Anne Curtis will tour Europe alone next month

by Nitz Miralles
Apr 17, 2008
"I love traveling, I want to see the world. Dahil every time na bumabalik ako, iba ang feeling and it gives you confidence. Gusto kong gawing yearly ang pagta-travel," says Anne Curtis.

In-announce ni Anne Curtis sa PEP (Philippine Entertainment Portal) that she's going to Europe next month, third week of May to be exact. Magte-taping lang siya for two weeks for Diyosa, ang bago niyang fantaserye sa ABS-CBN, at lalarga na siya.

"I'm going to Europe just to see Paris. I want to see the place. I want to see the Eiffel Tower. I also want to sample French food and French wine and to speak French. Gusto kong puntahan ang places na ‘di pang-turista. That's why I'm trying to learn the language kahit basic lang. They appreciate it more if you speak the language. Tinuturuan akong mag-French ni Mickey Perz [PBB Season 2 ex-housemate]," kuwento ni Anne.

Dagdag niya, "I'm also going to England by train. I have friends na pupunta rin sa Paris. Kita-kita kami at sabay nang pupunta sa England. Solo lang akong aalis dito at mga ten days akong magta-travel."

Continue reading below ↓

SOLO FLIGHT. Sabi ni Anne, gagawin niya uli this year ang ginawa niya sa Hawaii last year na mag-isa lang siyang nag-travel at nag-enjoy siya nang husto. Ibang experience daw ang magtanong sa local people ng places na gusto mong puntahan.

"Aside from French, gusto ko ring mag-study ng Spanish. I want to go to Spain also, parang something is telling me na pumunta ako ng Spain. Ang daming magagandang places doon. Actually, parang ang ganda-ganda ng buong Europe!

"I love traveling, I want to see the world. Dahil every time na bumabalik ako, iba ang feeling and it gives you confidence. Gusto kong gawing yearly ang pagta-travel. It was Hawaii and Bangkok last year. This year, it's Europe and after Europe, next year, gusto kong puntahan ang South America. There's so many places to go next year. Gagawin ko ito while I'm young and single. Para when I get older, wala akong regrets na sana, I have traveled," lahad ni Anne.

Continue reading below ↓

NO "BOYFRIEND" ALLOWED. Sabi ni Anne, solo siyang magta-travel. Paano kung may sumunod sa kanya, gaya ng napapabalitang boyfriend niya na si Sam Milby?

"I just like to be alone, wala akong magagawa kung may susunod. Pero hindi yun susunod, may work siya. Sa birthday niya, wala ako at wala rin naman siya sa birthday ko. Patas na lang kami," pilyang sagot ng dalaga.

Nabuksan na rin lang ang topic kay Sam, inalam na ng PEP kung ano talaga ang relasyon nila. Totoo bang nagkabalikan na sila?

"No, no, no! Huwag muna ang love life, we're both busy," pag-iwas ni Anne.

In the process ba ang reconciliation?

"Ganito yun, sa Book One ng Maging Sino Ka Man, we were dating; but we broke it up. Sa Book Two, nasa courting stage na kami, pero wala pang nangyari at hindi ko alam kung ano ang mangyayari. Bahala na, ayaw ko pang isipin yun, I enjoy being single."

Continue reading below ↓

Kaya mahabang "nooo" ang sagot ni Anne kung magseselos ba si Sam sa love scene nila ni Aga Muhlach sa When Love Begins. Bukod sa wala siyang karapatang magselos, maiintindihan ni Sam ang mga ganung eksena dahil artista rin siya kagaya ni Anne.

Samantala, ayaw magpa-pressure ni Anne sa April 30, opening ng movie nila ni Aga, kahit sinasabing siya ang ibinebenta ng pelikula. Naniniwala siyang si Aga pa rin ang rason kung bakit panonoorin ito ng mga tao.

"Hopefully, with the movie, ma-recognize na akong leading lady at makita na as an actress. It's a big step for me na mas kilalang TV star than a movie star. This is a good start," pagwawakas ni Anne.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I love traveling, I want to see the world. Dahil every time na bumabalik ako, iba ang feeling and it gives you confidence. Gusto kong gawing yearly ang pagta-travel," says Anne Curtis.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results