Hindi inatrasan ni Moira dela Torre ang pagkadawit niya sa "jowa reveal" ng estranged husband niyang si Jason Hernandez.
May netizens kasing nag-akala na si Moira ang mystery girl sa Instagram Story na binahagi ni Jason noong Huwebes, May 11.
Pero agad itong pinabulaanan ni Moira.
READ: Moira dela Torre reacts to Jason Hernandez's sweet photo with a mystery girl
Naungkat ang isyu sa mismong concert ni Moira sa Blue Bay Walk sa Pasay City, Biyernes ng gabi, May 12, 2023.
Bilang patunay na hindi siya ang mystery girl ni Jason, pinakita ni Moira ang suot niyang singsing.
"Anong kulay 'to?" nakangiting tanong ni Moira sa audience.
Dagdag niya, "Silver, di ba?"
Gold kasi ang singsing ng babaeng kayakap ni Jason sa Instagram Story nito.
May patama pa si Moira na imposibleng magbalikan sila ni Jason.
"Madalas ang title nito babalik sa 'yo, pero ngayong gabi walang babalik," sabi ni Moira bago kantahin ang kanta niyang "Babalik Sa 'Yo, na theme song sa Kapamilya series na 2 Good 2 Be True.
Naghiyawan ang audience sa sinabi ni Moira.
Tili pa ng iba sa sinabi ni Moira na walang babalik, "Tama!"
May isang punto pa sa concert na tingin ng audience ay may parinig uli siya para kay Jason.
"Ang masasabi ko lang diyan... Eme!" saad ni Moira.
Ang kanta ni Moira na "Eme" ay hinihinalang nabuo niya matapos ang hiwalayan nila ni Jason noong 2022.
Pinanindigan naman ni Moira ang mga patutsada niya dahil ni-repost pa niya ang mga kuha ng netizens sa kanyang Instagram Story pagkatapos ng concert.
JASON HERNANDEZ: "GETS KO NAMAN..."
Bihirang makita si Jason sa showbiz circles matapos ang breakup nila ni Moira.
Pero noong March 2023, si Jason ay dumalo sa mediacon ng Kapuso prime-time series na The Write One para sa isang live performance ng theme ng serye.
Sa sidelines ng event, nakapanayam ng piling press si Jason, at hiningan siya ng reaksiyon tungkol sa mga patama sa kanya ni Moira sa iba pang shows nito.
READ: Did Moira dela Torre just confirm Jason Hernandez cheated on her multiple times?
“Honestly, tinatanggap ko na lang kasi nagkamali naman talaga ako. I deserve it,” tipid na sagot ni Jason.
Nabanggit niya na may mga detalye "na iba" ang bersyon niya, pero ayaw na raw niyang depensahan pa ang sarili.
READ: Jason Hernandez, simple at tahimik ang pamumuhay sa El Nido, Palawan
READ: Moira dela Torre "just healed" six months after split with estranged husband Jason Hernandez