Naka-relate ang model-actor na si Juan Carlos Galano kay Albie Casiño sa naging experience nito sa isang Instagram follower na nag-alok sa kanya ng indecent proposal.
Sa isang Instagram Story noong February 21, 2023, ibinahagi ni Albie ang screenshot ng direct message sa kanya ng isang foreigner.
Malinaw na tinanggihan ni Albie ang offer kaya biglang ibinida ng foreigner ang mga bansang kanyang napuntahan na hindi raw maa-afford ng aktor.
Read: Albie Casiño calls out Instagram user for indecent proposal: “You wanna eat me that bad man?”
"Meron isang indecent proposal na parang ganun din kay Albie," sabi ni JC sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong March 13, 2023.
"Yung sa kanya naman, he got masculated, e, parang ininsulto pa siya ng kung sino man nasa likod ng profile na yun."
Ayon kay JC, may kakaibang indecent proposal na rin siyang natanggap mula sa isa niyang social media follower.
"Muscle worship" naman daw vang alok ng isang di kilalang maskuladong lalaki kay JC.
Kuwento nito, "Yung akin, it was kind of scary because the picture on the icon was a big guy, like a bodybuilder.
"Ang message niya, 'Bro, do you wanna be muscle worshipped?' [I was like], 'Ano yung muscle worship?'"
Nagtanong pa raw si JC sa kanyang mga kaibigan kung ano ang ibig sabihin nito. Nabigla siya nang malaman ang kahulugan ng nasabing termino.
"So I contacted my gay friends or friends in the LGBT community. Sabi ko, 'Pare, ano yung muscle worship?' As in, sabi ko hindi talaga ako aware dun sa term.
"Apparently, it’s ano ba... what they say is you stand in front of the patron and he services himself, in a way na he’s just worshiping you, you just stand in front of him.
"I don’t know, butt naked or wearing whatever he wants, ta's you get muscle worshipped, worshipping your muscle, ganun.
"Parang sabi ko, 'Ta*ngi*a. Nope.'
"As in, sobrang na-caught off guard ako."
Dagdag ni JC, "Ang weird, e, out of all the indecent proposals kasi, like usually what they would really say is, 'Bro, open ka ba for sponsorship? Puwede kabang sponsoran?' things like that."
RESPONDING TO INDECENT PROPOSALS
Hindi naman na bago ang indecent proposals kay JC.
Ayon sa ALV talent, hindi na lang niya pinapansin kadalasan ang mga ganitong klaseng mensahe na natatanggap niya sa kanyang social media accounts.
"I don’t really respond. As in, deadma lang mostly," aniya.
Ngunit inamin ni JC na may pinagtripan na rin siyang replayan na indecent proposal. Nakatanggap siya umano ng dinner invite at humingi siya ng malaking TF o talent fee.
Lahad niya, "Pero I did one time pinagtripan ko lang yung isang e-mail. Isang e-mail, kasi umabot na sa e-mail.
"Kasi may e-mail ako sa IG page ko, sabi ko, 'Okay.'
"Nung na-receive ko talaga yun, 'Okay, hindi na, hindi na, tatanggalin na natin ito.'
"Kaya ayun, ang na-receive ko dun sa email naman, parang inviting me for an intimate encounter, ganun.
"Sabi ko, 'Wow, professional' Parang sabi ko, 'Okay...'
"Pinagtripan ko lang na, 'Sorry, ang TF ko lang po for ano is dinner,' ganito-ganyan-ganyan.
"Ang ibinigay ko lang na TF is siyempre yung tipong he wouldn’t really go for. Kasi siyempre, dinner [lang tapos ganun kalaki kapalit].'"
NOT HOMOPHOBIC
"Very much aware" si JC na marami siyang tagahanga mula sa LGBTQ+ community. Ito'y dahil na rin sa mga underwear shoot niya sa isang kilalang clothing brand.
Nang tanungin kung ano ang reaksiyon niya rito, sagot ni JC, "Wala rin naman akong problema."
Ayon sa aktor, hindi niya ito masyadong pinagtutuunan ng pansin. At kung sakali, nakikisakay na lang din siya sa biro ng kanyang mga barkada.
Aniya, "Parang right now, ewan ko, I just feel oblivious to the fact na I do underwear shoots.
"Tapos kapagka tini-tease nila ako, inaasar nila ako... kinakantiyawan nila ako pagdating sa mga ads ko nga, 'Uy, Bench Body,' ganyan.
"'Baka puwede naman makahingi ng brief,' ganyan.
"Yan ang madalas na ano akin lagi, e, na biro lalo ng mga barkada ko."
Patuloy ni JC, "Ayun, sa akin parang wala naman masyadong ano... Parang, I guess, hindi ko alam kung okay nga ba yun, e, na, alam mo yun, wala akong masyadong...
"Hindi siya ginagawang... anything I'm dealing with, hindi ko siya ginagawang big deal. I guess that's what also keeps me grounded."
Ngunit panigurado raw na never siyang magiging homophobic.
Lalo't gaganap siyang kapareha ng theater actor na si Phi Palmos sa Zsazsa Zaturnnah The Musical ng Ateneo Blue Repertory.
Matinding pagtanggi ni Juan Carlos: "No way! Sobrang hindi [ako] homophobic lalo na I'm dealing with this piece. I mean, I'll be kissing my scene partner, si Phil Palmos."
Noong March 17, 2023 ang unang gabi ng nasabing musical na magtatagal hanggang April 2, 2023.
READ MORE: