Bea Alonzo on rekindled friendship with Heart Evangelista: “Ngayon lagi na kaming magkasama."

Bea on renewed friendship with Heart: "Ang dami naming plano."
by Bernie V. Franco
Apr 27, 2023
Heart Evangelista and Bea Alonzo
Bea Alonzo: “It’s just so nice to rekindle friendships with the people I grew up with, especially si Heart na ngayon lagi na kaming magkasama."
PHOTO/S: @beaalonzo on Instagram

Nagkasundo raw sina Bea Alonzo at Heart Evangelista na palalimin ang kanilang pagkakaibigan at mag-bonding sila nang madalas.

Homegrown ABS-CBN talents sina Bea at Heart, at ngayon ay parehong nasa bakuran ng GMA-7.

Lumipat sa GMA si Heart noong 2008, habang naging official Kapuso si Bea noong 2021.

Nagkuwento si Bea tungkol sa muling pagkikita nila ni Heart at iba pa nilang dating kasamahan sa Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, sa isang mini-reunion noong katapusan ng Marso 2023.

Nasundan agad ang pagkikita nina Bea at Heart matapos ang mini-reunion. Nagkasundo ang dalawang aktres na magkita papunta sa beauty clinic na pareho nilang iniendorso.

“Nung pupunta na ako ng Aivee [Clinic], nalaman ni Heart na papunta na ako. So, sabi niya magsabay na kami. Because we promised each other na lagi na kaming magsasabay sa Aivee…” kuwento ni Bea sa kanyang YouTube vlog noong April 22, 2023.

Nang matapos sa kanilang beauty treatment, inimbita ni Heart sa kanyang bahay si Bea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Bea, “Nag-decide kami pumunta sa bahay ni Heart after. Tapos nagluto ng masarap na steak si Chiz [Escudero] and we just had fun last night with her glam team.”

Ganito inilarawan ni Bea si Heart: “Parang familiar siya, but at the same time, she’s like a new person in my life.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mas nakilala raw ni Bea si Heart kahit na matagal na silang magkakilala sa bakuran ng ABS-CBN.

Sabi niya, “I was able to get to know her more. The things that I didn’t know about her before. We became friends again. So, it was just really beautiful.”

Nag-usap na rin daw sila ng kanilang future plans tulad ng travels abroad.

“Ang dami na naming plano… na pupunta ako sa apartment niya sa Paris. Siya naman, pupunta sa apartment ko sa Madrid…

“Wow, ang sososyal! Ang lakas maka-social climber nun!” natatawang hirit ni Bea.

Dagdag pa niya, “So, yun yung mga plano namin.”

REUNION WITH FORMER STAR MAGIC STARS

Pinag-usapan ang nangyaring mini-reunion nina Heart at Bea at iba pang former Star Magic talents.

Nangyari ito sa apartment ni Johnny “Mr. M” Manahan, co-founder ng ABS-CBN talent management arm.

Naroon din sina Piolo Pascual, Jericho Rosales, Diether Ocampo, Maja Salvador, at John Lloyd Cruz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Heart Evangelista posts reunion with ex-boyfriend Jericho Rosales, other Mr. M babies

Lahad ni Bea, “Andaming nangyari nung gabi. Sobrang saya.

"Hindi ko in-expect na malalasing ako. It turned out parang ako yung [nag-] birthday party kasi ako yung pinaka nag-enjoy.

“It’s just so nice to rekindle friendships with the people I grew up with, especially si Heart na ngayon lagi na kaming magkasama.

“And I was really happy to see Piolo, sina Mr. M and everyone else, including si John Lloyd, sina Maja, sina Diet [Diether] na sobarang tagal ko nang hindi nakikita.

“So, parang it was as if para siyang college reunion or high school reunion…

“Parang ang sarap pag kasama mo pala yung mga taong lumaki ka, parang nabi-break down yung walls mo.

“And you just tend to just enjoy and be ourselves, and not worry about what other people would say about you.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo: “It’s just so nice to rekindle friendships with the people I grew up with, especially si Heart na ngayon lagi na kaming magkasama."
PHOTO/S: @beaalonzo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results