Hindi napigilang maghayag ng saloobin ni Vice Ganda kaugnay ng mga batikos na natatanggap niya matapos bumili ng alagang aso.
Nagkakahalaga ng PHP380,000 ang five-month-old Pomeranian puppy na binili ng It’s Showtime host kasama ang partner niyang si Ion Perez.
Binilhan din ni Vice ng dog bed ang kanyang bagong alaga na nagkakahalaga ng PHP16,000.
Itinampok ni Vice ang pagbili ng bagong “baby” nila ni Ion sa vlog ng TV host-comedian na in-upload nitong March 15, 2023.
Pero ang pagbili ni Vice ng bagong alaga ay minasama ng ibang netizens.
VICE GANDA LECTURES NAYSAYERS
Nagsalita si Vice ukol sa pagpuna sa kanya ng netizens sa It’s Showtime episode nitong March 16.
Sa “Isip Bata” segment ng Kapamilya noontime show, tinukso si Vice ng kanyang co-hosts tulad nina Vhong Navarro at Kim Chiu tungkol sa napakamahal na alagang binili.
Dito na rin humirit si Vice tungkol sa natanggap na batikos dahil sa biniling tuta.
Sabi niya, “Alam mo nababasa ko yung mga comments. Bakit kayo nagdedesisyon sa buhay ng [iba]?
“Bakit daw bumili kami ng ganun kamahal [na aso]. Bakit daw hindi na lang nag-adopt.”
Hirit ni Vice sa kanyang kritiko: “Hindi lang ba puwedeng hayaan niyo kaming maging masaya? Hindi puwedeng choice namin? Di ba?”
Ayon sa TV host-comedian, suportado niya ang mga nais mag-adopt, pero dapat ay igalang din ang desisyon nilang bumili.
Mensahe niya: “Alam ko may mga dahilan kayo, pero may kanya-kanya naman tayong [desisyon]. Hindi puwedeng kami ang mag-decide? Di ba?
“Maganda yung mag-adopt talaga ng mga dogs, pero may masama ba na bumili kami ng dog? Wala, di ba?
“Kaya puwedeng kami ang mag-decide? Di ba? It’s our life, di ba?
“It’s our life, it’s our joy.
“Can’t you just be happy for our joy and for our lives? Di ba?”
Samantala, sa YouTube vlog ni Vice, makikitang nagulat din siya sa presyo ng aso.
Pabirong hirit pa ni Vice: “Three hundred eighty thousand, my God! Ilang gabi akong magpo-p*kp*ok para kitain ko ang PHP380,000.”
Sa kabila nito, kita naman ang tuwa nina Vice at Ion sa binili nilang tuta na bagong miyembro ng kanilang pamilya.