Kiray Celis on why she transferred to GMA-7 in 2018: “Wala na akong work.”

Kiray Celis on network transfer: "Magsisimula ulit ako from the start."
by Bernie V. Franco
Mar 19, 2023
Kiray Celis
Comedienne Kiray Celis transferred to GMA-7 in 2018 after 19 years in ABS-CBN.
PHOTO/S: @kiraycelis on Instagram

Inalala ni Kiray Celis kung bakit nagdesisyon siyang lumipat sa GMA Network noong 2018.

Si Kiray ay homegrown talent ng ABS-CBN. Naging Kapamilya siya for 19 years bago tumawid sa Kapuso network.

Read: Kiray Celis thanks GMA Network for new showbiz opportunities

Aniya, “Kasi na-feel ko na parang—actually ng parents ko—na wala na akong work.

“Akala ko nun busy ako kasi nga ang dami kong ginagawa. Yun pala, sa movie na lang ako. Wala na akong TV show.”

Nagkataon naman daw may inalok na offer mula sa Kapuso network.

Pagpapatuloy ni Kiray, “So, sabi ni Mama, merong in-offer sa amin yung GMA na show. Sabi niya, ‘Tara, lipat ka na rin.’

“Parang nag-aalangan ako kasi parang comfort zone ko na yung ABS, e, saka wala akong kilala sa GMA. Though may mga kaibigan ako taga-GMA.

“Pero paano? Parang bagong bahay, e. Parang magsisimula ulit ako from the start. Magiging zero ako ulit.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinaalala raw ng ina ni Kiray kung ano ang goal niya kaya siya nag-showbiz.

“Sabi niya, ‘Hindi naman na yun mahalaga sa yo, di ba, basta may pera lang tayo.’”

Sa simula pa lamang daw ay hindi ang pagsikat ang hinangad ni Kiray.

“Hindi ko pangarap sumikat. Gusto ko lang talaga makatulong sa family ko. Gusto ko, pera lang para sa pamilya ko.”

Naging prangka sa pagsasabi si Kiray na hindi siya naging mapili pagdating sa showbiz projects.

“So, kahit hindi ako bida, so kahit anong role, hindi ako namimili.

“Yung basa-basa ng script, ‘Babasahin ko muna bago ko tanggapin,’ hindi kami nagbabasa. Basta, go! Basta may work, ganun talaga, as in.”

Nagkuwento si Kiray sa Just In digital show ng Sparkle GMA Artist Center, hosted by Paolo Contis, nitong March 15, 2023.

kiray ON REMAINING GROUNDED

Ikinuwento rin ni Kiray na malaki ang pasasalamat niya na ginabayan siya ng mga magulang para hindi siya magbago tulad ng ibang artista.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Guided lang ako ng parents ko. Hindi ako magiging ganito kung hindi rin dahil talaga sa kanila,” aniya.

“Minsan iniisip ko, bakit nga ba may mga artista na nagbabago, di ba?

“Andami nating kilalang artista na noong una mabait, pero parang nung tumagal, ba't parang ganun na?“

Sinabi ni Kiray na kahit pagod siya, laging ipinapaalala ng kanyang mga magulang na maging mabait sa mga tagahanga.

Ani Kiray, “Laging binabalik ng parents ko kung gaano kaayos ang buhay namin sa dati, ‘Wag ka nang bumalik sa dati. Nandito na tayo. Wag mo nang hahayaang bumalik sa dati.’”

Ito raw ang laging iniisip ni Kiray para ayusin ang kanyang kilos bilang isang artista.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedienne Kiray Celis transferred to GMA-7 in 2018 after 19 years in ABS-CBN.
PHOTO/S: @kiraycelis on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results