Jason Hernandez teases followers anew with sweet moment with mystery woman

Jason Hernandez getz cozy with a mystery woman at the Golden Gate Bridge.
by Arniel C. Serato
May 19, 2023
Jason Hernandez posts another sweet moment with a mysterious lady
Singer Jason Hernandez shares another cozy moment with a mysterious woman while enjoying the beautiful scenery at the Golden Gate Bridge in San Francisco, California.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Muling pinag-uusapan sa social media ang bagong post ng singer-songwriter na si Jason Hernandez kasama ang isang misteryosong babae.

Makikita sa short clip na tila nag-uusap si Jason at ang babae pero nakatalikod sila sa camera.

Jason Hernandez cozy moment with a mysterious woman

Sa bandang dulo ng video, medyo dumikit ang babae sa singer at sumandal ito sa kanang balikat ni Jason.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Jason Hernandez cozy moment with a mysterious woman

Nakatanaw silang dalawa sa sikat na Golden Gate Bridge sa San Francisco, California.

Walang caption si Jason sa kanyang post.

Hindi ito ang unang pagkakataong nag-post si Jason ng larawan niya kasama ang nasabing babae.

Noong May 11, 2023, ibinahagi ni Jason sa kanyang followers ang sweet na larawan din nila ng mystery girl na tila nasa isang disyerto.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakasuot ng sumbrero at itim na sleeveless ang babae at nakayakap sa likuran ng singer, habang siya'y nakangiti.

Hindi maaninag ang mukha ng babae dahil natatakpan ito ng suot niyang sumbrero.

Kaagad namang kumalat ang espekulasyon na baka raw nagkabalikan na sina Jason at ang estranged wife nitong si Moira dela Torre.

Ayon sa ilan, si Moira ang babaeng nasa larawan at indikasyon ito ng pagbabalikan nila ni Jason.

Bukod daw kasi sa kasing-katawan ni Moira ang babae sa post, nagpatibay rin sa suspetsa ng netizens ang singsing na suot ng mystery girl sa post ni Jason.

May pagkakatulad daw kasi ito sa singsing na madalas isuot ni Moira.

Agad namang pinabulaanan ng "Paubaya" singer ang haka-haka ng netizens.

Read: Moira dela Torre reacts to Jason Hernandez's sweet photo with a mystery girl

Sa concert naman ni Moira sa Blue Bay Walk sa Pasay City noong May 12, muling pinatunayan ni Moira na hindi siya ang mystery woman na kasama ni Jason.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinakita ni Moira ang suot niyang singsing.

"Anong kulay 'to?" nakangiting tanong ni Moira sa audience.

Dagdag niya, "Silver, di ba?"

Gold kasi ang singsing ng babaeng kayakap ni Jason sa Instagram Story nito.

May patama pa si Moira na imposibleng magbalikan sila ni Jason.

"Madalas ang title nito babalik sa yo, pero ngayong gabi walang babalik," sabi ni Moira bago kantahin ang kanta niyang "Babalik Sa 'Yo," na theme song ng Kapamilya series na 2 Good 2 Be True.

Naghiyawan ang audience sa sinabi ni Moira.

Tili pa ng iba sa sinabi ni Moira na walang babalik, "Tama!"

May isang punto pa sa concert na tingin ng audience ay may parinig uli siya para kay Jason.

Sabi pa niya, "Ang masasabi ko lang diyan... Eme!"

Read: Moira dela Torre shows proof she's not Jason Hernandez's mystery girl

Ang kanta ni Moira na "Eme" ay hinihinalang nabuo niya matapos ang hiwalayan nila ni Jason noong 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Jason Hernandez announces split with wife Moira dela Torre: “I have been unfaithful to her.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer Jason Hernandez shares another cozy moment with a mysterious woman while enjoying the beautiful scenery at the Golden Gate Bridge in San Francisco, California.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results