Mukhang inamin na ni James Reid na may namamagitan nga sa kanila ni Issa Pressman.
Sa kanyang Instagram Story bago maghatinggabi ng Biyernes, March 17, 2023, nagbigay ng pahayag ang Careless Music founder hinggil sa bashing na natatanggap nila ni Issa mula sa netizens.
Kasunod ito ng pagkalat ng holding hands photo nila ni Issa sa social media. Si Issa mismo ang nagbahagi nito sa kanyang Instagram account.
Maraming fans ng JaDine, ang love team ni James at ng ex-girlfriend na si Nadine Lustre, ang nag-aklas at binatikos ang aktor pati na si Issa.
Lumutang din ang lumang isyu noong January 2020 kung saan inakusahan ng netizens si Issa na third party sa hiwalayan nina James at Nadine.
Malapit na kaibigan nina James at Nadine ang nakatatandang kapatid ni Issa na si Yassi Pressman.
Read: James Reid at Nadine Lustre, break na
Ayon kay James, tsismis lang ang pag-uugnay sa kanila noon ni Issa.
Paglilinaw ni James sa kanyang post: “I’m only gonna say this once. The past rumors about Issa are just that, rumors.”
Ngunit sa pagkakataong ito, tila nahulog na talaga ang loob nila sa isa't isa.
Ayon pa sa actor-singer, kinailangan na niyang magsalita dahil panimula raw ito ng “something beautiful” sa buhay niya.
Hindi raw niya hahayaan ang sinuman na agawin ito sa kanya.
Ang kailangan lamang daw malaman mula sa kanya ay wala siyang kasing saya ngayon.
Mensahe ni James: “I usually NEVER address bashers or get involved in hate culture but I feel the need to speak up now because this is the start of something beautiful.
“And I’m not gonna let anyone take that from me.
“All you need to know from me is that I’m the happiest I’ve ever been [heart emoji’]”
Sa kanyang Twitter account, dinagdagan ni James ang huling pahayag niya ng “To my fans.”
Ibig sabihin, para sa kanyang mga tagahanga ang mensahe niyang ito.
Aniya: “To my fans, All you need to know from me is that I’m the happiest I’ve ever been [heart emoji’]”
THE HOLDING HANDS POST
Naging curious ang netizens kung may espesyal bang namamagitan kina James at Issa dahil sa post ng huli na magkahawak-kamay sila nang manood ng Harry Styles concert sa Philippine Arena noong March 14, 2023.
Sa post ni Issa, inihuli niya ang picture nila ni James sa collection of photos niya noong gabing iyon, pero hindi ito nakaligtas sa mapanuring netizens.
May solo photo rin si James na kuha ni Issa sa mismong concert venue.
View this post on Instagram
Sa hiwalay na Instagram post ni James, may ibinahagi siyang video nila ni Issa habang sinasabayan ang pagkanta ni Harry ng "Watermelon Sugar."
May kuha rin si James ni Issa na kita ang jampacked venue ng concert.
View this post on Instagram
Si Issa ay matagal nang kaibigan ni James at bahagi rin ng roster of talents ng Careless Music, ang record label at talent management company kunsaan co-owner si James.
Pero hindi maiwasang mabigyan ng kulay ang litrato nila.
JAMES REID AND ISSA PRESSMAN RUMOR IN 2020
Dahil sa post, naalala ng netizens ang isyu noong January 2020 na naugnay si James kay Issa.
Nag-viral noon ang video kunsaan sinasabing namataang naghalikan umano sina James at Issa habang kasamang puma-party ang kanilang barkada sa Boracay.
Nasa party ring iyon si Nadine, na girlfriend pa noon ni James. Ang insidente ay sinasabing naganap noong December 2019.
January 1, 2020, inulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang breakup nina James at Nadine.
Kinumpirma iyon nina James at Nadine sa kanilang joint statement noong January 20, 2020.
Sa ulat ng PEP.ph noong January 22, 2020, itinuro ng netizens si Issa na diumano'y third party sa hiwalayang James at Nadine.
Pero noong January 23, 2020, humupa rin ang isyu matapos humingi ng dispensa si James sa magkapatid na Issa at Yassi Pressman sa pagkakadawit ng mga ito sa isyu.
Read: James Reid, nag-apologize kina Yassi at Issa Pressman
Mariin ding pinabulaanan noon ni Issa ang bintang na siya ang dahilan ng breakup nina James at Nadine.
Read: Issa Pressman breaks silence on third-party allegation in James Reid-Nadine Lustre breakup