting. Pero siyempre, depende sa role."

Papayag daw siya sa pag-arte kung maganda ang script at ang role na io-offer sa kanya.

JEFFREY ON RECOGNITION FOR LAMPAS LANGIT

Nanalo naman si Jeffrey bilang Best Director sa 2022 International Film Festival Manhattan (IMFF) sa New York para sa pelikulang Lampas Langit.

Tampok sina Baron Geisler, Ricky Davao,Christine Bermas, at Chloe Jenna, ang Lampas Langit ay tungkol sa isang struggling novelist na nagka-affair sa anak ng kanyang literary idol.

Saad niya, "It's my first directorial award. Medyo surreal din yun when I got that award.

"I'm just really happy because that has been a passion project for, like, seven years na matagal ko nang dine-develop."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kabila ng pagdidirek at pag-arte, gusto ring balikan ni Jeffrey ang pagkanta kung saan una siyang nakilala.

"Oo, yun din, gusto kong mag-release kahit na isang single, na-miss ko din siya.

"Though nagawa ko din siya last year sa Masked Singer Pilipinas. Not necassary na dapat original song ko, okay lang sa akin revival," ani Jeffrey.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jeffrey Hidalgo on close friend Geneva Cruz: "Talagang best friends kami. Pero nanligaw ako sa kanya dati nung high school after ng Smokey Mountain... Binasted niya ako."
PHOTO/S: @jepoyhidalgo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results