Assunta de Rossi and Rep. Jules Ledesma bent on having their baby this year

by Melba R. Llanera
Apr 21, 2008
"Last year kasi was my year, Year of the Pig, gusto ko na ring magbuntis kaya lang nawalang nangyari. Buti na lang, this year, Year of the Rat, year ng husband at ng anak kong lalake [Jules's son by his first marriage]. So kailangan yung baby namin maging Rat din," says Assunta de Rossi.

Pagkatapos ng masalimuot niyang pag-alis noon sa bakuran ng ABS CBN, kapansin-pansin ang pananahimik at paglamlam ng career ni Assunta de Rossi.

Kung tutuusin ay hindi na naman kailangan ng aktres na kumayod na parang kalabaw para lamang kumita dahil maalawan ang buhay ng napangsawang si Congressman Jules Ledesma. Para sa iba ay mas dapat nga raw na pagtuunan na lang ng pansin ni Assunta ang pagkakaroon ng sariling anak, lalo't mahigit limang taon na rin ang itinatakbo ng pagsasama nila ng asawa.

Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Assunta ay inamin niya na nakakaramdam na nga raw sila ng inip ni Jules na magkaroon na talaga ng anak na matatawag na talagang sa kanila.

"Ako, naiinip," sabi ni Assunta. "Siya [Jules], kailan lang niya na-feel na yung pressure. Sabi ko nga sarili ko, ‘Yes, finally pressured na ang asawa ko!' Last year kasi was my year, Year of the Pig, gusto ko na ring magbuntis kaya lang nawalang nangyari. Buti na lang, this year, Year of the Rat, year ng husband at ng anak kong lalake [Jules's son by his first marriage]. So kailangan yung baby namin maging Rat din."

Continue reading below ↓

Last February ay plinano na nina Assunta at Jules na mabuntis na sana ang aktres, pero hindi sinuwerteng mabuo ito. Nagpalaam na rin si Assunta sa manager na si Annabelle Rama na haharapin niya muna ngayon ang pagkakaroon ng sariling anak.

"Three months ago, kinausap ko si Jun Lalin [publicist] na sabihin kay Tita Annabelle na gagawa muna kami ng baby ng asawa ko. Actually, itong January, gusto ko sana sa birthday ko last February buntis na ako. Kaya lang, hindi nga nabuo since nagpaalam na ako, hindi ko na palalampasin ito."

Siniguro sa amin ni Assunta na walang may diperensiya sa kanilang mag-asawa kung ito ang iniisip ng iba. Si Jules pala mismo ang may gusto na huwag muna siyang magbuntis noong unang mga taon ng pagsasama nilang mag-asawa.

Aniya, "Walang panahon at kulang sa timing. Ang thinking kasi ng iba, ganun kadaling gumawa ng bata. It's not as easy as it seems, akala lang nila. Kahit na itanong pa ninyo sa iba.

Continue reading below ↓

"Walang may diperensiya sa amin," pagkaklaro ni Assunta. "I'm healthy and my husband is healthy also. In [almost] six years na pagsasama namin, for four years, walang baby talaga. Ayaw pa ni Jules kasi masyado pa raw akong bata nun. Nung 24 na ako, sinabi niya sa akin na okay na raw. Kumbaga, hinog ka na so dun pa lang kami talaga nag-start na mag-focus talaga to have our own child. I just turned 25 last February, so kung susumahin mo, kailan lang talaga nag-try. Pero yun nga, on and off kasi last year naging busy siya sa election."

STILL GOING STRONG. Noon ay hinulaan ng iba na mauuwi rin sa hiwalayan ang pagsasama nina Assunta at Jules, ngunit heto't going strong pa rin ang relasyon nila. Although inamin ng aktres na nasa period of adjustment pa rin sila.

"Hindi talaga matatapos yung adjustment, marami pa ring trials, both individually and as a couple. Three years ago, after nung nangyari sa ABS, buhos yung blessings sa amin, so masasabi kong talagang suwerte kami sa isa't isa," saad niya.

Continue reading below ↓

Speaking about blessings, nang inisa-isa sa amin ni Assunta ang mga pinagkakabaalahn ng asawa, kahit kami ay sumang-ayon na mukhang mas sinusuwerte nga sila ngayon.

"Business is doing good. Yung kauna-unahang ethanol plant, nasa San Carlos City [Negros Occidental]. So by January next year, gasolina na ang gagawin namin, hindi na asukal. Nagpahinga siya for three years in poltics, pero nakabalik na siya sa Congress, ‘tapos okay na kami ng pamilya ko. Sila, they're okay. Kase-celebrate lang ng 25th year anniversary ng parents ko and okey naman, we're very blessed," lahad ni Assunta.

ASSUNTA'S EX-BF. Sa kabila na kani-kanilang buhay ay hindi maiwasang matanong pa rin kay Assunta ang kanyang ex-boyfriend na si Rommel Adducul na kumpirmadong may nasopharyngeal cancer.

"Nung malaman ko ang tungkol diyan, of course, nalungkot ako kasi ang bait-bait nung taong yun. Ipinagdasal ko siya, isinama ko siya sa mga prayers ko na sana maging okay siya.

Continue reading below ↓

"Matagal na kaming walang communication kasi he's married na, may sari-sarili na kaming buhay. For me kasi, ‘pag ex na, in-ex ko na rin siya sa buhay ko. Pero siyempre, nung nalaman ko yun, nalungkot talaga ako," pagtatapos ni Assunta.

Read Next
Read More Stories About
Assunta de Rossi, Jules Ledesma
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Last year kasi was my year, Year of the Pig, gusto ko na ring magbuntis kaya lang nawalang nangyari. Buti na lang, this year, Year of the Rat, year ng husband at ng anak kong lalake [Jules's son by his first marriage]. So kailangan yung baby namin maging Rat din," says Assunta de Rossi.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results