Usap-usapan ngayon sa Philippine Twitter ang hit teleserye ng GMA-7 na Maria Clara at Ibarra kasabay ng premiere nito sa giant streaming platform na Netflix.
Simula nitong Biyernes, April 14, 2023, maaari nang mapanood ang 52 episodes ng serye.
Read: GMA-7 exec Cheryl Ching-Sy retraces how Maria Clara at Ibarra was born
Noong March 9, 2023, unang inanunsyo ng GMA ang pagpapalabas ng top-rating Kapuso prime-time series sa Netflix matapos itong tangkilikin ng maraming Pilipino.
Makailang beses na rin itong nag-trending sa Twitter simula nang umere ito sa Kapuso Network noong October 3, 2022 hanggang February 24, 2023.
Read: GMA-7's hit teleserye Maria Clara at Ibarra to stream on Netflix in April
NETIZENS' REACTions
Sa unang araw ng pagpapalabas ng Maria Clara at Ibarra sa Netflix, agad ipinakita ng fans ang suporta nila sa serye.
Sa kasalukuyan, nasa top trending topic ang #MariaClaraAtIbarraOnNetflix.
Umani ito ng iba't ibang reaksiyon mula sa netizens na naghihintay sa muli nitong pagpapalabas matapos itong magwakas noong February 24, 2023.
Tweet ng isang netizen, "I can't fully express how excited and proud i am that this show is finally on netflix. mahal na mahal ko talaga ang Maria Clara at Ibarra."
Saad pa ng isa, "Finally! The episodes are out! Our MCI hearts are overwhelmed with joy right now!"
"Yun oh! Real talk lang, MCAI really deserves to be seen internationally.
"This is historic for Philippine television to produce this kind of series.
"Everything in MCAI is worth praising! Hopefully they'll gain international audience soon, Netflix [pray sign emoji]," excited na tweet ng isa pang fan.
Sang-ayon ng isa pang netizen, “Time to rewatch this historical drama of the year!”
STORY OF MARIA CLARA AT IBARRA
Ang Maria Clara at Ibarra ay kuwento ng paglalakbay ni Klay (Barbie Forteza) sa mundo ng mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo, na akda ng Pambansang Bayani na si Dr. Jose P. Rizal.
Si Klay ay isang Gen Z at Nursing student na ayaw na ayaw ang kanyang Jose Rizal subject sa eskuwelahan.
Gustung-gusto niyang lisanin ang Pilipinas upang magtrabaho sa ibang bansa, ngunit magigising na lamang siya isang araw na nasa mundo na siya ng Noli Me Tangere.
Dahil dito, matututunan niya kung paano mahalin ang sariling bansa at malalaman ang mga karanasang pinagdaanan ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila na siyang nakasaad sa nobela ni Gat Jose Rizal.
Read: Team behind Maria Clara at Ibarra reveals who stands out best among impressive cast
Bukod kay Barbie, ang mga natatanging pagganap nina David Licauco (Fidel), Julie Anne San Jose (Maria Clara), Dennis Trillo (Crisostomo Ibarra/Simoun), Juancho Trivino (Padre Salvi), Tirso Cruz III ( Padre Damaso), at Andrea Torres (Sisa) ay minahal din ng mga manonood.
Read: Pag-arte ni Barbie Forteza sa Maria Clara at Ibarra, worthy of acting nominations
Read: David Licauco almost quit showbiz before Maria Clara at Ibarra
READ MORE: