Daughter of William Martinez and Yayo Aguila files complaint against Baron Geisler

by Erwin Santiago
Apr 28, 2008
Young actor Baron Geisler is in trouble again. The 21-year-old daughter of celebrity couple William Martinez (inset, bottom) and Yayo Aguila (inset, top) filed a complaint against Baron for acts of lasciviousness.

Nagsampa ng reklamo ang mag-asawang William Martinez at Yayo Aguila at ang kanilang 21-anyos na anak na dalaga laban sa young actor na si Baron Geisler for "acts of lasciviousness."

Ayon sa report ng GMA News, nagpunta ang pamilya Martinez sa tanggapan ni Superintendent Sotera Macatangay sa PNP Women and Children's Desk sa Camp Crame, Quezon City, upang isampa ang reklamo laban kay Baron.

Sa isang panayam ng dzBB kay William, sinabi ng aktor na hinawakan diumano ni Baron ang dibdib ng kanyang anak at niyaya itong "makipag-sex" sa kanya. Ayon kay William, nasa isang bar daw sa Quezon City ang kanyang anak, kasama ng mga kaibigan nito, nang mangyari ang insidente. Lasing daw si Baron noong mga oras na ‘yon.

Nilinaw ni William na ang kanyang anak mismo ang gustong magsampa ng reklamo laban kay Baron.

Ayon kay William, "Ilang araw na umiiyak ang anak ko. Na-trauma siya. Ang anak ko mismo ang gustong lumaban.

Continue reading below ↓

"Sinabihan ko na siya [Baron]. When he is drunk, ginagawa niya lagi 'yan. Kaibigan siya ng asawa ko, kaibigan ko siya. This is the only way for him to learn his lesson. Not just him but the other men who do things like this."

Nagkasama si Baron at ang misis ni William na si Yayo Aguila nang pareho silang maging housemates sa second edition ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition.

At press time ay wala pang pahayag ang kampo ni Baron tungkol sa naturang isyu.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Young actor Baron Geisler is in trouble again. The 21-year-old daughter of celebrity couple William Martinez (inset, bottom) and Yayo Aguila (inset, top) filed a complaint against Baron for acts of lasciviousness.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results