KC Concepcion encourages her dad to think positively in the midst of "crab mentality"

by Rose Garcia
Apr 30, 2008
Asked if she can convince her mom Sharon Cuneta to do a movie with her dad Gabby Concepcion, KC Concepcion replied, "Parang isang malaking responsibilidad po yun! Isang malaki at bonggang-bonggang responsibilidad. Hindi ko alam kung kaya kong gawin." But she still hopes it will happen in the future.

Hindi maikakaila na maganda ang samahan at hindi nawawala ang communication ng mag-amang Gabby Concepcion at KC Concepcion, lalo na nang bumalik na sa bansa ang actor.

Sa naganap na contract signing kasi ni KC kaninang umaga, April 30, para sa paggawa niya ng three pictures sa Star Cinema, hindi maiwasang hindi maitanong kay KC ang mga bagay tungkol sa kanyang papa. Lalo pa nga't ngayong araw na ito, April 30, ang arraignment ng kaso ni Gabby.

Ayon kay KC, aware nga raw siya rito. "Actually, alam ko naman po nang bumalik siya rito with strength. Pinaghandaan niya rin. I'm sure, hindi naman siya maghihintay ng 13 years para lang, you know...alam niya rin naman ang mga mangyayari.

"Nag-usap kami kanina, actually. Sana lang, you know, kaming lahat nagdadasal for him. Kung ano ang magiging pangyayari ng comeback niya. Kasi, ang ganda-ganda po ng welcome sa kanya.

"So, aware kami na yung crab mentality na kung sino yung nasa tuktok, yun ang gustong hilahin pababa. So, isa na lang pong example yun. Siyempre, sa akin...pamilya ko rin po ang papa ko. And I only want to see na yung kapamilya ko, masaya. So, parang... prepared naman siya. Napaka-strong niyang tao."

Continue reading below ↓

Naniniwala rin si KC na mareresolba rin ang lahat ng kaso ng kanyang ama kalaunan. "The truth will set him free," aniya pa.

PAPS, THINK POSITIVE. Nagpahayag pa si KC tungkol sa kalagayan ng ama niya.

"I love him and I'm praying for him. Kahit anong mangyari. Ako positive thinking talaga palagi ang key. Kasi, naniniwala ako na kapag positive ang pag-iisip, yun ang maa-attract mo sa buhay mo.

"Lahat kasi sa akin yung TV, pelikula, Paris, lahat ‘yan naiisip ko noong bata pa ako. Lahat ‘yan alam ko na mangyayari although hindi ko alam kung paano.

Gusto nga raw niyang i-impart sa kanyang ama ang pagiging positive thinker para sa ikagaganda pa ng career nito.

"Kung maiisip niya rin yung comeback niya magiging positive, yung positive ang magiging impact, yun ang mangyayari, kahit anong hadlang pa ang dumating."

MOVIE WITH MOM AND DAD. Three-picture contract ang pinirmahan ni KC sa Star Cinema. Bukod sa tanong na kung sa three picture contract na yun ay isa ba roon ang pelikulang magkakasama sila ng Megastar mommy niyang si Sharon Cuneta, may mga nagtanong din kung isa rin ba roon ang movie na makakasama naman niya ang kanyang Papa Gabby.

Continue reading below ↓

"Siguro po, siguro po. Pero sana kung anuman yung ihandog namin sa inyo, magustuhan nyo. Pero sigurado po kaming magugustuhan nyo dahil base po siya sa naririnig namin at nakikita namin na gusto ng tao, at gusto naming ibigay yun sa inyo."

Kung ang pag-uusapan ay ang gusto ng tao, marami ang nagwi-wish na magkasama sa isang pelikula silang tatlo. Pero nakapagbitaw na nga ng statement si Sharon kahit nga raw ilang milyon pa ang talent fee, hindi siya gagawa ng pelikula with Gabby dahil na rin sa takot niyang paglalaruan lang sila at alang-alang na rin sa pamilya niya ngayon.

Anong masasabi ni KC sa pahayag na ito ng kanyang ina?

"Isa siyang fantasy para sa ating lahat [ang pagsasama nilang tatlo sa isang pelikula]. Lalo naman ako, na anak nila but, hindi po siguro magiging ganoon kadali yun dahil may mga pamilyang involved. At yun nga, like always naming sinasabi, hindi siya simpleng bagay na pelikula lang, ‘tapos, tapos na. Siyempre, may mga relasyon na naganap diyan. May mga taong mai-involve diyan."

Continue reading below ↓

Pero kung sa kanya raw talaga, gusto niya ring mangyari na magkasama sila sa iisang pelikula.

"Of course, of course! Doon naman po nabuo ang pamilya namin. Sa pelikula, ‘di ba?" natatawa pa niyang sabi.

"Sana, sana one day mangyari," pag-aasam pa niya.

Pero nang tanungin ng PEP kung siya kaya ang magkumbinsi sa ina niya na gumawa ng pelikula with her dad, hindi agad nakasagot si KC. Inisip muna ang maisasagot.

"Parang isang malaking responsibilidad po yun! Isang malaki at bonggang-bonggang responsibilidad. Hindi ko alam kung kaya kong gawin," natatawa pa rin niyang sabi.

GABBY'S FIRST TV DRAMA. Sa kabilang banda, mapapanood na si Gabby sa kauna-unahang pagganap nito sa telebisyon after 13 years via Maalaala Mo Kaya. Ayon sa actor, tatlong script ang ipinabasa sa kanya at ang episode nga na matutunghayan sa Biyernes ang napili nito.

Pahayag pa raw ni Gabby, magiging proud si KC kapag napanood na nito ang ginawa niya.

Continue reading below ↓

Sabi naman ni KC, "Ay, naku! Since nabasa na rin namin ang storyline ng movie, hopefully rin, maging proud siya sa magiging istorya ng first movie namin. Kasi, sobrang ganda po talaga ng light romance na ito. At sobrang kakaiba siya. Matutuwa talaga ang mga tao. And I hope, matuwa rin ang papa ko."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Asked if she can convince her mom Sharon Cuneta to do a movie with her dad Gabby Concepcion, KC Concepcion replied, "Parang isang malaking responsibilidad po yun! Isang malaki at bonggang-bonggang responsibilidad. Hindi ko alam kung kaya kong gawin." But she still hopes it will happen in the future.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results