Gabby Concepcion found long MMK taping totally new experience

by Rommel R. Llanes
May 1, 2008
"Ngayon lang ako ulit naka-experience ng shooting na ganito kahaba. Hindi ko na ito ginagawa doon sa Amerika. Yung first day, inabot kami ng hanggang alas-siete ng umaga. Tapos ang call time namin was 9:30 a.m. So medyo yung mata ko, namumula ng konti," narrates Gabby Concepcion about his first acting job after 13 years.

Mapapanood na ang kauna-unahang acting job ni Gabby Concepcion bukas ng gabi, May 2, sa Maalaala Mo Kaya (MMK) ng ABS-CBN, after 13 years of absence in the industry.

Kinunan ng tatlong araw, ang episode na may pamagat na "Manibela" ay tungkol sa isang mabuti at tapat na family driver na si Bert (Gabby), na minahal ang kanyang trabaho para sa kanyang kabiyak na isang katulong (Anna Capri) at kanilang anak. To the point na pinagtatakpan niya ang lahat ng kahungkagan ng kanyang amo (Tirso Cruz III) dahil kinukupkop sila nito ng kanyang pamilya. Pero napilitan siyang mamili sa kanyang loyalty sa kanyang boss o sa kanyang dignidad, nang ipinapaako ng kanyang boss sa kanya ang isang malaking kasalanang ginawa nito.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Gabby kagabi, April 30, sa presscon na ibinigay sa kanya ng kanyang manager na si Mrs. Rose Flaminiano, na ginanap mismo sa bahay ni Mommy Rose sa Roces Avenue, Quezon City, aminado ang nagbabalik na aktor na naninibago siya sa muli niyang pagtatrabaho sa harap ng kamera.

Continue reading below ↓

Kuwento ni Gabby, "Ngayon lang ako ulit naka-experience ng shooting na ganito kahaba. Hindi ko na ito ginagawa doon sa Amerika. Yung first day, inabot kami ng hanggang alas-siete ng umaga. Tapos ang call time namin was 9:30 a.m. So medyo yung mata ko, namumula ng konti."

Kumusta naman ang pakikipagtrabaho niya sa mga artistang kasama niya sa MMK?

"Naku, kapag magagaling pala ang mga kasama mo, gagaling ka rin," sambit niya. "Yun ang feeling ko, huh. Sa totoo, nakakahawa sila. Yun ang naranasan ko."

Hindi ba niya maituturing na magaling din siyang artista?

"Ewan ko, nandirito lang ako para gawin yung makakaya ko. Kung magaling ang tingin nila sa akin, di okey. Kung hindi naman, gagalingan ko pa," ani Gabby.

Ngayong nasa showbiz na ulit si Gabby, masasabi ba niyang gusto niya na talaga ulit yung binalikan niya?

"Hindi naman nawala, e," sambit niya. "Siguro I'm in denial lang talaga noon. Nung mga panahong sinasabi kong ayoko nang umuwi, siyempre deep down inside, gusto ko pa ring umuwi. Pero siyempre, sinasabi ko na lang na paninindigan ko na lang itong gagawin ko rito [Amerika] dahil nandirito na ako.

Continue reading below ↓

"Pero siyempre, hindi nawala yun na sana makauwi na ako sa Pilipinas. Sana yun ang iniisip ko noon, e, 'Ayoko nga, ayoko.' Pero deep down inside, sana may maglakas ang loob na mahalin ako ulit."

BREACH OF CONTRACT. Kinuha rin ng PEP ang reaksiyon ni Gabby sa kasong breach of contract na isinampa laban sa kanya ng entertainment columnist at radio personality na si Jobert Sucaldito. Ito ay kaugnay ng pagtanggap ng Gabby at ng kanyang manager na maging endorser ng produktong Lucida, kahit na may kasunduan na raw sila na ang MET Tathione ang ie-endorse ng aktor.

"Wala, hindi naman dapat mangyari yun," sabi ni Gabby. "That is a personal judgment, e. Yung kinol niya, that's very very personal. So dapat yun, pag-usapan namin between me and him. Personal yun, e.

"Yung sinasabi ninyo, that's professional. So, hinihiwalay natin yung personal saka professional. Yung professional, ipaubaya ko na kay Mommy Rose. Pero yung on a personal level, I think I need to... we need to speak about it. That's personal, e.

Continue reading below ↓

"Kung bakit dinala niya sa ibang level [lawsuit] is beyond me now, you know. Ayoko nang palakihin ‘yan because, guys, we have a lot of work to do, di ba? And I'm here to work. I want to fulfill my obligations as a professional.

"Alam naman ninyo na I'm a professional. Hindi na nga lang naging professional in the showbiz field, pero professional ako sa America in the real estate business. And ‘pag sinabi mong you're there in the right time, nandun ka ng right time. Ngayon, showbiz ito, there's a little difference," mahabang paliwanag ni Gabby.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ngayon lang ako ulit naka-experience ng shooting na ganito kahaba. Hindi ko na ito ginagawa doon sa Amerika. Yung first day, inabot kami ng hanggang alas-siete ng umaga. Tapos ang call time namin was 9:30 a.m. So medyo yung mata ko, namumula ng konti," narrates Gabby Concepcion about his first acting job after 13 years.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results