The danger of deepfakes: how they can impact your reputation and privacy

"Almost 95-96% of deepfake videos online are pornographic and non-consensual."
by Mark Angelo Ching
Mar 7, 2023
Deepfakes
Artificial intelligence expert Joseph Marvin Imperial on importance of putting safeguards against deepfakes: “Almost 95-96% of deepfake videos online are pornographic and non-consensual. If you put yourself in the shoes of these victims, how would you react if one day you found your facial features from an image sourced layovered some porn video posted publicly?"

#NakakapekengAIangDeepfake

Isa ang deepfake videos sa mga makabagong isyu na binabantayan ng gobyerno at tech leaders sa buong mundo.

Ano nga ba ang deepfake videos, at bakit kailangang maging concerned ang mga ordinaryong tao sa isyung ito?

Kumausap ang Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ng mga eksperto upang makakuha ng paliwanag tungkol dito.

Read: Deepfake Hollywood stars, AI news anchors: amusing but very alarming

WHAT IS IT?

Isa sa mga nakausap ng PEP.ph ay ang faculty member sa Computer Science Department ng National University - Manila na si Joseph Marvin Imperial.

Ayon kay Imperial, ang deepfake ay ang mahusay na paglalapat ng mukha ng ibang tao sa isang imahe o video.

Dahil magaling ang pagkakagawa ng mga imahe o video ay nagiging delikado ito sa mga nagiging biktima.

Isa sa prominenteng insidente ng deepfake ay ang kalbaryo ni QTCinderella, isang American gaming streamer at influencer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong simula ng Pebrero 2023 ay inireklamo niya sa kanyang followers ang pagkakaroon ng mga malalaswang video na pinalitan ng kanyang mukha.

Nabunyag ang mga video na ito sa isang livestream ng isa pang sikat na streamer na si Brandon “Antioc” Ewing.

Agad na humingi ng apology si Antioc noong nabisto ang kanyang masamang gawain.

Aniya, nag-click lamang siya ng ad ng deepfake porn kaya nakita niya ang video ng kanyang mga kasamahan sa industriya.

Ngunit hindi sapat ang paliwanag na ito kay QTCinderella. Saad niya sa isang livestream, naramdaman niyang siya ay binastos.

“I’m so exhausted and I think you guys need to know what pain looks like because this is it. This is what it looks like to feel violated.

"This is what it feels like to be taken advantage of, this is what it looks like to see yourself naked against your will being spread all over the Internet.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"This is what it looks like,” pahayag ng babaeng streamer habang umiiyak.

Sinubukan din ni QTCinderella na kasuhan ang gumawa ng deepfake video at ang website kung saan ito na-post, ngunit nalaman niyang wala pang batas para matuloy ang kanyang pagkakaso.

DEEPFAKE on causing HARM

Pahayag pa ni Imperial sa panayam ng PEP.ph, maaaring mapahamak ang mga magiging biktima ng deepfake videos.

“Almost 95-96% of deepfake videos online are pornographic and non-consensual,” saad niya.

“If you put yourself in the shoes of these victims, how would you react if one day you found your facial features from an image sourced layovered some porn video posted publicly?

"These scenarios can cause severe mental problems for victims and may require further counseling.”

Dagdag pa niya, maaaring may mas malala pang epekto ang pagpapakalat ng deepfakes.

Puwede kasi itong gamitin sa pagnanakaw, pangha-hack o kaya ay pagpapakalat ng fake news o propaganda.

May study pa nga ang University College London (Dawes Centre for Future Crime) na maaaring magamit sa terorismo ang deepfake videos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

is there a need to regulate DEEPFAKES?

Kung delikado ang deepfake videos, ano ang ginagawa ng gobyerno upang kontrolin ito?

Nagbigay ng ilang mga halimbawa si Imperial.

Sa European Union umano ay may ipinapanukalang AI Act, kung saan ire-require ang AI-based systems (tulad ng mga website) na ipaaalam sa users o visitors na deepfake ang kanilang nakikita.

Sa United Kingdom naman ay may ipinapanukalang Online Safety Bill kung saan magiging bawal ang pagse-share ng deepfake content kung walang consent ang nasa imahe o video.

Samantala, wala pang batas para rito sa Pilipinas ngunit maaari umanong i-report ang mga deepfake videos sa Anti-Cybercrime Group ng Philippine National Police.

meta's POLICIES on deepfakes, hate speech, nudity

May ginagawa rin ang ilang online platforms upang maiwasan ang mga nakakapinsalang deepfake content.

Tinanong ng PEP.ph ang Meta tungkol sa mga deepfake. Ang Meta ay ang parent company ng Facebook at Instagram.

Ayon sa Meta, tinatanggal ng Meta ang mga misleading at manipulated videos kung naaayon sa mga criteria na ito:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
  • Videos that have been edited or synthesized, beyond adjustments for clarity or quality, in ways that are not apparent to an average person, and would likely mislead an average person to believe.
  • A subject of the video said words that they did not say, AND
  • The video is the product of artificial intelligence or machine learning, including deep learning techniques (e.g. a technical deepfake), that merges, combines, replaces and/or superimposes content onto a video, creating a video that appears authentic.

(Pero hindi raw saklaw ng polisiya ang content na "parody or satire, or is edited to omit words that were said or change the order of words that were said.")

Tinatanggal din ang mga video, kahit hindi deepfake, kung hindi sumusunod sa Community Standards ng Meta, ukol sa paghuhubad, karahasan, hate speech o voter suppression.

Kung hindi naaayon sa nasa taas na mga regulasyon ang video, may paraan pa rin para matanggal ang video, sa pamamagitan ng pagsusuri mga independent third-party fact checkers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

META ON DETECTING DEEPFAKES

May mga ginagawa rin ang Meta para mapalakas ang awtomatikong pag-detect ng deepfake.

Sa Deep Fake Detection Challenge ng Meta, nagtulung-tulong ang ilang mga organisasyon tulad ng Cornell Tech, MIT, WITNESS, Microsoft, the BBC, AWS at iba pa para palakasin ang research at tools tungkol sa deepfake.

Nakipag-partner din ang Meta sa Reuters. Naglabas ang dalawa ng libreng online training course para tulungan ang mga media organization sa buong mundo sa pag-detect ng deepfake videos.

POSITIVE USE OF DEEPFAKES

Kung maraming kasamaang hatid ang deepfake, bakit pa ito dine-develop ng ilang mga kompanya?

Ayon kay Imperial, meron namang mga positibong epekto ang deepfake videos.

Halimbawa nito ay ang paggawa ng mga educational video kung saan nagsasalita ang mga historical figure, tulad ni Martin Luther King.

Ginagamit din ng Hollywood ang deepfake sa paggawa ng pelikula.

Halimbawa nito ay ang paggamit sa teknolohiya ng deepfake para pabatain si Tom Hanks sa pelikulang Here, na idinidirek pa lang ngayon ni Robert Zemeckis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga nagbabalak ding gamitin ang deepfake para maisama muli sa mga pelikula ang mga pumanaw nang artista, tulad nina Marilyn Monroe at James Dean.

Kung susumahin, may mga maganda namang aplikasyon ang teknolohiya ng deepfake, kaya naman nararapat na magtulung-tulong ang gobyerno at ang tech community para i-regulate ito.

More hot stories on PEP.ph:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Artificial intelligence expert Joseph Marvin Imperial on importance of putting safeguards against deepfakes: “Almost 95-96% of deepfake videos online are pornographic and non-consensual. If you put yourself in the shoes of these victims, how would you react if one day you found your facial features from an image sourced layovered some porn video posted publicly?"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results