May makahulugang tweet si Yassi Pressman kasunod ng pagiging “Instagram official” nina James Reid at Issa Pressman.
Si Issa ay nakababatang kapatid ni Yassi.
Wala mang direktang pag-amin, ipinost ni Issa ang holding hands photo nila ni James na kuha sa Harry Styles concert noong March 14, 2023.
Read: James Reid, Issa Pressman holding hands in photo; are they an item?
Nagkataon namang si Issa ay dati nang inakusahang third party sa breakup nina James at Nadine Lustre.
Nag-viral pa noon ang video na makikitang naghalikan sina James at Issa habang nakatalikod si Nadine sa isang party noong December 2019.
Pagdating ng January 1, 2020, inanunsiyo nina James at Nadine na break na sila.
Ang siste, sina Nadine at Yassi ay kilalang malapit na magkaibigan sa showbiz industry. Sa madaling sabi, sina Nadine, Yassi, Issa, at James ay magkakasama sa iisang circle of friends.
Lumalabas na pagtatanggol kina Issa at James ang tweet ni Yassi nitong Sabado, March 18.
Makahulugang tweet ni Yassi (published as is): “Just don’t agree with people making fake conspiracies only to hurt other people. lets stop being only opinionated, but try harder to be educated with facts.
“‘cause if the words you threw around were tattooed on you, would you walk around proud samesame #thinkbeforeyouclick”
[twitter:
just don’t agree with people making fake conspiracies only to hurt other people.
— Yassi Pressman (@Yassizzle) March 18, 2023
lets stop being only opinionated,
but try harder to be educated with facts.
‘cause if the words you threw around were tattooed on you, would you walk around proud ????????
samesame #thinkbeforeyouclick
]
May related IG post si Yassi kaugnay ng kanyang tweet.
Bahagi ng kanyang IG post: "smiling cause you don’t know anything about our personal relationships
kung maka-judge!!"
Malinaw na sinusuportahan ni Yassi ang statement na ipinost ni James via Instagram Story nitong March 17, Biyernes.
Mariing itinanggi ni James na may katotohanan ang bintang na third party si Issa sa breakup nila ni Nadine.
Mahihinuna rin sa mensahe ni James na may espesyal nang namamagitan sa kanila ni Issa.
Subalit tumanggap ng maraming negatibong feedback ang tweet ni Yassi, tulad ng pagkastigo kay Issa na idinate daw nito ang ex-boyfriend ng kaibigang si Nadine.
NADINE LUSTRE SEEN PARTYING
Samantala, trending din si Nadine ngayong Linggo, March 19, kaugnay pa rin ng isyu.
Kumakalat ngayon sa social media ang videos ni Nadine na kuha sa isang event sa Bonifacio Global City, Taguig, noong Biyernes.
Sa isang video ay makikita si Nadine na hinila at ipinuwesto sa gitna ng dancers at sumayaw ito.
May videos ding makikitang masayang nagsasayaw si Nadine sa event, umiinom, at nagpa-party kasama ang mga kaibigan.
Komento ng kanyang supporters na she is having the best time of her life sa kabila ng isyu kaugnay ng dating boyfriend na si James at ng kaibigang si Issa.