Gerald Anderson simply tired of gay-benefactor rumor

by Julie E. Bonifacio
Apr 18, 2008
Gerald Anderson says he has many gay friends but denies rumor that a gay benefactor provides him with everything, including an expensive townhouse unit.

Pagtatapat ni Gerald Anderson sa PEP (Philippine Entertainment Portal), natakot daw siya sa mga huling eksena nila ng ka-love team niyang si Kim Chiu sa bagong offering ng Sineserye Presents: The Susan Roces Cinema Collection, featuring Maligno sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Naroon ang PEP sa presscon ng Maligno at doon nga ipinagtapat ni Gerald ang tungkol sa kakaibang "puting bagay" na nakita niya habang nagte-taping siya for the latest from the The Susan Roces Cinema Collection.

"Nung una naming taping, hindi pa horror. Kaya nung last part ng taping namin doon, ako mismo nakita ko yung ‘puti.' Nahuli ko siya sa kamera," pagde-describe pa ni Gerald.

GAY BENEFACTOR. Kung kahindik-hindik ang kuwento ni Gerald, mas "kahindik-hindik" naman ang usap-usapang may gay benefactor daw ang binatang half-American.

"Ano ba'ng bago roon, lagi naman [natsistsimis na may gay benefactor siya]? Yun na naman?" tila napapagod nang pagsagot sa issue ni Gerald.

Continue reading below ↓

But this time, pinangalan na ang diumano'y gay benefactor niya. At ito ay ang dating bar-owner na na-link din noon kay Diether Ocampo na si Edgar Mangahas.

"Kagaya ng sabi ko dati, wala [gay benefactor]. Ang sa akin po naman, hindi naman po masamang maging kaibigan sila [gays]. Pero hanggang doon lang ako."

Kilala ba niya si Edgar Mangahas?

"Si Kuya Ed?! Oo," pagkumpirma ni Gerald.

"Parang si Kuya Jun [Reyes, manager niya] din yun. Si Kuya Jun din ang nagpakilala sa akin sa kanya. Kaibigan ko siya at napakabait ni Kuya Ed.

"Hindi pa ako showbiz, ipinakilala na ako sa kanya ni Kuya Jun. Nagba-back-up dancer pa lang ako noon kay Joross [Gamboa]. Kumbaga, dumaan ‘ata siya sa bahay ni Kuya Jun ‘tapos ipinakilala niya kami."

Binili rin daw ni Edgar ang concert ni Toni Gonzaga sa Aliw Theater on May 2 dahil kay Gerald. Ito raw ang dahilan kaya may special participation si Gerald sa concert.

Continue reading below ↓


"Ewan ko po. Ang sa akin...producer ba si Kuya Ed doon?

"Mabuti nga nakasama ako doon. At least, trabaho pa rin yun," positibong pagtingin ni Gerald sa issue.

EXPENSIVE TOWNHOUSE. Usap-usapan din na si Edgar ang nagbigay sa kanya ng townhouse na tinitirhan niya ngayon sa may E. Rodriguez, Quezon City.

"Ay, sana, sana! Pero hindi po. Aalis na nga po ako roon, e. Ang mahal-mahal ng renta ko roon."

Twenty-five thousand pesos daw ang monthly rental ni Gerald sa kanyang inuupahang townhouse. Siya raw ang nagbabayad ng upa at hindi ang nababalitang gay benefactor niya.

"Pero this month, bibili na ako ng lupa para magpapagawa na ako ng bahay."

Meron na raw nakitang lupa si Gerald na pagtatayuan niya ng kanyang sariling bahay sa bandang Commonwealth Ave., Quezon City.

"Ah...mga 300 square-meters yun. Hindi ko pa alam kung magkano. Magtatanong pa lang ako."

Dito na ba niya itatayo ang kanyang dream house?

Continue reading below ↓

"Hindi naman," ngiti ni Gerald. "Kung ano lang ang nasa budget ko."

JUST LIKE PIOLO AND SAM. Malamang matsitsismis din na ang lupang plano niyang bilhin ay bigay ng kanyang gay benefactor.

"Yeah, bigay sa akin ang susunod niyan. Pero teka meron na bang kotse na natsismis na binigay sa akin?" natatawang tanong ni Gerald na himig-patuya.

"Actually, kumbaga parang hindi ko alam kung magiging masaya ako dahil lahat ng matinee idol, lahat ng mga heartthrob, sina Piolo [Pascual] at Sam [Milby], parang ganun [natsitsismis na may gay benefactor]. Pero I mean...okey naman,"

So, okey lang sa kanya ang gay proposals?

"Ah, wala naman po sa akin. I mean hindi masama na maging kaibigan ang isang gay pero hanggang doon lang po talaga. Kaya ako nagtatrabaho... E, walang kuwenta pala ang trabaho ko kung tatanggap lang ako [ng gay proposals].

"Kumbaga, sa akin okey lang po. Open ako sa mga ganun. Marami rin akong barkadang bading—I mean, ninety percent siguro sa showbiz bading—pero hindi po lalampas ng [magkakaroon ng] relasyon."

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Gerald Anderson
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gerald Anderson says he has many gay friends but denies rumor that a gay benefactor provides him with everything, including an expensive townhouse unit.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results