Rafael Rosell still possessed by his demon role in "Maligno"

by Julie E. Bonifacio
Apr 19, 2008
"May moment ako during my daily life na yung mga kaibigan ko, sinasabi sa akin, ‘Ano'ng ginagawa mo? Okey ka lang?' Okey lang ako. Parang may pagka-possessed, aaminin ko yun. I thought about seeing a psychiatrist," narrates Rafael Rosell.

Ngayon pa lang ay pinag-uusapan na ang rape scene nina Rafael Rosell at Claudine Barretto sa bagong horror-drama series ng ABS-CBN na Maligno. Nakahubad si Rafael sa naturang eksena at ang balita ay nagpa-double na lang si Claudine sa eksena nila.

Pinaghandaan ba talaga ni Rafael ang rape scene nila ni Claudine?

"I didn't necessarily prepared for the rape scene," sabi ni Rafael. "Part lang po yun ng role. What I did was I watched mga horror movies lalo na yung...hindi yung nakakatakot na pagulat. Mas ano, psychological like Hannibal and Silence of the Lambs. Si Anthony Hopkins doon, hindi naman siya yung nakakatakot physically. Ang atake niya, mas alam mo na may pagkasira-ulo, e.

"So you don't have to overreact that dahil kung nakikita naman ng mga tao, mas nakaka-creepy yun, e. Para sa mga pelikulang nakikita mo na yung mga monsters, di ba hindi na nakakatakot? Pero yung alam mo na may something, pero hindi ka sigurado. I think that disturbs as person, I'd mind more," saad niya sa presscon ng concert niya with Cover Boys dubbed as Cover Boys Uncovered na itatanghal sa Music Museum.

Continue reading below ↓

Hindi ba siya nahiya kay Claudine sa eksena nila considering na hubad siya that time?

"Ay, hindi po," sagot ni Rafael. "Very professional buong set. Sabi ni Direk Wenn [Deramas, direktor ng Maligno], alis muna lahat, closed door. Pero kung nanonood sila sa director's booth, hindi ko alam. If ever na may nakita doon, parang hindi sa akin yun, e, sa devil na ‘yon. Kay Lucas na yun.

Feeling ba niya ay na-possess siya ng devil dahil sa character na ginampanan niya sa Maligno?

"May moment ako during my daily life na yung mga kaibigan ko, sinasabi sa akin, ‘Ano'ng ginagawa mo? Okey ka lang?' Okey lang ako. Parang may pagka-possessed, aaminin ko yun. I thought about seeing a psychiatrist," pag-amin ni Rafael.

Dahil ba ito sa sobrang pag-i-internalize niya ng kanyang role bilang si Lucas na isang demonyo?

"In terms of internalization, I do my best naman in every role. Kahit nung internalization ko kay Creon doon sa Rounin, medyo may tama rin naman yun. Pero eto yung pinakamatinding psychological tama," paliwanag niya.

Continue reading below ↓

Naisip din ba niyang mang-rape sa totoong buhay?

"Ay, hindi naman rape!" tawa niya. "Pero yung tulala lang ako lagi. Tapos iba na ang iniisip."

Kahit tapos na raw silang mag-taping ng Maligno, na tatakbo lamang ng apat na linggo, nararamdaman pa rin ni Rafael na parang may pumapasok na demonyo sa katawan niya.

"Minsan may mga nights na hindi ako natutulog. ‘Tapos may necklace kasi si Lucas, e...hindi ko alam kung napansin ninyo sa press preview ng Maligno. Iniwan nila sa akin pagkatapos naming mag-shoot, e. Kaya feeling ko, yun ‘yon, e.

"Gusto kong itapon yung kuwintas. Ilayo ko nga sa akin. Pero I detoxified myself from Lucas naman. I swam, I did Kapwera [fighting technique]. Kung kailangan, I think I'll have to see a psychiatrist."

Paano niya nararamdaman na possessed na siya?

"At this moment, hindi po. Usually, when I'm with the people I love or with the people I know, okay lang. Pero kapag nag-iisa na ako, yun ‘yon. Nung napanood ko nga, parang napaano lang ako, ‘Ako ba yun?'" saad ni Rafael.

Continue reading below ↓

Hindi kaya ma-typecast na siya sa ganitong roles?

"Sa pagiging rapist?" balik-tanong niya, "Feeling ko, kung anuman tinatanggap ko. If I accept another role like that, siguro mata-typecast ako."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"May moment ako during my daily life na yung mga kaibigan ko, sinasabi sa akin, ‘Ano'ng ginagawa mo? Okey ka lang?' Okey lang ako. Parang may pagka-possessed, aaminin ko yun. I thought about seeing a psychiatrist," narrates Rafael Rosell.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results