Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

"Ploning" graded "A" by Cinema Evaluation Board

by Nitz Miralles
Apr 29, 2008
Judy Ann Santos is surely esctatic about the news that her latest film, Ploning, was given an "A" rating by the Cinema Evaluation Board.

Nakatanggap ng tawag ang PEP (Philippine Entertainment Portal) at ibinalitang graded "A" ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang Ploning ni Judy Ann Santos. Siyempre pa, masayang-masaya ang aktres, hindi lang para sa kanya kundi para rin sa kanyang direktor at best friend na si Dante Garcia.

Pang-apat na pelikula na ni Judy Ann ang Ploning na nabigyan ng "A" ng CEB. Nauna nang nakakuha ng "A" ang mga pelikula niyang Kasal, Kasali, Kasalo (KKK); Ouija; at Sakal, Sakali, Saklolo (SSS).

"Masaya at feeling blessed si Juday dahil simula sa KKK, Ouija, SSK up to Ploning, Rated A siya. Lahat din ng mga naunang films ay kumita at cited siya. Wagi ang babae!" reaction ng isang malapit kay Judy Ann.

Siguradong nawala ang lahat ang kaba at pagod ni Judy Ann sa magandang balitang ito. Box-office returns na lang ang kanyang hihintayin at mga kasamang nag-produce ng Ploning, na magbubukas na tomorrow, April 30. Inaasahang maganda ang laban nito sa takilya.

Continue reading below ↓

Dahil graded "A," makakakuha ng 100 percent amusement tax exemption ang Ploning.

Last Sunday, April 26, kahit pagod mula sa promo sa SOP, contract signing sa Regal Entertainment, guesting at promo for Pantene sa The Buzz, dumiretso pa si Judy Ann sa SM Bacoor para mag-promote ng Ploning.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Suwerte rin si Direk Dante dahil first movie pa lang niya ay Rated "A" agad ang nakuha. Pressure lang ito sa kanya dahil kailangang kasing-ganda o mas maganda pa ang susunod na ididirehe niyang pelikula, na isang comedy naman at si Judy Ann pa rin ang bida.

Ang iba pang newbie director na nabigyan ng grade "A" ang mga unang pelikula'y sina Mike Tuviera for TXT, Adolf Alix, Jr. for Donsol, at Topel Lee for Ouija.

Read Next
Read More Stories About
Judy Ann Santos
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Judy Ann Santos is surely esctatic about the news that her latest film, Ploning, was given an "A" rating by the Cinema Evaluation Board.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results