Dennis Trillo would rather focus on his showbiz career than his love life

by Archie de Calma
Apr 30, 2008
"Kung magkakaproblema uli ako dahil sa love life, I can't afford that at this time. Kaya sa maniwala kayo't hindi, hindi ko pinagbubuhusan ng atensiyon ang love sa ngayon," says Dennis Trillo.

Nanibago kami sa porma ni Dennis Trillo nang dalawin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang set ng Magdusa Ka sa Marinara, isang girlie bar sa Quezon Avenue. Very rugged at medyo marumi kasi ang hitsura niya, pero ganito kasi ang hinihingi ng character na ginagampanan niya sa bagong Sine Serye ng GMA-7 na magiging bahagi ng Dramarama sa Hapon.

Gagampanan ni Dennis sa Magdusa Ka ang role na unang ginampanan ni Christopher de Leon sa pelikula. Pagbibidahan ito ni Katrina Halili na siya namang gaganap sa role dati ni Dina Bonnevie.

"Gusto kong suportahan si Katrina sa pagbibida niya," sabi ni Dennis. "Nandodoon kasi ang challenge. Nakilala sa pagiging kontrabida si Katrina, at kailangan ng matinding suporta ngayong siya naman ang pagkakatiwalaang maging heroine sa istorya."

CRISTINE REYES. Hiningan rin namin ang reaction si Dennis sa posibilidad na ang nilulutong teleseryeng tatampukan ng rumored girlfriend niyang si Cristine Reyes sa ABS-CBN—ang Eva Fonda, 16—ay baka makatapat ng kanilang Magdusa Ka.

Continue reading below ↓

"E, di maganda!" bulalas ng young actor. "Labanan ito ng naggagandahan at nagseseksihang FHM cover girls, di ba? Sa Magdusa Ka, kasama rin namin ni Katrina si Iwa Moto, at talagang paseksihan ang labanan."

Si Iwa ang pumalit kay Cristine na first choice sana sa role na unang ginampanan ni Pinky Amador sa pelikula. Ngayon ay nasa bakuran na ng Kapamilya network si Cristine.

"Sa amin ni Cristine, wala kaming nakikitang conflict sa ganyan," ani Dennis. "Trabaho lang kasi 'yan, e. Nagkataon lang na nasa magkalabang networks na kami. At saka walang epekto sa pagiging magkaibigan namin 'yon.

"Yeah, we go out," pag-amin ng matinee idol. "Nakikita naman ng mga tao yun, pero hindi naman palagi, 'cause we are both busy. This time, magkahiwalay na nga kami ng network kaya mas mahirap."

Sa kabila ng madalas na paglabas nila ni Cristine ay bakit tila patuloy pa rin si Dennis sa pagde-deny ng totoong relasyon nila?

Continue reading below ↓

"Hindi naman sa ganoon," depensa ni Dennis. "Kailangan ko lang talagang sabihin ang totoo, na lumalabas kami, kasi friends kami. Wala akong nakikitang masama doon. I always believe na single pa rin naman siya. At saka magkaibigan lang kami ni Cristine. Gaya sa pakikipag-close niya sa ibang guys, wala akong nakikitang masama doon.

"At saka alam ni Cristine na nakatutok ako sa career ko. Yung controversies before, kahit paano, let's face it, nakaapekto sa akin. Kaya this time, yaman din lang na natanggap ng public 'yan, mas mabuting ang pagtuunan ko ng pansin ay ang career ko.

"Kung magkakaproblema uli ako dahil sa love life, I can't afford that at this time. Kaya sa maniwala kayo't hindi, hindi ko pinagbubuhusan ng atensiyon ang love sa ngayon," pagtatapat ni Dennis.

CARLENE & CALIX. Ano naman ang masasabi ni Dennis sa madalas na pagpapa-interview ng kanyang dating girlfriend na si Carlene Aguilar at isinasama pa ang anak nila na si Calix Andreas?

Continue reading below ↓

"That's just okay, lalo na kung ang topic naman ay motherhood at hindi yung mga tsismis lang," saad ni Dennis. "Carlene and I are okay. Nakakadalaw ako regularly sa bata. Kung anuman talaga yung sa amin, tungkol na lang sa baby.

"Alam naman ni Carlene na wala ring kapupuntahan kung iniintriga kami ng ganoon. Mas mabuti talagang kami na lang ang nag-uusap at may nasu-solve pa kami kung anuman ang problema.

"I don't think na magkakaroon pa ng gusot sa amin ni Carlene. Basta alam naman niyang kung makakaya ko, susuportahan ko yung baby namin. Nagkausap na kaming mabuti diyan at alam na niya ang stand ko," paliwanag ng binatang ama.

RUFA MAE QUINTO. Tungkol naman sa shooting nila ng dati rin niyang nakarelasyon na si Rufa Mae Quinto for GMA Films' I.T.A.L.Y. (I Trust and Love You), totoo bang sabay silang nag-shopping nang magkaroon sila ng pagkakataong makapamasyal sa Africa?

Continue reading below ↓

"Kailangan kasi naming bumaba sa Tunisia for the outdoor shoot," paliwanag ni Dennis. "It's not true na talagang nagsabay pa kami para lang mag-shopping, and to have time together. Nagkataon lang na nakalapag kami, at nang bumili lang ako ng some stuffs, nakita ko rin siya. Ganoon lang yun, wala yun."

Hindi kaya ikagalit ni Cristine ang kuwentong nagkasarilinan sina Dennis at Rufa Mae sa shooting ng I.T.A.L.Y.?

"Wala naman siyang dapat ikagalit. Ang sa akin lang, huwag nang lagyan ng malice yung sa amin ni P-chi [palayaw ni Rufa Mae]. Nagkatrabaho lang kami, nagkasama ng ilang araw sa cruise, pero part lang talaga ng trabaho," pagwawakas ni Dennis.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kung magkakaproblema uli ako dahil sa love life, I can't afford that at this time. Kaya sa maniwala kayo't hindi, hindi ko pinagbubuhusan ng atensiyon ang love sa ngayon," says Dennis Trillo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results