SOFT LAUNCHING: Jason Hernandez posts “harana” photos with mystery woman

Jason Hernandez: "Siya ang nag ligtas sa’kin, ang nagbalik ng aking ngiti.”
by Arniel C. Serato
May 22, 2023
Jason Hernandez, mystery girl relationship soft launching?
Singer-songwriter Jason Hernandez (right) shares photos with mystery woman (left) anew on Instagram.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Tuloy ang pagpapaka-mysterious ng singer-songwriter na si Jason Hernandez sa kanyang followers sa Instagram.

Ngayong Lunes, May 22, 2023, nagbahagi muli si Jason ng larawan ng mystery woman na ilang beses na niyang nai-flex sa kanyang Instagram account nitong mga nakalipas na araw.

Sa pagkakataong ito, full body na ng babae ang makikita pero hindi pa rin kita ang mukha nito dahil nakatalikod pa rin ito.

Jason Hernandez and mystery woman

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tila hinaharana naman siya ni Jason sa pangalawang larawan dahil may hawak itong gitara.

Jason Hernandez and mystery woman

Pareho silang nakatalikod sa camera habang pinagmamasdan ang sunset sa nakamamanghang view ng Horseshoe Bend Canyon sa Page, Arizona.

Pansin ding sa caption ni Jason ay parang lyrics ito ng kanta na kanyang likha.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pahiwatig dito na ang babaeng kasama niya ang “nagligtas” sa kanya at “nagbalik ng aking ngiti.”

Buong caption ng singer: “Siya ang nag ligtas sa’kin, ang nagbalik ng aking ngiti.”

Tanong tuloy ng netizens: soft launching na ba ito ng bago niyang karelasyon?

Noong May 19, muling pinag-usapan sa social media ang bagong post ni Jason kasama ang nasabing misteryosong babae.

Makikita sa short clip na tila nag-uusap si Jason at ang babae pero nakatalikod sila sa camera.

Sa bandang dulo ng video, medyo dumikit ang babae sa singer at sumandal ito sa kanang balikat ni Jason.

Nakatanaw silang dalawa sa sikat na Golden Gate Bridge sa San Francisco, California.

Walang caption si Jason sa kanyang post.

Read: Jason Hernandez teases followers anew with sweet moment with mystery woman

Hindi ito ang unang pagkakataong nag-post si Jason ng larawan niya kasama ang nasabing babae.

Noong May 11, 2023, ibinahagi rin ni Jason sa kanyang followers ang sweet na larawan nila ng mystery girl na tila nasa isang disyerto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MOIRA DELA TORRE DENIES SHE’S THE GIRL IN THE POST

Kaagad namang kumalat ang espekulasyon na baka raw nagkabalikan na si Jason at ang estranged wife nitong si Moira dela Torre.

Ayon sa ilan, si Moira ang babaeng nasa larawan at indikasyon ito ng pagbabalikan nila ni Jason.

Bukod daw kasi sa kasing-katawan ni Moira ang babae sa post, nagpatibay rin sa suspetsa ng netizens ang singsing na suot ng mystery girl sa post ni Jason.

May pagkakatulad daw kasi ito sa singsing na madalas isuot ni Moira.

Agad namang pinabulaanan ng "Paubaya" singer ang haka-haka ng netizens.

Read: Moira dela Torre reacts to Jason Hernandez's sweet photo with a mystery girl

Sa concert naman ni Moira sa Blue Bay Walk sa Pasay City noong May 12, muling pinatunayan ni Moira na hindi siya ang mystery woman na kasama ni Jason.

Read: Moira dela Torre shows proof she's not Jason Hernandez's mystery girl

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer-songwriter Jason Hernandez (right) shares photos with mystery woman (left) anew on Instagram.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results