Sa isang pambihirang pagkakataon, nagkasama ang dating magkasintahan na sina Heart Evangelista at Jericho Rosales.
Nangyari ito sa private reunion ng dating "Star Magic babies" kasama sina Piolo Pascual, Bea Alonzo, Maja Salvador, at Diether Ocampo.
Present sa okasyon si Johnny Manahan, o mas kilala bilang Mr. M, pati na si Mariole Alberto.
Si Mr. M ay co-founder at head ng Star Magic mula 1992 hanggang 2007. Nanatili siyang chairman emeritus ng Star Magic mula 2007 hanggang October 2020.
Si Mariole ay head ng Star Magic mula 2007 hanggang sa magretiro siya noong December 2020.
Pareho nang nasa Sparkle GMA Artist Center, ang talent management arm ng GMA-7, sina Mr. M at Mariole.
Ngayong Biyernes, March 29, 2023, ipinost ni Heart ang ilang litrato na kuha mula sa kanilang get-together.
Sabi ni Heart sa caption ng kanyang post: "Growing up together was fun … seeing where life has taken all of us is pretty cool."
Sa hiwalay na Instagram post ni Maja, kasama rin sa reunion ang isa pang dating Star Magic baby na si John Lloyd Cruz.
Kasama rin nila ang Cornerstone artist na si Kyle Echarri.
"Our stars collided last night… It was magical," saad ni Maja sa caption ng kanyang post.
Sang-ayon ni Heart, "It was a dream."
Si John Lloyd ay dati ring naka-date ni Heart ng ilang buwan, bago niya naging nobyo si Jericho noong 2005.
MORE HOT STORIES ON PEP.PH
- Marco Gumabao, Cristine Reyes spotted holding hands in Makati
- Kira Balinger on Kelvin Miranda's ex-girlfriend accusing her as third party: "Hindi ako kabit."
- Ted Failon on death threats: "Kung papatayin ka nila, papatayin ka nila."
- Sam Milby and Catriona Gray love story: A timeline
- A lookback: The women John Lloyd Cruz loved before