Gabby Concepcion dismisses talks his comeback was prompted by real-estate slump in U.S.

by Julie E. Bonifacio
Apr 30, 2008
"In general, ang real estate, bagsak. Pero hindi naman lahat ng agent ay naghihirap. Kasi ako, marami rin akong nabebenta. Ang mga hawak ko ay yung foreclosure. Yun ang binibili ng investors," explains Gabby Concepcion about the status of real estate in the U.S.


Despite just a few hours of sleep, mukhang fresh pa rin at hindi haggard ang hitsura ni Gabby Concepcion nang datnan siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Maalaala Mo Kaya (MMK) last Monday, April 28, sa isang bahay sa Antipolo City.

Ito ang unang acting appearance ni Gabby sa telebisyon after 13 years na pamamalagi sa Amerika at pangalawang beses na paglabas sa MMK. Ang unang paglabas ni Gabby ay para sa episode na pinamagatang "Sinturon" with Fanny Serrano noong early ‘90s.

Nanibago raw si Gabby sa schedule niya pagdating sa trabaho.

"E, siyempre, nakakatulog din ako sa kotse. Panakaw-nakaw kaya sumakit yung likod ko kasi ngayon lang ako nabugbog nang husto, e. Dahil sa trabaho ko dati, paggising ko ng alas-nuwebe at pagdating ng alas-singko, uwi ka na. Or sarili mo ang oras mo. Kung ayaw mong pumasok, huwag kang pumasok," lahad ni Gabby, na nagtrabho bilang real-estate agent sa San Francisco bago siya bumalik ng Pilipinas.

Continue reading below ↓

U.S. REAL ESTATE. Totoo ba na kumikita siya ng komisyon sa real estate ng P500,000 per deal?

"Mahigit," paglilinaw ni Gabby. "Kasi kikita ka ng ano, 60 to 70 thousand dollars, ganun. So depende, e. Tapos ang pasok niyan, parang meron kang pipeline, e. Halimbawa, meron kang na-close in two days, hindi mo pa makukukuha yun until 30 days from now."

Kaya hindi raw bumalik ng Pilipinas si Gabby nang mahirap. In fact, dalawa ang mamahaling kotse ngayon ng aktor—isang Porsche Cayman at isang Mercedes Benz.

"Ang mahirap lang bumalik dito yung emosyon. Yun lang ang mahirap sa akin. Pero mayaman ako sa kaibigan," ngiti ni Gabby.

May intriga rin na kaya siya bumalik ng Pilipinas ay dahil bagsak ang real-estate business sa U.S. Ano ang masasabi niya rito?

"In general, ang real estate, bagsak. Pero hindi naman lahat ng agent ay naghihirap," paglilinaw niya. "Kasi ako, marami rin akong nabebenta. Ang mga hawak ko ay yung foreclosure. Yun ang binibili ng investors. Kasi maraming klase ang real estate. May commercial, may residential...iba-ibang specialty. Depende kung saan ka nag-i-specializ. Meron area-area, merong mga region, merong mga cities.

Continue reading below ↓

"Ako, wala akong problema. In fact, pag-alis ko, meron akong na-close na hindi ko pa nakukuha ang mga tseke ko kasi may pipeline. So meron akong tsekeng papasok kaya wala akong problema," lahad ni Gabby.

MOVIE WITH GMA FILMS. Lumabas din ang balita na nakipag-usap na si Gabby sa GMA Films kaugnay ng pelikulang natanguan niyang gawin bago pa man siya bumalik ng Pilipinas.

"Yeah, okey na yun," pagkumpirma niya. "Nag-uusap-usap na. I hope magkaroon na ng desisyon. Wala pang desisyon kung kailan magsu-shooting."

Ano ang nangyari sa meeting?

"Okey, okey yung meeting," sambit niya. "Hihintayin na lang natin ang desisyon. Ako lang ang nakipag-usap sa kanila kasi ako naman ang kausap nila, e. Wala si Mommy Rose [Flaminiano, his manager] doon.

"Hinihintay ko lang ang desisyon. Kasi, ewan ko nga kung kailangan nating pag-usapan dahil baka hindi pa panahon, e. Sabihin ko sa inyo ‘pag okey na para tuluy-tuloy na."

Continue reading below ↓

Sa ngayon ay gumagawa pa rin daw ng script ang creative team ng GMA Films na aangkop ang role kay Gabby.

"Kasi nga sa script kami nagka-diperensiya," pag-amin ni Gabby. "Siyempre, what makes a good movie is the script. Kasi kung minsan ang artista, hindi naman kailangan ng big caliber pero hit din. On the other hand, maski malaki yung kalibre nung artista pero hindi maganda yung script, wala rin. Nagsa-suffer din. Kaya kailangan balanse lahat.

"Tsaka timing din ‘yan, e, hindi mo masasabi. Like, yung elements of nature. Baka umulan, baka magkabagyo, hindi natin alam lahat yan, e," sabi ni Gabby.

Ibinalita ng PEP kahapon na si Iza Calzado na ang makakapareha ni Gabby sa pelikulang gagawin niya sa GMA Films na ididirek ni Jose Javier Reyes

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"In general, ang real estate, bagsak. Pero hindi naman lahat ng agent ay naghihirap. Kasi ako, marami rin akong nabebenta. Ang mga hawak ko ay yung foreclosure. Yun ang binibili ng investors," explains Gabby Concepcion about the status of real estate in the U.S.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results