Aside from being a talent, nag-intern din si Bianca King sa GMA Films late last year. Sa mga hindi pa nakakaalam, Bianca has been attending school sa kabila ng kanyang pagiging talent sa GMA-7. This year, she is an incoming junior majoring in filmmaking sa La Salle-College of Saint Benilde.
"I helped with brainstorming," deskripsyon ni Bianca about her internship in GMA Films nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Dyesebel na ginanap sa Sofitel Philippine Plaza noong Lunes, April 21. Bianca plays Betty, isang modelo na fiancée ni Fredo (Dingdong Dantes).
Si Betty ang siyang magpapahirap ng buhay ni Dyesebel (Marian Rivera) sa lupa. Tinanong ng PEP kung ano ba ang mga sample ng pagpapahirap na gagawin niya kay Dyesebel. Wala pa raw siyang idea, dahil magsisimula pa lang daw siyang mag-taping for her role, although may script na siyang binabasa for her scenes.
WANTS TO WORK BEHIND THE SCENES. Sa aming pag-uusap, ipinahayag ni Bianca ang interes niya na magtrabaho behind the scenes either as a scriptwriter, producer or creative consultant someday. Pero bakit sa mga trabahong ito siya interesado at hindi sa directing na mas malapit sa ginagawa na niya, which is acting?
"Marami na kasing gustong mag-direct, e. ‘Tsaka directing kasi is more technical. Ang producing is more on creative lang talaga. Parang you just formulate the idea, and you have to assign it na to people, like you choose your director, you choose your cast, you choose your location, and you make your budget...
"Directing, gusto ko rin gawin yun, eventually. Gusto rin mag-experiment ‘pag nag-direct na ‘ko. But for now, I'm more interested in producing."
Recently nga ay in-invite siya ng GMA Films to view the raw footage of Ariel and Maverick's upcoming movie.
"I was invited to view the movie and give my creative inputs," aniya about the GMA Films invitation. Ito na kaya ang screening sa kanya ng Network for a possible job position aside from being their actress?
"I hope so, I hope so. Ito yung dream ko talaga. To be a producer and scriptwriter or creative consultant. So, sana..."
Bianca says she learns a lot from the GMA Films people, especially sa kinokonsidera niyang mentor na si Miss Annette Gozon-Abrogar, ang GMA Films president.
"Kasi alam niyang nag-aaral ako since last year pa, alam niya yung mga dreams ko, so that's why she always invite me. Siya rin kasi yung nakakasama ko lagi.
But given a chance, gusto niya ring maranasan o kahit makita man lang ang klase ng pagtatrabaho naman sa broadcasting field ng GMA-7.
"Sana I'll also be given the opportunity to at least observe kung paano magtrabaho ang GMA Network. I'll also like to see first hand how they work."
LOYALTY FIRST. Unang lumabas sa Click! ng GMA-7 si Bianca noong 1999, and she has been working with the Network ever since, kahit na sandaling nag-ober da bakod sa Dos at muling nagbalik sa Siyete. Sa tagal na rin niya sa Kapuso network, hindi ba siya naghahangad na siya naman ang magbida sa isang TV show?
"Oo naman. Siyempre that's always in the back of my head, but hindi yun ang iniisip ko palagi ngayon. Kasi kung yun ang nasa isip ko na nagmamadali akong magbida, before pa ‘ko lumipat ng ABS[CBN]. Although ngayon kasi, mas nananaig ang loyalty ko sa GMA. ‘Tsaka yung ano...taking my time, because I'm still in school. So there's no rush."
Sinabi rin ni Bianca ang dahilan kung bakit nananatili pa rin siyang Kapuso kahit na nakatikim na siyang maging Kapamilya (kahit sandali lang) noon.
"I am definitely more comfortable working with the people in GMA. Not only the actors, but the staff talaga. Especially yung mga producers namin dito. Para na namin silang surrogate mothers and fathers dito."
DYESEBEL AND CHAMP. Back to Dyesebel, may nabanggit na ba sa kanyang planong magkaroon din ng eksena sa ilalim ng dagat with Dyesebel like, makipag-away o makipagsabunutan with Marian?
"Wala pa naman pong plano. Pero eksena underwater, sana meron. I'd love to experience shooting underwater. Kasi I'm an advanced open-water diver, ‘di ba? So talagang water baby ako. I'm looking forward to that. Sana mangyari."
Sa personal life naman niya, kinumusta rin ng PEP ang lagay ng relationship nila ng Hale lead singer na si Champ Lui Pio.
"Same as before," natatawang sagot ni Bianca, referring to her past statements na wala naman silang inaamin na "item" nga sila ng Hale frontman.