Malaya Lewandowski denies she is another Gabby Concepcion daughter

by Rommel R. Llanes
Apr 24, 2008
Malaya Lewandowski already won the Miss California Teen U.S.A., Miss Teen Filipina, at Miss Fiesta Filipina titles before she decided to try her luck as an actress in showbiz here. She denies she is a daughter of comebacking actor Gabby Concepcion.

May rumor na lumabas noon na anak ng comebacking actor na si Gabby Concepcion ang ABS-CBN Star Magic talent at member ng Koolchx na si Malaya Lewandowski. Pero mariin itong pinabulaanan ni Malaya sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kanina, sa birthday presscon na ibinigay ng ABS-CBN Star Magic sa mga talent nila na nagsi-celebrate ng kaarawan ng Abril.

Sabi ni Malaya, "Of couse not! I've been here for three years. Yeah, being in showbiz is hard, there are many other talented individuals who want to make it big here. But for me, if I'm gonna make it here, it won't be because I used his [Gabby] name.

Sa tingin niya paano ba nagsimula ang tsismis na anak siya ni Gabby?

"I think, it stared because: one, I knew him in the states, two, I'm in showbiz now, and three, I'm close to the age of KC [Concepcion]. So, of course there's bound to be some kind of talk. But no, I'm not a daughter of Gabby," pagdidiin pa ni Malaya.

Continue reading below ↓

Nang lumabas daw ang isyu na anak ni Gabby si Malaya ay naapektuhan daw talaga siya.

"I was super-affected. Because like I said, if I wanna make it in my career here, I wanted it to be because I have some kind of talent, and not because I am associated with whoever."

DA WHO? Sa mga 'di pa nakakaalam (at para wala diyang "Da who?" na mga komento), si Malaya ay girlfriend ng aktor na si Rafael Rosell. Pambato ang half-Pinay, half-Polish na ito ng Star Magic pagdating sa kantahan at sayawan. Biggest break niya ang maging MYX VJ sa North America kung saan may dalawang segments siya ang "OMG" at "Bang!." Bibigyan pa uli siya ng dalawa pang segments ng MYX. Nanalo na rin siya ng ilang beauty contests abroad, at ilan dito ay ang Miss California Teen U.S.A., Miss Teen Filipina, at Miss Fiesta Filipina.

Regular na napapanood si Malaya sa Wowowee at ASAP ‘08, kasama ang grupo niyang Koolchx.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Gabby Concepcion
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Malaya Lewandowski already won the Miss California Teen U.S.A., Miss Teen Filipina, at Miss Fiesta Filipina titles before she decided to try her luck as an actress in showbiz here. She denies she is a daughter of comebacking actor Gabby Concepcion.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results